"O, san ang lakad mo?" Tanong ni Ate Berna pagkamulat ng mata. Maaga akong gumising para ihanda ang damit ko dahil magkikita kami ni Daryl. Hindi ko na inisip kung tama ba itong gagawin ko dahil literal na may boyfriend ako kahit lihim lang. Wala akong dapat maramdaman na nakokonsensya o kaba dahil kumustahan lang naman ito. Walang malisya kumbaga.
"Magkikita kami ni Daryl," nag-aalangan kong sagot. "Tumawag siya kagabi."
Napabangon siyang bigla. "Talaga? Kasama ba niya ang ibang barkada namin?"
"Siya lang," kahit nakayuko ako ay napaikot ang mata ko. "may training daw siya dito kaya nandito siya." Sana naman wag na siya sumama. Mawawala ako sa eksena.
"Sama ako!" Bumangon siya agad. "Mabilis lang ako maligo. Saka para may sasakyan ka papunta sa meeting place nyo. Gusto ko rin makapasyal for the last time kasi until today lang ang vacation leave ko."
Nanlumo ako. Akala ko pa naman makakapag-usap kami nang solo para maitanong kung bakit ngayon lang siya nagparamdam? Ano nangyari nun mga panahon na yun? Hay....
Si Ate Berna ang nagdrive papunta sa Italian restaurant kung saan magkikita kami dapat ni Daryl. Nagpark siya sa open parking katapat ng Italian restaurant. Pagpasok namin ay hinanap ko siya.
Hinatak ako ni Ate Berna. "Hayun siya!" Tumayo siya sa dulo ng restaurant kung saan may couch na nakadikit mismo sa dingding. Mukhang iba siya ngayon. Clean cut pero hindi na boyish gaya noon kundi lalaking-lalaki na, nakaslacks na khaki at blue na polo. Iba ang tindig niya. Marahil ay nadagdagan ang confidence dahil nagwowork na siya.
"Musta na?!" Hinampas ni Ate Berna sa braso si Daryl. "Ang kinis mo ngayon ah! Big time na ang datingan mo!"
"Ha! Ha! Ha! Hindi naman. Ako pa rin ito."
Kumaway lang ako sa kanya. Hindi ako makasingit kay Ate Berna. Sabi na magiging alalay lang ako ngayon.
"Hello, Bea!" Bati ni Daryl.
Pagkaupo namin ay umorder na kami. Bumangka na si Ate Berna.
"Bakit di ka man lang nagsama ng alalay kahit isang barkada natin? Sila Jo Pala, Tatong, miss ko na sila!"
"May mga work na sila ngayon," sumulyap si Daryl sa kanya. "halos hindi na kami nakakapagjamming gaya noon kasi yun ibang barkada natin nag-abroad at yun naiwan naman sa atin ay iba-iba ang schedule sa trabaho."
"Bea, ikaw, anong year mo na?"
"Incoming second na ako this year," sagot ko. "Hanggang kailan ka magstay dito sa Manila." Sana matagal pa para magschedule na lang kami ng sariling lakad.
"Three days lang ako dito," sabi ni Daryl. "kailangan kasi bumalik ako agad dahil ako ang inaasahan ng boss ko sa office."
"Wow, kanang kamay ka na ata ng boss mo eh." Tinapik ni Ate Berna ang braso ni Daryl na nakapatong sa mesa.
"Hindi talaga ako ang aattend sa training na ito kaya lang nagresign na yun manager na in charge sa Training and Development."
"Eh di ikaw na nga ang pumalit." Sabi ni Ate Berna.
"Anong company yang pinapasukan mo?" Sumingit na ako bago ako maging rebulto dito.
"Japanese IT company ito na nagdedevelop ng software, apps etc. Balak ng boss ko na mag-explore pa ng ibang products na pwede na maintegrate sa hawak namin para mas maging competitive kami." Nakatitig ng husto sa akin si Daryl na parang may ibang message siya na gusto sabihin.
Dumating ang food namin at nag-umpisang kumain.
"So, ibig sabihin uwi ka rin niyan ngayon weekend? Ang bilis naman. Sana extend ka pa." Pamimilit ni Ate Berna.
"Hindi pwede eh," tumingin uli sa akin si Daryl. "round trip ticket yun pinabook ng company kaya talagang dapat makabalik ako."
"Saglit ka lang pala no." Matipid na sabi ko.
"Pwede pa naman tayo magcatch up kahit sa f*******:," pamamaraan ni Daryl. "hinanap ko profile mo sa friends list ng Ate mo kaya lang wala ka dun eh."
Umirap si Ate Berna sa akin. "Ewan ko diyan. Ayaw din akong i-add. May nililihim siguro." Tiningnan niya ako saka bumaling uli kay Daryl. "Takot kasi na maisumbong ko kay Mader na may boyfriend kaya simula nun nag-iba ng account."
Natawa si Daryl. "So ibig sabihin, may boyfriend siya ngayon kaya hindi ka pa rin ina-add sa f*******: niya?" Tanong niya kay Ate Berna pero sa akin nakatingin. Sa akin niya ba gusto manggaling ang sagot?
Tinulak ako ni Ate Berna sa balikat." O bakit di mo sagutin tanong ni Daryl? Kung may boyfriend ka? Takot ka masumbong no?"
Sinimangutan ko siya saka sumubo ng pasta. Sa asta ko, pang-no comment ang peg. Hinamon ako ni Ate Berna.
"Kung talagang wala kang boyfriend, i-add mo nga kami sa f*******: ni Daryl," kinuha niya agad ang cellphone niya para mabuksan ang account niya.
