♞♟♜♚ Nakatingin si Mr. Sy sa natutulog na si Reo habang suot ninto ang isang head gear, puno ng mga nakadikit na aparato ang katawan ninto at mga machine na tumutulong sa katawan ni Reo upang makalaban pa habang nakahiga sa hospital bed. Payat na ang pangangatawan ninto, parang buto't balat at kung hindi niya alam na buhay si Reo ay baka akalain niyang bangkay na 'to dahil sa kalagayan at itsura ng katawan ninto ngayon. Umalis saglit ang ina ni Reo upang bumili ng makakain kaya nag prisinta muna si Mr. Sy sa pagbabantay kay Reo. Habang pinagmamasdan niya ang kaawa-awang pangangatawan ninto ay hindi niya maiwasan matakot na baka si Reo na ang sunod na papanaw sa loob ng hospital na 'to. NIto kasing mga nagdaan na buwan ay halos mangalahati na ang mga players na patuloy na nabubuhay sa l

