Fauna's POV
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan.
Siguro… pareho.
Mahigpit kong hinawakan ang folder sa kamay ko habang nakatayo sa harap ng isang napakalaking building.
Halatang… hindi para sa mga tulad ko.
“Okay, Fauna… kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok.
Pagpasok ko pa lang, parang gusto ko nang umatras.
Everything screams money.
Yung mga tao, nakaporma, seryoso, may kanya-kanyang mundo.
Ako?
Simpleng blouse at slacks. Halatang pinag-isipan pero hindi pa rin sapat.
Napayuko ako saglit.
“Focus,” sabi ko sa sarili ko.
Kailangan ko ‘to.
Para kay Mama.
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa bag ko.
Hospital.
Bills.
Gamot.
Yung mukha ng nanay ko na pilit ngumiti kahit hirap na hirap na.
“Anak, okay lang ako…” sabi niya.
Pero alam kong hindi.
At hindi ako papayag na mawala siya dahil lang wala akong pera.
Kaya nandito ako.
Para mag-apply.
Para lumaban.
“Ma’am?” tawag ng receptionist.
Napatingin ako. “Yes po?”
“Interview?”
“Opo,” sagot ko agad.
“Name?”
“Fauna Mendoza.”
Ngumiti siya nang magaan at may tinype sa computer. “Please wait. Tatawagin ka na lang.”
Tumango ako at umupo sa waiting area.
Pero kahit nakaupo na ako, hindi mapakali ang isip ko.
Hindi dahil sa interview.
Kundi dahil sa nangyari kagabi.
Napapikit ako sandali.
Bar.
Drinks.
Yung lalaking...
“Stop it,” bulong ko.
Hindi ito ang oras para isipin siya.
Isang gabi lang ‘yon.
Tapos na.
Wala nang balikan.
…dapat.
“Ms. Mendoza?”
Napamulat ako.
“Yes?”
“Please proceed to the executive office. Top floor.”
Napakunot ang noo ko.
Executive?
“Ah… sure po.”
Tumayo ako at sinundan ang directions.
Habang tumataas ang elevator, mas lalo akong kinakabahan.
“Bakit executive agad?” bulong ko.
“Hindi ba dapat HR muna?”
Napailing ako.
Baka ganito lang talaga dito.
High-end company. Ibang sistema.
Pagbukas ng elevator, mas tahimik.
Mas… intimidating.
Isang secretary ang sumalubong sa akin.
“Ms. Mendoza?” tanong niya.
“Yes.”
“Sir is waiting.”
Sir?
Tumango ako, medyo kinakabahan.
Binuksan niya ang isang malaking pinto.
“Please go in.”
Huminga ako nang malalim.
Then I stepped inside.
At doon…
Parang tumigil ang mundo ko.
Nakatalikod siya sa akin, nakatayo sa harap ng glass window.
Pamilyar.
Sobrang pamilyar.
“Sir, she’s here,” sabi ng lalaki bago umalis at isinara ang pinto.
Tahimik.
Mabigat.
Hanggang sa dahan-dahan siyang humarap.
At doon ko nakita...
Siya.
“Good morning, Fauna.”
Nanlamig ang buong katawan ko.
“Y-you…”
Napaatras ako ng isang hakbang.
“Adrian—”
“Dave,” putol niya, kalmado pero may bigat. “Dave Balmillero.”
Parang may sumabog sa utak ko.
“Y-you’re…”
“Owner,” sagot niya, casual. “This company is mine.”
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ko alam kung anong uunahin ko—yung hiya, o yung kaba.
Ibang-iba siya.
Wala na yung lalaking nakilala ko kagabi.
Wala na yung ngiti. Wala na yung playful tone.
Ang nasa harap ko ngayon…
Isang powerful na tao.
At ramdam ko ‘yon.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili ko.
“You applied,” sagot niya. “I called you.”
“What?”
Naglakad siya palapit sa desk niya, kinuha ang isang file.
“My company. My rules.”
Napalunok ako.
“Sit,” utos niya.
Hindi ako agad gumalaw.
“Relax,” dagdag niya, bahagyang ngumiti. “Hindi kita kakainin… yet.”
Nainis ako.