"Kelangan ngayon na? Eh kumakain pa tayo," alibi ko sa kanya. Nairita ako. Ayoko pa naman na i-add itong si Ate dahil nakapausyusera.
Kinuha din ni Daryl ang cellphone niya. "Sige, ok ang dare na yan!"
Dinilatan ako ng mata ni Ate Berna. "O, ano na? Mukhang mabibisto ko ang lihim mo pag di mo kami na-add. Sign na yun na pag di mo kami in-add, ibig sabihin ay may boyfriend kang tinatago kay Mader. Yari ka na naman! Delikado na naman yang scholarship mo pag sumablay ka na naman."
"Scholarship agad eh f*******: ang topic dito!" Naasar na ako. Buraot talagang kasama itong si Ate. Madodoble ang pagkainis ko eh.
"Eto na naghihintay na kami oh!" Dinuldol pa ni Ate ang cellphone sa mukha ko.
"Oo na, eto na!" Inopen ko ang account ko para i-add sila as friend. "Pakiconfirm agad bago ko i-delete ang friend request ko."
"Confirmed!" sabi ni Daryl na in-accept agad ang friend request.
"Waahhh!!! Yari ka, halungkatin ko mga post mo. Malakas kaya pang-amoy ko."
Nanahimik na lang ako. Nawalan na ako ng gana makisabay sa kwentuhan nila. Mayamaya ay pumasok ang message ni Edison.
Edison: Bhe, luwas na ako ngayon. Inagahan ko gaya ng sabi mo.
Me: Talaga ? ingat ka sa biyahe.
Edison: VC tayo habang nasa biyahe ako.
Matagal bago ako nakareply. Hindi pwede ngayon.
Me: Kasama ko si Ate Berna. Namasyal kami. Mamaya try ko pag nakauwi. Hanap ako ng timing.
Edison: Sige, sobrang miss na kita. Naiinip na akong makarating ng Manila.
Me: Ingat ka sa biyahe. Focus ka muna sa pagdrive.
Edison: Ok, love you.
Me: Love u too ?
Natapos ang pagkain namin at usapan nang ganun lang. Nagbayad ng bill at umuwi. Walang ganap, 'ika nga.
Lunes, unang araw ng pagbabalik sa eskwela. Nakita ko sa parking lot si Edison.
Sinalubong niya ako ng yakap. "I missed you so much!"
"I miss you too," sagot ko sa kanya. Kaya lang bakit parang hindi ko madama ang dating kabog ng dibdib o excitement na makita siya? "Ang aga mo naman. Di ba mamaya pang after lunch ang pasok mo?"
"Inagahan ko talaga para makita ka kasi mamaya mauuna kang umuwi." Inabot niya ang pasalubong sa akin na nasa paper bag. "Hayan, ikaw na bahala magbigay sa mga kaibigan mo."
Nagpaalam na ako sa kanya kasi male-late pa ako.
Pumunta kami sa tambayan namin nila Rachel at Hanna na Campus Cafe sa likod ng school. Absent ang teacher kaya maaga kami pinalabas. Balak namin magchikahan bago umuwi.
Inabutan ko sila ng pasalubong galing kay Daryl pagkaupo namin sa favorite spot. "Pinabibigay ni Daryl."
Napangiti si Hanna. "Correction, ng boyfriend ko." Saka nagkahampasan at tulakan. "Anong feeling ng hindi malamig ang Pasko?"
Napangiti ako. "Pareho lang. Di naman kami makapagvideo call pag sa bahay kasi nilihim ko muna ang tungkol sa amin. Mahirap maging grounded uli."
"Mas exciting pag nililihim kasi may kaba lagi," panunukso ni Rachel na nakaupo sa tabi ko. "so talagang mahal mo siya dahil pinili mong maging kayo kahit lihim. Ibig sabihin pinaglalaban mo."
Natahimik ako. Wala akong masabi kay Rachel dahil nalilito ako. Nagring ang messenger ko.
"Daryl?" Nasilip ni Rachel.
"Pinsan ko sa probinsya. Wait lang baka urgent." Lumayo ako sa kanila para makausap si Daryl.
"Hi, Bea! Akala ko hindi mo sasagutin eh."
"Napatawag ka. Kumusta naman ang naging training mo dito sa Manila?"
"Maganda yun training pero baka maisipan ng boss ko na ipadala ako sa ibang bansa para sa training dahil nakulangan siya sa nakuha naming info sa training diyan. Baka midyear daw depende kung may available... Hindi na tayo nakapag-usap after natin magkita."
"Super excited si Ate Berna na makita ka eh. Namiss yun bonding ninyo noon."
"Namiss ko rin yun bonding natin dati. Gusto ko sana maulit. Akala ko pa naman maipapasyal mo ko pag bumisita ako diyan sa Manila."
"Next time na lang pag nakabalik ka uli."
"Bea, pag nakabalik ba ako ng Manila, pwede na natin pag-usapan ang tungkol sa ibang bagay?"
"Anong iba bagay?" Kinabahan ako. Hindi ako pwede ngayon kasi may boyfriend ako.
"Nasabi ko naman sayo, hintayin kita pag pwede na. This year debut mo na baka pwede na."
Dahil wala akong maisagot dahil gulong-gulo ang utak ko. Safe answer na lang ang sinagot ko. "Sige pag nagkita na lang tayo uli." Ok na ang sagot na yun. Ang gagawin ko, hindi na lang muna ako magpakita pag nasa Manila siya.