♞♟♜♚ "Kung sino ang makaagaw sa akin ng panyong 'to papasahan ko ng one hundred thousand battle points," sabi ni Reo habang nasa harapan niya ang karamihan sa guild members nila na nag-eensayo kanina pang umaga. "Hindi ba 'yan scam sir Hiro? Show money muna," sagot ni Uwu at nagtawanan ang iba pa nilang guild members saka naman ngumiti si Reo at inaya si Uwu na lumapit sa kaniya upang masilip ninto ang system screen niya. Tumingkayad si Uwu para lang makita ang screen ni Reo at nakita niya ang limpak-limpak na numerong nakalagay sa screen na tila ba hindi na magkasya sa sobrang dami. Napalunok si Uwu habang tahimik na nakangiti si Reo sa kaniya. "Pwede ka na bumalik sa pwesto mo Ms. Uwu," saad niya at mabilis naman tumango si Uwu saka siya naglakad sa pwesto niya kanina at sunod-sunod

