♞♟♜♚ Natatarantang umakyat si Kyo sa opisina ni Kenneth at lahat ng mga ka guild members niya na kaniyang nakakasalubong sa hall way ay nagtataka sa kung bakit ito na mamadali. Agad niyang binuksan ang pinto ng opisina ni Kenneth at nakitang nakapag-teleport na sa stage forty ang isang member nila. "Teka!" hiyaw at pigil ni Kyo sa kanila at agad naman napalingon ang mga natitirang members at nagtataka sa kung anong problema ng vice captain nila, takang-taka si Kenneth sa kung ano ang kailangan ni Kyo at kung bakit itong hapong-hapo. "Anong problema?" tanong ninto at napailing na lang si Kyo sabay habol ng kaniyang hininga. "Si Hiro na raw ang bahala magclear ng game!" saad niya habang hinahabol pa ang hininga at lahat ng guild members nila ay na gulat at tuwang-tuwa sa balita dahil hin