Pero… umupo pa rin ako.
“Last night…” panimula ko, pero naputol agad.
“Let’s not pretend,” sabi niya, diretso ang tingin sa akin. “We both know what happened.”
Napakuyom ang kamay ko.
“Hindi ko sinasadya 'yon.”
“Your name,” putol niya ulit. “Fauna Mendoza.”
Nanlamig ako.
“How—”
“I have my ways.”
Napatingin ako sa mesa niya.
Then napansin ko...
Yung phone ko.
“Y-you went through my things?”
“Relax,” sabi niya. “I just needed answers.”
“Wala kang karapatan!” tumaas ang boses ko.
Tahimik siya.
Then…
“How’s your mom?”
Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ko.
“H-how did you—”
“Hospitalized,” tuloy niya. “Critical. Expensive.”
Napaluha ako pero pinigilan ko.
“Stop,” mahina kong sabi.
“Full withdrawal sa account mo,” dagdag niya. “Lahat ng ipon mo ubos na.”
“Tumigil ka,” sabi ko, nanginginig.
“Fauna,” mahina niyang sabi, this time mas seryoso. “You need money.”
Napatigil ako.
At kahit ayaw kong aminin…
Tama siya.
“Anong gusto mo?” tanong ko, halos pabulong.
Napangiti siya.
Hindi yung playful smile kagabi.
Kundi yung… delikado.
“I like straightforward people,” sabi niya. “So I’ll be direct.”
Kinabahan ako lalo.
“Magkano kailangan mo?”
Hindi ako sumagot.
Pero alam niya na.
“Millions,” sagot niya para sa akin.
Napapikit ako.
Damn it.
“Here’s the thing,” sabi niya habang kumukuha ng checkbook.
“Hindi ako walking charity.”
Narinig ko ang tunog ng ballpen habang nagsusulat siya.
“Pero…” dagdag niya.
“Mahilig ako sa… deals.”
Tinulak niya ang check papunta sa akin.
Nanlaki ang mata ko.
“Twenty-five thousand dollars,” sabi niya. “For today.”
Hindi ako gumalaw.
“Advance,” dagdag niya.
“Para saan?” mahina kong tanong.
Tumayo siya.
Dahan-dahang lumapit.
Hanggang sa nasa harap ko na siya.
Mas lalo akong kinabahan.
“5 months,” sabi niya.
“5 months?” ulit ko.
Tumango siya.
“For 5 months, you stay with me. You give me what I want…”
Napalunok ako.
At kahit hindi niya sabihin…
Alam ko na kung ano 'yon.
“…and I’ll pay you.”
Nanlamig ako.
“Hindi ako....” panimula ko.
“I already transferred money to your account,” putol niya.
“What?!”
“Kalahating milyon,” sabi niya, parang wala lang.
Nanlaki ang mata ko.
“Check your phone.”
Napatingin ako sa phone ko.
At doon ko nakita.
Deposit.
Totoo nga!
“T-this is insane…”
“Your mom needs treatment,” sabi niya, mas malamig na ang boses. “You need money.”
Napatahimik ako.
“Deal?” tanong niya.
“Hindi,” sabi ko agad, kahit nanginginig.
Napataas ang kilay niya.
“Are you sure?”
Napapikit ako.
Images flashed in my mind.
Hospital.
Utang.
Ang aking ina na nakahandusay.
“What’s the full deal?” tanong ko sa mahinang boses.
Ngumiti siya.
Gotcha.
“Finish 5 months…” sabi niya.
“…and I’ll give you one million pesos.”
Parang tumigil ang mundo ko.
“One… million?”
Tumango siya.
“But,” dagdag niya, “kapag umatras ka… walang bonus.”
Napahawak ako sa dibdib ko.
Hindi ako makahinga.
Ito na.
Ito na yung moment.
Dignidad…
o buhay ng nanay ko.
Napakagat ako sa labi ko.
“Fauna…” tawag niya, mas mahina.
“You choose.”
Napapikit ako.
Huminga nang malalim.
At dahan-dahan kong kinuha ang check.
Pakiramdam ko… ang bigat nito.
Parang may kapalit.
At meron nga.
Napatingin ako sa kanya.
“Okay.”