♞♟♜♚ Dalawang araw na nung sinumulan ni Reo ang pagte-training sa mga kasamahan niya sa guild, walang tigil ang pag-eensayo ng mga ito at pagbuo ng bagong formation na gagamitin nila sa nalalapit na team fight. "Ayos lang ba na mauna tayo?" tanong ni Mal habang naglalakad silang tatlo nina RU at Ahruem papunta sa unang buff area sa stage forty-one. "Hindi ba tayo magpapasama kay Hiro?" dagdag na tanong ni Ahruem at umiling naman si RU bilang sagot sa mga kaibigan. "Busy siya sa pagte-training sa mga guild members natin saka baka maubusan tayo ng buff monters kung hindi pa tayo kikilos ngayon, hindi rin tayo pwedeng umasa lang kay Reo sa bagay na 'to," sagot ni RU sa dalawa at sumang-ayon na lang sila kahit kabado na harapin ang kalaban na pupuntahan nila. "Sing lakas daw ng stage fort

