Fauna’s POV
Hala, seryoso, sobrang dilim. Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala talaga akong ma-decipher sa mga nakikita ko—well, kung may nakikita man ako. It was pitch black.
Pakiramdam ko, ako lang ang mag-isa sa mundo at kahit anong tingala ko para humanap ng langit o kahit isang maliit na bituin man lang, wala. As in, pure darkness lang ang bumubungad sa akin.
Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko nang madiin, hoping na pagdilat ko, baka sakaling mag-adjust ang vision ko o baka magising na ako sa weirdong sitwasyon na 'to. Pero nung idilat ko sila, mas malala pa pala ang mangyayari.
Bigla akong nakarinig ng mga sigaw ng mga lalaki. Malakas. Galit. At ang pinaka-nakakatakot? Papalapit sila sa kinaroroonan ko.
Grabe, my heart literally skipped a beat. Yung t***k ng puso ko, feeling ko lalabas na sa chest ko sa sobrang bilis at kaba. Wala akong idea kung saan ako pupunta, pero instinct kicked in, kaya tumakbo ako nang blind na blind sa gitna ng kadiliman. Yung mga sigaw, palapit nang palapit, parang nararamdaman ko na yung hininga nila sa batok ko.
Trembling in fear na talaga ako, tipong nanginginig pati tuhod ko pero kailangan kong bilisan. Feeling ko ang bagal-bagal ko pa rin kahit todo hataw na ang mga paa ko.
Then, biglang may sparkle of light na nahuli ang mga mata ko. Parang pag-asa! Sinubukan kong gamitin lahat ng willpower ko para mas bilisan pa ang takbo, iniisip ko na kailangan ko lang mahawakan yung liwanag na yun at magiging okay na ang lahat.
But life is a prankster, 'di ba? Bago ko pa man maabot yung liwanag, bigla akong nahulog sa isang malalim na butas na hindi ko man lang napansin kanina.
I lost total control. Ramdam ko yung katawan ko na nag-o-overshoot at nag-i-slide sa loob ng isang dambuhalang tunnel.
It felt like forever. Seryoso, nagbilang ako hanggang sampung segundo pero wala pa ring katapusan ang pag-slide ko pababa.
Sobrang bilis ng takbo ko at walang kahit anong opening na matatanaw. At dun ko na narinig ang isang boses—isang makapangyarihang boses na tinatawag ang pangalan ko.
"Fauna!"
Familiar yung boses, parang narinig ko na somewhere, pero dahil sa sobrang haziness ng utak ko at sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko talaga ma-process kung kanino yun.
"Fauna!"
Ulit nung boses, mas malakas na sa pagkakataong ito. Pero kahit anong piga ko sa memorya ko, hindi ko talaga ma-place kung sino siya. Bigla akong napabalikwas at napa-jerk ang mga mata ko.
Pagdilat ko, ang bumungad sa akin ay ang sarili kong ceiling. Thank God!
Naka-wrap pa rin ang blanket ko sa akin pero basang-basa ako ng pawis. Paghawak ko sa noo ko, ramdam ko yung mga butil ng pawis na namumuo.
"Damn, nightmare lang pala," bulong ko sa sarili ko. Chinek ko yung phone ko—1 AM pa lang.
Nag-pray muna ako nang mabilis, nagpapasalamat na hindi ako natuluyan sa pagtulog ko. Pakiramdam ko talaga kanina, na-trap na ako sa isang black hole forever. Alam ko na kung bakit ko napanaginipan 'to.
Ganito naman palagi kapag feeling ko ay malapit na namang maningil ang mga loan sharks—yung tipong hindi lang pera ang kukunin pati buhay mo idadamay.
Inabot pa ako ng ilang oras bago tuluyang dinalaw ulit ng antok.
Kinabukasan...
Halos murahin ko na kung sino man itong walang magawa sa buhay na kanina pa pindot nang pindot sa doorbell ko. Seryoso, walang humpay! Tamad na tamad akong bumangon at nag-inat habang naghihikab. Dahil sa pesteng nightmare na yan kagabi, kulang na kulang ang beauty sleep ko. Pagtingin ko sa bedside clock ko, 7 AM pa lang!
Sino ba 'to? Imposible namang yung mga loan sharks 'to kasi kakabayad ko lang sa kanila kahapon. Wala na silang mahihita sa akin ngayon.
Ang plano ko talaga ay matulog buong araw dahil nag-decide na ako na hindi na ako a-attend ng seminar na 'yan.
Pinag-isipan ko kasing mabuti pagkatapos akong ihatid ni Dave pauwi kagabi. Feeling ko mas kailangan ng katawan ko ang pahinga kaysa sa kung anong lecture.
Sadyang binagalan ko ang paglakad ko papuntang pinto.
Sabi ko sa isip ko, "Sige, mag-doorbell ka lang diyan. Mapapagod ka rin at aalis." Umaasa akong maiinip yung bisita ko at hahayaan na lang akong bumalik sa piling ng kama ko.
Habang papunta ako sa sala, sumasagi pa rin sa isip ko yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Ang daming gulo.
Parang naging roller coaster ang buhay ko. Idagdag mo pa ang presensya ni Dave na laging nandiyan pero minsan hindi ko rin maintindihan ang timpla.
At siyempre, hindi mawawala sa isip ko ang mga chika at drama ng colleagues ko.
Minsan iniisip ko, kung sumama kaya ako sa seminar, makakatakas ako sa mga bayarin at stress sa buhay? Pero naisip ko, kahit saan naman ako magpunta, dala-dala ko pa rin ang utang ko at itong magulo kong isip.
Tumigil muna ako sa harap ng salamin bago buksan ang pinto. "Gosh, Fauna Mendoza, mukha kang dinaanan ng bagyo," sabi ko sa reflection ko. Sabog ang buhok, may eyebags, at halatang puyat.
Ang kulit pa rin ng doorbell. Ding-dong! Ding-dong!
"Sandali lang! Papunta na!" sigaw ko sa inis, kahit ang totoo ay naglalakad pa rin ako na parang pagong.
Sino kaya itong istorbo na 'to?
Kung si Katrina 'to para lang yayain akong mag-shopping, baka masapak ko siya nang wala sa oras. O baka si Keith na may bagong tsismis tungkol kay Shannon? O mas malala, baka si Dave na naman 'to para i-check kung buhay pa ako pagkatapos nung ride namin kagabi.
Huminga ako nang malalim, hinawakan ang doorknob, at dahan-dahang pinihit ito. Kung sino man ang nasa likod ng pintong ito, siguraduhin niyang importante ang sasabihin niya, dahil kung hindi, naku, makakatikim talaga siya ng bagsik ng isang Fauna Mendoza na kulang sa tulog.
(Author’s Note: Comment naman po kayo dito sa story ko kahit ano, para naman malaman ko if may nagbabasa ba talaga.)