Parang may kulang

1405 Words
Dalawang linggo nang hindi sumasama sa amin si Roel matapos ang eksena sa Kawasan Falls. Si Argel naman ay nakakasama minsan lang dahil sobrang selosa ng girlfriend nya. Para hindi mabagot, sinasama ako nila Kiko at Jerry sa raket nila bilang pulot boys. Si Argel ang katabi ko sa bench habang nanonood sa match. Malapit na kasi ang tournament kaya marami ang nag-eensayo. "Buti nakasama ka ngayon," sabi ko kay Argel. Napailing sya. "Higpit ng girlfriend ko eh. Pag sinabi nya na pasyal kami, dapat pagbigyan kasi nagtatampo." Inabutan nya ako ng chips galing sa backpack namin. "Balita ko nagkainitan ata sila Roel at Daryl ah." "Hindi naman," pagtatama ko. "Nagtanong lang si Roel kaya lang medyo madiin." "Mabait yan si Daryl," pagtatapat ni Argel. "wala akong masabi sa taong yan. Mapagmahal sa Mama niya. Siya nga lagi kasama sa palengke na tagabuhat, tagadrive. Itong si Roel ang marami akong masasabi haha!" Ayokong magcomment. Baka mahuli ako sa salita ko. Binaling ko na lang ang tingin ko sa naglalaro ng tennis. " Ang hirap din ng raket nila Jerry no," iniba ko na ang topic."kailangan mabilis kang tumakbo para habulin ang bola or else mauubos na bola pag di nila napulot agad." "Ganun talaga. Kaya dapat alerto sila." sang-ayon ni Argel. "Mamaya, laro tayo pagkatapos ng mga nagpapraktis. Dala namin ang raketa namin. " Tinapos lang ang game at naging bakante na ang tennis court. Sumalang na kami ng doubles. Kaya lang kahiya naman ang perfomance ko. Tagal kasi akong hindi na nakapaglaro. Natalo tuloy kami ni Argel. Naglakad lang kami pauwi ng bandang hapon. Nakakamiss ang walang sasakyan... O baka namimiss ko ang may dala ng sasakyan. Di na rin nakipag-usap uli sa akin si Daryl. Nakadama ako ng lungkot. Papalapit na ko sa bahay ni Lola ay may nakita akong nakapark sa labas. Kumabog ang dibdib ko. May bisita ata ako! Nandito ang sasakyan ni Daryl. Kinalma ko ang sarili ko. Pagpasok ko ng gate ay nakita kong magkausap sila Daryl, Auntie Vivian at si Papa. Saktong palabas ng pinto si Mader na may dalang meryenda. "Kanina ka pa namin hinihintay ah," high pitch na naman si Mader. "Akala ko uwi ka ng lunch dito." "Naglaro po kasi kami ng tennis nun mabakante ang court." sagot ko habang nagmamano kina Mader at Papi. "Nood ka daw ng tournament ni Daryl bukas na yun," sabi ni Auntie. "Eh sabi ko dapat manalo siya kasi may kasama siyang swerte," biro ng Papa niya. "Naku, napressure po ako sa sinabi nyo. Gusto ko lang po na makapasyal na rin si Bea para hindi sayang ang bakasyon." Sabi ni Daryl na biglang bumaling ng tingin sa akin. "Sunduin kita bukas, Bea. Around 9AM. Ok lang ba sayo?" "Sige okay lang. Lakasan ko magcheer sayo," pabiro kong sagot sa kanya. "Pasok na muna ako ha. Pawisan kasi ako." Pumasok ako ng bahay na kasunod si Auntie Vivian. "Uy, Bea! Nanliligaw ba yang si Daryl sayo?" Nagsalubong ang kilay ko. "San naman nanggaling ang tanong na yan?" Dapat talaga magdeny kasi napakachismosa din nitong Auntie ko eh. "Kaibigan ko ang Mama niyan. Mabait na tao yan. Baka lokohin mo lang, kawawa naman." "Juice ko naman, Auntie!" Nairita ako. Ako agad ang manloloko dahil nagboyfriend ako ng pustahan lang. "Niyaya lang akong manood ng tournament. Hindi pa ako niyayang pakasal." "Aba dapat lang!" Nanlalaki pa mata ni Auntie Vivian. "Hindi pwede mauna ka. Tandaan mo, ako muna dapat ang makasal bago ikaw dahil ang bata mo pa." "Ito ang tandaan mo, Auntie. Ikaw ang pauunahin kong makasal at pag ikakasal ka, kahit may pasok ako sa eskwela ay aabsent ako para lumipad papunta rito sayo. Itaga mo sa bato yan!" Tinalikuran ko na si Auntie. Ang kulit eh. Wala pa ngang nangyayaring maganda sa amin eh inuunahan agad. Naligo na ako, kumain at nagpahinga. Napagod din akong manood simula pa 6AM ng tennis match habang pulot boys sila Jerry. Malaki naman kinita nila kaya nagpakain sila sa karinderya. Ginising ako ni Auntie ng 7AM pa lang. Ang aga naman. Parang gusto ko pa matulog. "Bea," yugyog ni Auntie sa akin. "bumangon ka na diyan at maghanda ka na. Hindi pwede ma-late ng dating si Daryl sa venue." Bumangon ako pero