♞♟♜♚ "Ang kapal din naman talaga ng pagmumukha mo no?" hiyaw ni Ahruem at nagbabantang sugurin si Abriel o mas kilala nila sa dati nitong in game name na Sleepy. "Ahruem," pigil ni RU sa kaibigan dahil pakiramdam niya kung susugod si Ahruem ngayon ay hindi niya rin mapipigilan ang sarili niya na saktan ang babaeng nasa harapan nila. "Oh Ab, natapos mo na agad 'yung mission? Hindi ka man lang nag share ng buff?" napatingin sila sa likod ni Abriel at lumabas mula rito ang mga kasamahan ninto. Karamihan sa kanila ay mga lalaki at may iilan ding mga babaeng players, halata na naghahanap sila ng buff o mas magandang sabihin na nang aagaw sila ng buff. "Wala na ba kayong pupuntahan? Pwede bang sumama? Hahahaha!" malakas na pang-aasar ninto at masyado nang malakas ang loob ni Abriel dahil mas

