FAUNA'S POV
Sunod-sunod kong ininom ang beer sa kamay ko, halos hindi na ako humihinga habang nilalagok iyon. Wala. Hindi pa rin nawawala.
Kung tutuusin, mas lalo lang lumalala.
The music is too loud. Yung tipong ramdam mo na sa dibdib mo yung bass. Sa paligid, puro tawanan, sayawan, at landian.
Lahat masaya.
Lahat parang walang problema.
Napapikit ako saglit.
“Sana all na lang,” bulong ko.
Akala ko pagpunta ko dito, makakapag-relax ako. Chill lang. Drink a little. Forget everything.
Pero hindi pala ganon kadali kalimutan ang lahat.
“500 thousand pesos,” bulong ko ulit, this time mas mabigat.
Napahawak ako sa buhok ko, medyo hinila ko pa.
“Magbanat ka na ng buto, Fauna,” gigil kong sabi sa sarili ko.
Saan ka kukuha nun? Magbebenta ka ng kidney? Magtataya ka sa lotto?
Napatawa ako nang walang humor.
“Another drink,” sabi ko sa bartender, tinaas ko pa yung baso ko.
Kung hindi ko kayang ayusin buhay ko tonight, edi iinom ko na lang.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Hindi ko na mabilang.
Hanggang sa medyo umiikot na ang paningin ko at parang ang gaan na ng katawan ko.
“Careful.”
Napalingon ako.
At doon ko siya nakita.
Damn.
May lalaking nakatayo sa tabi ko, relaxed, parang sanay na sanay sa ganitong lugar. White shirt, leather jacket, medyo magulo ang buhok pero ang lakas ng appeal.
Pero ang talagang tumama sa akin ay...
Yung mata niya.
Brown eyes.
Hindi lang basta brown.
Yung tipong… mapapatingin ka talaga. Yung tipong mapapatanong ka kung totoong tao ba siya.
“Baka maubos mo lahat ng beer dito,” sabi niya, may konting amusement sa boses.
Napataas ang kilay ko. “Concerned ka ba?”
“Medyo,” sagot niya. “Sayang yung ganda kung mahihimatay ka lang.”
Napatawa ako. “Wow. Straight to the point si kuya.”
“Efficient lang,” ngumiti siya.
Okay… smooth.
“Hi,” sabi ko, sumandal ng konti sa upuan.
“I think you need company,” dagdag niya.
Napangiti ako nang bahagya. “You have no idea what I need right now.”
Money.
500 thousand pesos
Kung alam mo lang.
“Try me,” sabi niya, umupo sa tabi ko na parang wala lang.
Napalingon ako sa kanya. “I don’t talk to strangers.”
“Good,” sagot niya agad. “I’m not planning to stay a stranger.”
Napabuga ako ng hangin. “Confident ka masyado ah.”
“Only when I’m right.”
“Which is?”
He leaned a little closer.
“That you’re about to tell me your name.”
Napakunot ang noo ko… pero napangiti rin.
“Nicole.”
Tinitigan niya ako.
Matagal.
Too long.
Hanggang sa napailing siya.
“I don’t believe you.”
Napatawa ako. “Wow. Judger ka naman masyado."
“Halatang liar ka kasi,” casual niyang sabi, uminom ng sarili niyang drink.
Of course hindi totoo.
Hindi ko talaga ibibigay ang totoong pangalan ko.
“But fine,” dagdag niya. “Nicole it is… for now.”
“For now?” ginaya ko siya.
“Depende kung magiging honest ka.”
Napailing ako. “Don’t push your luck.”
“Too late,” ngumisi siya.
Okay… bakit parang nae-enjoy ko ‘to?
“How about you?” tanong ko. “Anong name mo, Mr. Stranger?”
“Adrian.”
Napatigil ako… then natawa.
“Adrian ka diyan? Seriously?”
He shrugged. “Classic.”
“Basic,” dagdag ko.
“Safe,” kontra niya.
“Fake ka rin, eh.” balik ko.
Napangiti siya nang mas malaki. “Sabi mo nga, you don’t talk to strangers. So technically… this works naman siguro.”
Napailing ako. “Fine. Adrian.”
“See? We’re getting along already.”
Napatingin ako sa baso ko, umiikot-ikot yung laman.
“So, Nicole,” sabi niya, medyo bumaba ang boses. “What brings you here… alone?”
Napataas ang kilay ko. “Aren’t you alone too?”
“I was,” sagot niya. “Until I saw you.”
Napairap ako, pero hindi ko mapigilan yung ngiti ko.
“Ang dami mo sigurong naloloko dito 'no? Bolero ka, eh."
“Depende,” sabi niya. “Ikaw, naloloko ka ba?”
“Hindi,” sagot ko agad.
“Good,” sabi niya. “Mas interesting.”
Napahinto ako saglit.
Then uminom ulit.
“I’m here to celebrate,” sabi ko.
“Celebrate what?”
“Kasi last day ko na sa universe.”
Natahimik siya saglit.
“May dark humor ka pala,” sabi niya.
“Honest lang naman ako,” balik ko.
“You’re serious?”
“50/50” sagot ko. “Depende kung may miracle na mangyayari,”
“Anong klaseng miracle?”
Napatingin ako sa kanya.
Kung sasabihin ko kaya?
Kung sasabihin ko na kailangan ko ng 500 thousand pesos?
Napailing ako.
"Wala. Basta."
“I noticed.”
Napangiti siya… pero this time, mas tahimik.
Mas focused.
Napansin kong bumaba ang tingin niya sa labi ko.
At biglang uminit ang pakiramdam ko.
“I want to kiss you.”
Napakurap ako.
“Excuse me?”
“Too soon?” tanong niya, pero parang hindi naman siya nagdadalawang-isip.
“Very,” sagot ko.
“Okay,” tumango siya. “I’ll wait.”
“For what?”
“For you to stop pretending you don’t want it.”
Napatahimik ako.
“Confident ka talaga.”
“Still right,” sagot niya.
Napakagat ako sa labi ko, reflex lang.
At napansin niya.
“Don’t do that,” mahina niyang sabi.
“Why?”
“You’re making it harder for me to behave.”
Napangiti ako nang konti. “Maybe I don’t want you to behave.”
Sandali siyang natigil.
Then ngumiti.
Slow.
Dangerous.
“Careful, Nicole.”
“Why?”
“You might get exactly what you’re asking for.”
Hindi ko alam kung epekto lang ng alak…
Pero parang gusto ko ngang mangyari ‘yon.
Bago pa ako makapagsalita ulit, hinawakan niya ang bewang ko at hinila ako palapit.
Napasinghap ako.
“Adrian—”
“Still too soon?” bulong niya.
Hindi ako nakasagot.
At parang iyon na ang sagot ko.
Dahan-dahan siyang lumapit…
Hanggang sa...
His lips finally met mine.
At doon…
Lahat ng iniisip ko ay nawala.