Dave's POV
“Damn it…”
Napamura ako agad pagkasara ng pinto ng kotse.
Ramdam ko pa rin ang inis na kumukulo sa dibdib ko habang umaandar ang sasakyan. Umupo si Johny sa driver’s seat, tahimik gaya ng dati.
“Office,” maikli kong utos.
“Yes, sir.”
Tahimik ulit.
Pero sa loob ko?
Sobrang magulo.
Napatingin ako sa rearview mirror.
Unti-unting lumalayo ang apartment niya.
Hindi ako dapat pumunta doon.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kanina. Kanina pa ako nagdadalawang-isip kung pupunta ba ako o hindi.
At anong ginawa ko?
Pumunta pa rin ako.
“Stupid,” bulong ko sa sarili ko.
Para saan?
Para makita siya?
Para lang masigurado na totoo siya?
O para… ewan.
Hindi ko maintindihan.
Napahilot ako sa sentido ko.
Kasi ang totoo?
Hindi ko inaasahan yung reaction niya.
Yung mata niya…
Shookt siya.
At higit sa lahat...
Nasaktan ako doon, ah.
Hindi ko gusto yung naramdaman ko.
“Why the hell do I care?” bulong ko, iritado.
Hindi ko dapat pinapansin ‘yon.
Hindi ko dapat iniisip ‘yon.
She agreed.
She said yes.
Deal ‘yon.
Simple lang.
Pero—
Naalala ko yung mukha niya.
Namumugto ang mata.
Halatang umiyak.
All night ba?
Napahigpit ang hawak ko sa upuan.
“She cried…” mahina kong sabi.
At doon pumasok yung isang bagay na hindi ko sanay maramdaman.
“Damn it.”
Napailing ako.
Hindi ako ganito.
Hindi ako nagi-guilty sa babae.
Hindi ako nagdadalawang-isip.
Kung ano ang gusto ko, kinukuha ko.
Kung may kapalit, ibinibigay ko.
Fair lang.
Pero ngayon?
Bakit parang hindi ganon?
“What did you expect, Dave?” bulong ko sa sarili ko.
You cornered her.
You gave her no choice.
Napapikit ako nang mariin.
“She had a choice,” sagot ko agad sa sarili ko.
Pero kahit sabihin ko ‘yon…
Hindi ako kumbinsido.
Kasi alam ko.
Alam ko kung gaano siya ka-desperate.
Para sa nanay niya.
Para sa hospital bills.
At ginamit ko ‘yon.
Sinamantala ko ‘yon.
“Damn it!”
Napabuntong-hininga ako nang malalim.
Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nag-isip ng ganito dahil sa isang babae.
Hindi ko gusto.
Hindi ako sanay na ganito.
At higit sa lahat.
Ayokong masanay.
Tahimik kaming bumiyahe hanggang makarating sa building ko.
Napahinto ako sandali sa paglalakad.
“Focus,” sabi ko sa sarili ko.
Work lang, gago.
Kailangan ko ng distraction.
Pagpasok ko sa opisina ko, agad kong tinanggal ang coat ko at niluwagan ang kurbata ko.
“Sir, your files,” sabi ng secretary ko.
“Leave it.”
Tumango siya at umalis.
Tahimik ulit.
Umupo ako sa swivel chair ko, tumingin sa mesa ko na puno ng papeles.
“Good,” bulong ko.
Ito ang kailangan ko.
Numbers.
Contracts.
Meetings.
Walang emosyon na involved. Walang komplikasyon.
Sinubukan kong gawing busy ang sarili ko sa trabaho.
At kahit papaano…
Nakatulong.
Meeting after meeting.
Decision after decision.
Sign here. Approve that. Reject this.
At least… for a while.
Hindi ko namalayan ang oras.
Hanggang sa...
“Sir?”
Napatingala ako.
Si Red.
Mukhang kinakabahan.
“As usual,” bulong ko sa sarili ko.
“Speak.”
“Sir… your 7 PM meeting…”
Napakunot ang noo ko.
“Yes?”
“Cancelled po…”
Nanlamig ang expression ko.
“Repeat that.”
“C-cancelled po, sir…”
Tumayo ako nang dahan-dahan.
“Why?”
Biglang nag-stutter siya.
“Uhm… sir… they called po earlier… Mr. Leon won’t be able to—”
BANG.
Malakas kong ibinagsak ang hawak kong pen sa mesa.
Tumahimik siya agad.
“Get out.”
Agad siyang tumango at halos tumakbo palabas.
Napairap ako.
“Unbelievable.”
Pinaghirapan ko i-schedule ang meeting na ‘yon.
Important project.
Major launch.
Tapos ic-cancel lang?
Last minute? Petpeeve ko pa naman.
Napahilot ako sa tuktok ng ilong ko.
“Damn it…”
Pero sa halip na mag-focus sa inis ko…
May pumasok na naman sa isip ko.
Her.
Fauna.
Napahinto ako.
“Seriously?” bulong ko.
Sa dami ng iniisip ko,,,
Bakit siya pa rin?
Napaupo ako pabalik sa upuan ko.
Tahimik.
Then slowly…
Napangisi ako.
“I need a distraction.”
At alam ko kung ano ‘yon.
Kinuha ko ang phone ko.
Sandali akong tumigil.
Thinking.
Debating.
Then…
I dialed.
One ring.
Two.
Three.
Four.
“Hello?”
Damn.
Even her voice…
Napapikit ako saglit.
“Magready ka na,” diretso kong sabi.
“My driver will pick you up in an hour.”
Tahimik siya sa kabilang linya.
Pero hindi ko na hinintay.
Pinatay ko na agad ang tawag.
Nilapag ko ang phone sa mesa. Sumandal ako sa upuan. At tumingin sa kisame.
“Let’s see, Fauna Mendoza…”
Mahina akong napangiti.
“This time…”
Mas magiging interesting na ‘to.