Chapter fourteen 🌼
Luciyaa
Nagising ako kinabukasan na masakit ang buong katawan ko, hinanap agad ng mata ko si - wait umuwi kaya siya ??
"Hi, my dear gising kana pala, sinundan ni mommy ang paglibot ng tingin ko sa kwarto,ngumiti ito at sinabing "sino kaya ang hinahanap ng princess ko ?" sabi nito.
"Hmm si sir sky umuwi na po?? nahihiyang tanong ko kasabay ng pag upo na inalalayan naman ako ni mommy.
"Yes umuwi na siya ng makatulog kana kaninang madaling araw but don't worry,he will back daw natatawang sabi ni mommy.
"Eh mommy bakit kayo tumatawa?? namumulang sabi ko dito.
"Wala lang I feel something,nang aasar na sabi ni mommy, Kailangan mo ng kumain what do you want to eat?? tanong niya.
"I want coffee po mommy,pwede kaya ?? panguso kong sabi nagpaalam si mommy na itatanong daw muna sa doctor kung may bawal akong kainin kaya lumabas ito ng silid.
Paglabas ni mommy ay pumasok naman si kuya na may dalang foods damit at pagkain,I feel loved kahit sobrang pasaway ko naguguilty tuloy ako.
"Hindi ko parin akalaing na malalagay ako sa ganoong sitwasyon , kuya said na yung empleyadong naka away ko ay sila din ang nagpakidnap sa akin.
Nakakalungkot dahil lang doon ay mabubulok na sila sa kulungan hanggang kamatayan dahil hindi ito mapapalagpas ng aking pamilya.
"Sis ?? how are you ? bungad ni kuya matapos i abot ang bugkos ng bulaklak ".
" Wow kuya salamat.Dont worry I'm perfectly fined pwede na nga akong tumambling eh nakangisi kong sabi, pero ng itataas ko sana ang kamay ko ay bigla akong napaiyak sa sakit ,aw ! nabaril nga pala ako at hindi pa hilom at kahit daplis lang ito ay may Ilang stitches paring ginawa.
"tumbling pala ha ! kotong pa ng kuya kung sweet ..
"Aray !! kuya naman eh !! naiinis kong Sabi habang hinihimas ang tutok ng ulo ko..
"Papasok na ko sa trabaho,magpagaling ka muna at wag kang magpapasaway ha !! balik ako after ng trabaho baka pwede ka na ding lumabas mahabang Sabi ni kuya.
"Copy that master,sabi ko Kay kuya.And isa pa pala sabi nito "Wag ka munang magpaligaw magpagaling ka muna naiinis nitong sabi,at lumabas na ito ng kwarto ..
Hala Anong nangyari dun ? ligaw ??sinong - napaiisip ako sa sinabi niya wait ! sinabi kaya niya na nililigawan niya ako ? f*ck !! sira ulo ba siya !!! Nadatnan ako ni mommy na nagsasalita mag isa.
"Okey ka lang ba sweetheart? na trauma ka ba ? kailangan mo ba ng psychiatrist???
Mommy Naman eh !!sabi ko Eh kasi Sabi ni kuya nagpapaligaw daw ako.. naiiyak kong sabi .Natawa si mama "Binibiro ka lang siguro ng kuya mo ,sige na ihahanda ko na ang pagkain mo and coffee.
After kong kumain ay dumating ang nurse, at kailangan daw linisan ng mga sugat ko,meron din pala akong malaking gasgas sa tuhod dalawang tuhod ko.Tinanggal ng nurse ang bandage ng braso ko masakit siya kaya napapa ngiwi ako sa sakit.
"Miss dahan dahan naman parang nasasaktan na siya ,Napatingin ako sa likod ng nurse ng makita ko si Sky. He looked so fresh!! He's so pogi.. kilig na bulalas ng utak ko.
He's just wearing a blue polo shirt and shorts with sneakers ngumiti ito at parang natunaw na ang buong mundo ko ,e kasi naman Yung buhok nyang medyo magulo , yung shirt niya na fitted sa katawan niya ano ka ba self kalma eto ka nanaman sermon ng utak ko.
"Masakit ba ?? nag aalalang tanong nito. "Huh ? tanong ko tulala pa more..
Natawa si mommy at nag salita, "Masakit ba daw po ??
"Hindi naman masyado halos pabulong kong sabi na nakayuko pa, Napatingin ako kay mommy na nakangiti lang.Sigurado akong namumula na ang buong pagkatao ko Este mukha ko.
"Sorry po ma'am hinging paumanhin ng nurse. "Okey lang po mahina lang po talaga ang pain tolerance ko sabi ko dito.Natapos naman ang nurse at nagpaalam na ito grabeng makatitig Kay sky sarap kurutin sa singit.
"Hi tita,bati ni sky kay mama inabot nito kay mama ang dalang tatlong sunflower nakinagulat ko. "Oh your sweet iho ha ,akin ba to ?? Nakangiting sagot ni mom. Tumango si sky na nakangiti.. grabe siya Kay mama yun ? " Ah tita gusto ko pong magpa-alam sa Inyo ng formal na liligawan ko po si Lucy" nakapagpatigil hingingang sabi nito kay mommy.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni mommy at syempre sa ako din gulat na gulat !! "Hahahaha ang aga mo namang mag joke sir" malakas na bulalas ko.
"I'm not joking Lucy,you know how much I like you."seryoso nitong sagot sa akin.
"It's okey iha,nasa edad ka na din naman pero sky iho pwede bang I disscus ko muna sa esposo ko ito ? pero walang problema sa akin na ligawan mo ang Unica hija namin Basta tama ang intensyon mo at hindi mo sasakyan ang anak namin.
"No worries tita, Hindi ko po gagawin iyon pangako sagot nito.Ano ba ito di Kona maintindihan ang nararamdaman ko, wahhh !!!!
"Mabuti naman kung ganoon iho"sambit ng aking Ina.
"Hindi ka ba papasok ? mataray kong sabi. "Nope hindi naman siguro magsasara ang kompanya kung di ako pumasok ngayon, nakangiti nitong sabi sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. "tinulak ko ito at sinabing lumayo ka sabi ko dito at tumingin kay mommy.
Napahagikgik si mommy, "Sky iho, pwede bang bantayan mo muna itong prinsesa namin at uuwi muna ako para maligo at maghanda ng pagkain."
"No problem tita,take your time po"sabi ng pogi Este ni sky
"Mommy !!! "maktol na sabi ko.Hinalikan ako sa pisngi ni mom at binulungan na ,"wag kang mag asal bata anjan ang manliligaw mo" sabi pa nito bago umalis.Pagka alis ni mommy ay lumapit agad ito sa akin.
Lumayo ako dito at sumimangot,"Nakakainis ka ano yung sinabi mo kay mommy?? tanong ko dito.
I'm serious about that ,Liligawan kita. formal nitong sabi.Napanguso ako at sinabing wala ng bawian sa pamilya ko pag nalaman na nina kuya at daddy. Ngumiti ito at sinapo ang dalawang pisngi ko ,Basta magpagaling ka na muna para makalabas kana dito okey ? Sabi nito na ikinatango ko.
"May gusto ka bang kainin ?? ipapaluto ko kay nana,Hindi na si mommy magluluto iyon ng madami at sabi naman ni kuya baka payagan na akong lumabas bukas pag magaling ako ipagluto mo nalang ako ng kare-kare Sabi ko dito.Nagtatawanan kami ni Sky dahil Kay Harold na kinakausap namin sa telepono ng biglang may tumatok."
"Hi miss luciyaa ,I'm doctor Chyna kumusta na ang pakiramdam mo? Ayon sa mga test sayo they are all fined kaya pwede ka ng lumabas kailangan mo nalang inumin lahat ng prescribed medicine sayo..
"Okey po Salamat doktora sambit ko dito. "Wait , Lucas ?? is that you on flesh ?? omg !! lumapit si doktora at niyakap si Sky. "Oh chy it's nice to see you again. " Sabi ni sky .
"Ilan taon naba tayong di nagkikita ?? last Yung engagement nyo ni Heidi diba sabi nito ,let's have dinner sometime dagdag pa nito.
"Yeah some other time sagot nito.
Tinignan ako ni Sky at umiwas ako ng tingin kunwari Hindi ko narinig ang pangalan ni Heidi,parang may pamilyar na sakit sa dibdib ko katulad ng sakit dati ng iniwan ko ito sa Santa Barbara..
flashback...
"Lucy ko ?? may party yung pinsan ko sa bayan mamayang gabi punta Tayo?? aya ni sky sa akin,kasalukuyan kaming nasa tabing dagat naka upo sa buhangin at pinapanood ang paglubog ng araw.
"Anong okasyon ? kailangan ba akong sumama nahihiya ata ako sabi ko dito.
"Eeh bakit kana man mahihiya e kasama mo naman ako,ipapakilala kitang girlfriend ko tugon nito.Napatingin ako dito at ngumiti dito,Gagawin mo iyon kahit parang deal lang iyon ??tanong ko dito,inakbayan ako nito at sinabing "I'll make you fall in love to me,akin kana Lucy ko.. tumawa ako sa laking lalake nito napaka korni. "Lucy ko pero kinikilig ako sakanya nakakalimutan ko na nga si Gerald at ang pagloloko nito.
in the party
Ginanap ito sa Isang resort na may napakagandang garden na puno ng naggagandahang bulaklak,marami na ding bisita nang makarating kami at may ilang taong bumabati Kay sky ,and at last Nakita na namin ang birthday celebrant.
"Happy birthday daphnii!" bati ni sky dito ,"Kuya Lucas I'm glad that you came,magtatampo na sana ako" masaya nitong sambit habang nakayakap Kay sky ,Napatingin ito sa akin at iginala nito ang mga mata sa kabuuan ko mula ulo hanggang paa to be exact.
"Who is she ?"tanong nito kay sky."She's my girl nakangiting Sabi ni sky at hinapit ako nito sa bewang ,Para akong manliliit sa tingin nito ,Nakasuot ako ng maxi dress na floral print at may hati sa dalawang side backless ito at inilugay ko ang mahaba at kulot Kong buhok tinernohan ko ito ng wedges na katamtaman lang ang taas.
"Hi I'm Lucy ,Happy birthday Sabi ko dito at akmang yayakapin ko ito ng lumayo siya halata ang pakadisgusto nito sa akin.Hinawakan nito ang kamay ni sky at tinangay " Gusto kang Makita ni mama kuya Lucas tara puntahan natin siya ,ngunit lumingon sa akin si sky para humingi siguro ng permiso ,Go ahead Sabi ko nalang dito , Dito na muna ako Sabi ko dito kahit Hindi ako masyadong komportable.
Kalahating oras na ata ang nakakaraan at Hindi pa din ako binabalikan ni sky.Wrong move at hindi na dapat pa ako sumama dito,tumayo ako sa upuan ko at hinanap si sky, Ngunit ng marinig ko itong nagsasalita ay napatigil ako.
Natuwa pa ako ng makita ang pigura niya,akmang lalapitan ko na ang mesang kinaroroonan nito ng masalita si Daphne
"So kuya Lucas,kumusta na kayo ni ate Heidi ,I know your engaged?? Bakit may Kasama kang iBang babae ??Alam kong Bata palang kayo siya na ang gusto mong pakasalan?? but suddenly may babaeng kasama ka,Ano nga kasing pangalan ,uh I can't remember cheap kasi pangalan baka isa lang siya sa mga gold diggers na gusto kang perahan sabay tawag pa nila.
"Hey stop laughing wag nyo naman siyang pagtawanan, syempre walang wala si Lucy kompara Kay Heidi.. I loved Heidi so much.
Pagkarinig ko ng salitang iyon ay pumatak ulit ang mga luhang Ilang araw ko ng di nakikita dahil kay sky ,Siya din pala ang dahilan kung bakit ako iiyak ulit . Lumabas na ako sa naturang lugar habang tinatawagan si Nay Linda .
"Hello anak ? bakit ka umiiyak ? ha masakit ang tiyan mo ?? asan ba si sky ?? ah ganoon ba ay hintayin mo kami ni Patrick padating na kami.
Pagka uwi namin sa beachhouse ay sunod Kong tinawagan ang parents ni matt na sina tita misty at tito Raul. Para ipabook ako ng ticket ngayon. Luciyaa Marie Alarcon opo tito Maraming Salamat po sa lahat.
Nagpaalam na din ako Kay nanay Linda at Patrick,nagtaka sila bakit parang napabilis ata ang pag alis ko, nag empake na din sila para umuwi sa kanilang bahay. Umalis ako sa Santa Barbara na may Wasak na puso Hindi lang Isang beses ito nawasak kundi dalawa.
end of flashback.
Hindi ko man namalayan na wala na si doktora, "You okey ??" Tanong ni sky sa akin. " yeah Sabi ko at tumalikod dito." Matutulog muna ko".Sabi ko dito at pumikit na .