♞♟♜♚ Hindi makapaniwala si Reo sa kaniyang mga narinig, parang noong nakaraang araw ay nakabiruan at kasama niya pa ang mga 'to sa practice match na ginawa nila para maging malakas ang mga 'to at kayanin ang susunod na level. Para siyang nabingi sa kaniyang narinig at hindi rin alam ang mararamdaman habang tinitignan niya si Kyo na umiyak sa harap niya, walang lumalabas na boses sa kaniyang bibig, nais niya mang damayan si Kyo ay hindi naman siya makagalaw dahil sa pagkabigla. "Tumagal sila ng kalahating oras sa loob ng stage fifty-five, akala namin matatapos na nila 'yun pero nung mga lumipas na oras ay nawala na rin ang data nila sa system at nabawasan ang online players ng lima at alam naming sila na ang players na 'yun," paliwanag ng lalaking tiga council at inabot na kay Kenneth an

