♞♟♜♚ Paglabas sa silid ni Reo ay dumaretsyo palabas si Kyo upang puntahan ang kaniyang kasintahan na si Damon, pumunta siya sa silid ninto ngunit wala siyang nakitang tao sa loob ng kwarto, nagtungo siya sa training ground nila ngunit wala rin ito roon. Nagtataka siya at agad-agad na hinanap sina Ahruem at Mal upang itanong kung nakita ba nila ang kaniyang nobya at sa paglalakad ay nakita niya ang dalawa na magkasama habang iniintay na makalapit sa kanila si RU. Nilapitan niya ang dalawa at nakita niya si RU na nakataas ang kilay sa kaniya habang papalapit sa kinaroroonan nila. "Oh Kyo," bati ni Mal at kakamot-kamot naman sa ulo si Kyo na nagtanong sa kanila. "Nakita niyo ba si Damon? Hindi ko kasi siya mahanap eh," tanong ni Kyo at lumingat-lingat din si RU dahil hindi niya rin napapa

