Nagkita uli.
Lumapag na ang eroplanong sinakyan namin sa Mactan-Cebu International Airport. 2 years din ang lumipas bago kami nakapagbakasyon dito. Noong nasa elementarya pa lang kami ng kapatid ko halos taon-taon kami nagbabakasyon ng summer dito. Hindi lang namin nagawa dahil nag-abroad si Mader para subukan daw ang buhay sa Germany pero nun malaman niya na nagkanobyo ako nun first year high school ako, nawala sa honor at nasumbong pa sa Principal, nagdesisyon siyang bumalik. Ngayong natapos na ako sa third year, balik na din ako sa pagkafirst honor dahil nakabantay si Mader.
"Bea!", tawag ni Mader ko. "wag muna sumabay sa pagbaba. Hayaan natin sila mauna."
"Opo." Sagot ko. Balik ako sa pagkakaupo. Si Ate Berna naman ay kampante lang. Di ko alam kung excited pa sya na makita mga barkada nya ngayong nakapagtapos na sya ng kursong Hotel and Restaurant Management. Tingin ko seryoso na sya dahil pagkatapos ng bakasyon ay maghahanap na sya ng mapapasukan.
'Basta ako excited akong makita mga barkada ko. Puro lakwatsa na naman ito.' sabi ko sa sarili ko.
Nakuha na namin ang mga bagahe. Natanaw ko na ang Uncle ko sa labas na nakaabang. Paglabas ko ng pintuan papuntang lobby, biglang may sumalakay sa likod ko.
"Bes, yari ka sa amin!," sabay akbay ng apat na barkada kong lalaki na sila Jerry, Argel, Roel, Kiko at pinsan kong si Jomar.
"Mga putik kayo, babalian nyo pa ata ako," pinaghahampas kong sabi sa kanila. Puro lalaki ang barkada ko sa probinsya. Magaan kasi silang kasama. Si Jerry ang pinakalider sa amin na nagpatupad ng batas na bawal ang i****t sa barkada, ibig sabihin, bawal akong ligawan ng sinuman sa kanila. Pinagdiinan nya iyon dahil si Roel ay kursunada ako pero dahil ayaw nyang matanggal sa barkada, kailangan nya sumunod sa rule ng barkada. Si Argel naman ang pretty boy na mestiso sa kanila na balita ko ay mahilig sa girlfriend na mas matanda sa kanya. Si Kiko naman, tamang mabait at go with the flow lang. "Buti nandito kayo. Nakisakay ba kayo kay Uncle?"
"Ibahin mo 'to," pagmamalaki ni Jerry. "Maparaan na kami ngayon. May sasakyan kaming dala kasi hassle na magcommute."
"Wow, talaga lang ha." Diskumpiyado ako. "Ayokong madamay sa huli ninyo. Alam kong wala pa kayong mga lisensya dahil magkakaedad lang tayo."
Sabad ni Argel. "Sino'ng mangangailangan ng lisensya kung nandito naman si...." Agad sila naghiwalay na parang may eentra. Natanaw ko ang pamilyar na lalaki. Hindi kami close nito, bakit nandito ito? "Si Daryl! Dala nya sasakyan nila. Nagdadrive na ito eh."
"Musta na, Bea?" Nakangiti sya. Di ko alam kung ngingiti ako sa kanya kasi parang naiilang ako. Barkada sya ng Ate ko, may sarili din syang grupo na kaedad din nya pero ang trip nila magjamming dahil halos lahat ng barkada nya na halong babae at lalaki ay marunong maggitara. Si Daryl ang pinakabata sa kanila dahil karamihan ng barkada ng Ate ko nasa 21-24 years old samantalang si Daryl ay nasa 19 years old lang.