hindi biglaan. Kahit gusto kong bumalikwas, bawal ipakita dahil malakas ang radar ng Auntie ko. Nagsuot lang ako ng pedal, shirt at rubber shoes. Pag nagdress ako baka sabihin ay date ang lakad namin. At least kung medyo rugged ang suot ko, mukhang manonood lang talaga ng tennis match. Narinig kong may sasakyan na tumigil sa labas. Bumilis ang t***k ng puso ko. Parang gusto ko na tumakbo palabas!!! Aargh, kung pwede lang!!! Pumasok si Daryl na may dalang isang bowl ng makopa. "Lola, bagong pitas po galing sa puno namin." "Salamat, iho." Kinuha ni Lola ang makopa. Pogi naman nitong jojowain ko! Nakatennis short at shirt na may logo ng village namin. "Bea, hintayin na lang kita sa sasakyan." Tumango ako. Uminom na ako ng tubig at nagtoothbrush. Paglabas ko ay nakasandal sya sa pinto ng passenger seat habang gumagamit ng cellphone. Inangat nya ang ulo, tumingin sa akin at ibinulsa ang cellphone. Binuksan nya ang pinto. " Halika na. " 'Hala, halikan na daw haha. Kainis! Kulit ko talaga.' sabi ko sa sarili ko. Dama kong excited si Daryl pagsakay niya. Halata sa kilos niya. Pinaandar niya ang sasakyan at nagsimulang magdrive. "Galingan mo mamaya ha," pasimpleng sabi ko. Sumulyap sya sa akin. "Kung matalo man ako ngayon, masaya pa rin ako." Malaman na sagot niya sa akin. Pinaupo niya ako sa medyo itaas na bleacher. Nagsimula na ang match niya. Tuwing magseserve siya ng bola, tumitingin muna sya sa akin. Kalma lang mukha ko pero kumekembot ang puso lo sa saya. Kaya lang nagdilang-anghel ata sya. "Pa'no ba yan, natalo ako." Sabi niya. Nakapagpalit na siya sa men's room. Mukha na syang fresh. "Eh di ba sabi mo magiging masaya ka pa rin?" Natawa sya. "Oo naman." Sumakay na kami sa kotse. "Kain muna tayo. Halos 1PM na.. May dala akong lunch natin." Nagulat ako. May papicnic pa ata ito. "San tayo kakain?" "Punta tayo malapit sa dagat para mahangin." Kumpleto ang baon ni Daryl. Kung walang tournament, iisipin mong nagdate talaga kami. May dalawang ulam, kanin, plato, kubyertos at may softdrinks pa na nasa cooler. "Kumakain ka ba ng spicy beef kaldereta?" "Kaldereta, oo. Pero hindi ko pa nasubukan un spicy." Hinanda ko na ang plato namin. Ok din ang lugar. May kubo na kainan na pwede rentahan. Pwede ka rin maligo kung gusto mo pero wala akong dalang panligo. Sayang. "Tikman ko yan. Ikaw ba nagluto?" "Mama ko nagluto para ipatikim sayo. Ako lang ang nag-ihaw ng tuna belly." Kumain na kami. Ang sarap ng ulam. Naparami ata kain ko. Pagkatapos kumain ay tinakpan muna namin ang mga pagkain. Umiinom na lang kami ng softdrinks. "Graduating ka na ng high school ngayong pasukan di ba?" "Oo," sagot ko. "May naiisip ka na bang course na gusto mo sa college?" "Wala pa. Depende kina Mader." Sumandal ako patagilid para humarap na sa kanya. "Ikaw, magtatapos ka na di ba?" "Sa wakas nga, matatapos din. Tapos hahanap ako ng mapapasukan para paaralin ko rin ang kapatid ko." Natahimik saglit na parang may dumaang anghel. "Kailan ka uli babalik dito?" "Hindi ko alam." Ang titipid ng sagot ko. Ang boring ko naman. "Kelan ka naman pupunta ng Manila? Ako naman ang dalawin mo." "Soon, pag pwede na." Heto na naman. 'Pag pwede na'. Umuwi rin kami agad dahil ayaw ni Daryl na mag-alala sila Mader na matagal kaming umuwi. Ganun lang. Nakabitin ang status namin. Naubos na araw ng bakasyon ko na walang ganap. Puro barkada pero yun kami ni Daryl, kung meron mang kami, ay wala. Magulo no. Kumbaga sa clearance, nakapending. Si Jerry at Kiko lang ang nakasama sa paghatid sa amin sa airport. Umiwas na ata sila Roel at Daryl. "Bigay mo cellphone number mo sa amin para kahit messenger na lang tayo," sabi ni Jerry. Umirap ako. "Pa'no ako makabigay ng cellphone number eh binawi ni Mader yun cellphone ko nun nagkaboyfriend ako. Sulat ka na lang haha.." "Naku, bahala na nga. Dati masipag ako magsulat pero mas maganda sana kung messenger para mabilis." Ani Kiko. Nagpaalaman kami. Walang kabuhay-buhay ang araw na ito. Yun hinihintay kong pagpapaalaman, absent naman. Nagtago na ata. Si Daryl ay parang joke lang na dumaan sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD