Chapter fifteen 🌼
Hindi ko alam kung gaano ako katagal tulog ,nagising ako sa mahinang tapik ni mommy.
"Anak ?? okey ka lang ?? Umuungol ka at umiiyak napanaginipan mo ba Yung mga kumidnap sayo ?? nag aalalang sambit ni mommy.
Nakita kong palabas ng pantry si sky, "Opo mommy,niyakap ko si mom at lalong umiyak Kay mommy.
"Sssshhss. Hindi na mauulit yon,tahan na anak,kumain ka na ha kailangan ko munang dumaan sa office ng daddy mo para idaan Yung food niya sasamahan ka muna ulit ni sky dito pero mabilis lang ako mahabang sabi ni mommy habang pinunasan mga luha ko.
"Go ahead mommy,Sabi ko dito.Kinausap ni mommy si sky Bago ito umalis pagkatapos ay lumapit ito sa akin at sinabing "ire ready ko na ang pagkain mo,iinom kana ng gamot after nito malambing nitong sabi ,Pagkatapos Niya sumandok ay inilapit na nito ang mesa .
Aabutin ko na sana ang plato ng agawin niya ito "Ano ba inis na sabi ko. "I will feed you"bulalas nito.Ayoko ,Ako na nalang akin na yan "pagpipilit ko ngunit lumayo ito at ipinatong sa may mesa ang pagkain ko at lumapit ito. "Lucy may problema ba ? may nagawa ba ko ?" bakit parang nag Iba bigla ang mood mo ? Are you jealous kay doktora ?? Tanong nito
"Ofcourse not napaka feeling mo naman!! depensa kong sagot.
"Really huh ? she's just my old friend malambing na paliwanag nito ."I don't care, kahit pakasalan mo pa siya sarcastic kong sagot.
"See ? tapos sasabihin mong di ka nagseselos ? ikaw langpakakasalan ko ! natatawang sambit nito.
"Ikakasal ka na,malamig kong sabi.
Natigilan ito at umiwas ang tingin,Ewan ko ba parang maiiyak ako kaya tumingin din ako sa iBang dereksyon. "Kumain ka na para makainom ka na ng gamot"pag iiba nito ng topic ,Lalo akong naiyak sa isiping iyon. Kaya lumunok muna ko bago mag salita."Pwede ka nang umuwi.." malamig na sabi ko.
"No, I'll stay here sagot nito,tumingin ako sakanya kaya Lalo akong naiiyak sa inis , feeling ko kasi pinaglalaruan niya lamang ako.
"Gusto mo na bang maging Mrs.Montefalcon huh ? hinawakan nito ang magkabila Kong pisngi at hinaplos Niya ang mga luhang kusang tumutulonsa aking mga mata.
"Stop this, tama na Sky !!! Alam ko your engaged at ikakasal ka na kay Heidi na mahal na mahal mo!!! sigaw ko dito, Natulala lamang ito "Alam mo ba kung bakit ako umalis sa Santa Barbara dahil nalaman ko na pine playtime mo lang ako habang hinihintay mong maging ready na ang magiging bride mo!! sigaw ko dito. Hindi ko na kaya pang itago ang lahat,kinakain na ako ng matinding emosyong nararamdaman ko ."Oo natalo ako Sky, I fell in love with you kaya sobrang sakit nang malaman ko na I'm just your playmate Hindi ko na mapigilang mapahagulgol sa sakit na nararamdaman ko. Nakatulala lamang ito sa akin at tinitignan ako, Alam mo naman na wasak pa ako nung time na iyon pero nong ginawa mo, you played my heart ! you tricked me !! you make me fall in love parehong-pareho sa ginawa ni Gerald !! mahina Kong sabi habang umiiyak. Hindi pa ko tumigil muli akong nagsalita , "tapos lilitaw ka nalang out of nowhere at sasabihing you liked me!! Wag mo naman akong paglaruan please !!! umiiyak kong dugtong at tumalikod dito. Umikot ito sa kama at Tinitigan ako ng matiim.
"I really dont like you Lucy, Tama ka parang laro lang ang lahat kasi sino ba naman naniniwala sa love at first sight wala diba,Pero kahit maikling panahon lamang ang ating pinagsamahan doon ko nadama ang kakaibang kasiyahan, ng mawala ka bigla sa realidad ko para akong mababaliw that's the point na pinahanap na kita at ng Makita kitang muli, may na realize ako pero I'm not sure kung ready kana hanggang umabot sa akin na nasa panganib ka,F*ck I want to kill myself kasi wala ako nung kailangan mo ako wala ako para ipagtanggol ka, I'm sorry honey for causing you so much pain nang hindi ko sinasadya but believe me hindi kita ginamit or niloko, I will prove it to you. gustong gusto kita No, I do love you !! I really love you .. so much mahabang paliwanag nito habang namumula ang mata nito at ang buong mukha.
Natigilan ako ,Hindi ko alam kung Anong dapat Kong maramdaman.Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisngi at hinalikan nito ang tuktok ng ulo ko.
You what ??mahina kong tanong pagkatapos kong matulala sa mga sinabi niya.Tinignan niya ako at sinabing "Oh my Lucy babawi ako sayo"nangingiting sambit pa nito.
Muli niya akong tinitigan at niyakap ng mahigpit.
"Hey, tahan na baka dumating ang mommy mo at sabihing pinapa-iyak na kita natatawang usal pa nito nito.
Pinunasan ko ang mukha ko at nag simula niya na akong pakainin.Para akong nakahinga at nawala lahat ng bigat sa dibdib ko dahil nasabi ko lahat nang gusto kong sabihin.
Matapos akong kumain ay bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakakaligo. Baka mabaho nako sheyt ang lapit lapit pa naman nito sa akin niyakap at hinalikan niya pa ako.Napansin siguro ako nito na inamoy ang buhok ko kaya nagsalita ito "Kung iniisip mong mabaho kana ,tama ka "bulalas nito sa seryosong mukha.Natulala ako sa mga sinabi niya.
Maiiyak na naman sana ako sa hiya ng lumapit ito sa akin , "It's a prank !" usal nito at kinurot pa ang magkabila kong pisngi. "Napakacute mo talaga !tumatawa niya Nainis ako at kinuha ang unan sa likod ko, hinagis ko ito sa kanya at matalim ko itong tinignan."It's not funny,Mister Montefalcon !!"mataray kong tugon .
May pumasok na nurse na medyo may edad na at inabot ang IV ko .
Napasigaw ako ng bigla akong buhatin ni sky papuntang banyo kasunod ng nurse na may hawak sa iv ko , May Isang upuang plastic sa loob at doon niya ako nilapag, Nagulat ako sa mga sumunod na ginawa nito, He wash my hair, at iyong nurse na Kasama namin ay tinulungan niya akong maglinis ng katawan at magbihis.Sky also dried my hair,pagkatapos ay pinalitan niya ang benda ng aking braso sa tulong ng nurse.
Nang dumating si mom ay Nagulat pa ito dahil napaka fresh at blooming ko daw.Wala na din si sky ng oras na iyon dahil may importante daw itong aasikasuhin.Galing din si Zaki dito upang ibalita na pwede na akong umuwi ngayong araw.