Awkward lang ito kasi last year nagpadala ng recorded video yun barkada nila Ate na nagrecord ng jamming nila na may tagagitara. May portion doon sabi ng isang barkadang lalaki nila na:
"Berna, may special number daw pala si Daryl. Solo number daw pero request nya sana makinig daw si Bea." Sa part na yun ay tinawag na sya ng Ate Berna nya para makinig na wala siyang idea kung bakit. Nagsalita na si Daryl. "Ate Berna, itong kakantahin ko ay para kay Bea. Para malaman niya na humihingi ako ng chance na maging malapit sa kanya kasi..." nagkakantiyawan na silang magbabarkada sa video sabay batok kay Daryl. Biglang may sumingit na isang lalaki. "Mahal na daw niya ang kapatid mo, Berna. Gusto 'ata nito na maging hipag ka, woohoo!" Sinaway ni Daryl ang mga kasama niya saka siya nagpatuloy. "Bea, sana magustuhan mo ang kanta ko para sa' yo at sana sa pagbabalik mo dito sa Davao ay maging kaibigan na rin kita." Saka siya kumanta ng I've Been Waiting For You. Juice ko, trip talaga ng mga barkada ni Ate pang-oldies. Hindi ako nagpahalata sa Ate Berna ko nun kasi baka maisumbong ako kay Mader na umaariba na naman ako eh nagalit nga yun nun magboyfriend ako kahit laro-laro lang naman yun, di seryoso.
Tinitigan ko si Daryl. Gumwapo sya, pero mukang torpe pa rin kasi panay ngiti lang. " Okay lang. Nagkumustahan na ba kayo ni Ate Berna?"
"Oo, sinalubong ko sya. Sabi ko schedule namin ang jamming namin dahil yun ibang barkada namin nagtatrabaho na eh." Sagot niya. Mahiyain pa rin. Pero pinilit kong maging relax lang para di niya mahalata na malinaw pa sa alaala ko ang kanta nya.
"O, convoy ba tayo kina Uncle?" Tanong ko.
Hinatak ako ni Jomar. "Ate Bea, wag na tayo magconvoy sa kanila. Maglomi naman tayo."
"Dun pa rin sa dati? Tabing kalsada lang?" Paglilinaw ko dahil nakapaglomi kami sidewalk lang, masarap yun kahit sa tabi-tabi lang.
"Oo, dating gawi" sagot ni Jerry. "tapos ubusan ng toyo at patis pag nagtimpla."
"Walanghiya kayo! Magkakasakit tayo sa bato nyan," sagot ko. "Paalam lang ako kay Mader. Sunod ako sa inyo."
Nagpaiwan si Jomar. "Ako na sasama kay Ate Bea para alam nya kung saan tayo nakapark."
Pinayagan naman ako ni Mader kasi kasama ang pinsan kong si Jomar. Pagdating namin sa parking lot, nakita ko na pick up ang sasakyan at bukas ang likod kung saan lahat sila nakasakay. Pinasakay nila ako sa harap, katabi si Daryl.
Ang tagal naming tahimik sa biyahe. Nakalabas na kami ng airport, wala man lang siyang imik. Nakakailang.
"Kumusta ka na?" Malambing na tanong ni Daryl. Juice ko, buti naman nagsalita na 'to. Puro kumusta na lang, wala nang ibang masabi. Akala ko mapapanisan ako ng laway sa taong' to.
"Ok naman," tipid kong sagot. Parang nagpatweetums naman ako sa sagot ko. Hindi bagay. "Kailan ka pa natutong magdrive ng sasakyan?"
Sinulyapan ako ni Daryl, ngumiti. "Mga 6 months pa lang. Mahirap din pag puro motor ang gamit ko. Nauulanan at naiinitan." Tumikhim sya. "Gaano ka katagal magbabakasyon?"
"Uhh, baka mahigit isang buwan." Don't tell me sa tagal kong magbakasyon eh hindi mo ako yayain mamasyal. Kung pwede lang sabihin.
Itinabi nya ang sasakyan sa gutter. Nagbabaan na mga kasama namin para magreserve ng upuan. Bago ako bumaba, biglang hinawakan nya ang braso ko.
" Bea, sana sa mahigit na isang buwan na magbabakasyon ka, sana kahit may isang araw na pwede kita makasama." Huminga sya na malalim. "Kung okay lang sa mga barkada mo."
Tumango ako at napangiti. Este, kinilig. Siguro may konting excitement dahil kahit paano nagsalita sya. Kahit paano nagsabi sya na gusto nya akong i-date. Di man sinabi yun salitang date pero gusto niya ako makasama. Ganun na rin yun. Wag na umarte.