♞♟♜♚ Humupa na ang kaguluhan sa Redredach City nang mapuksa ang apoy at mabalita ang tungkol sa mga hayop na galing sa second level ng game. Dahil sa pagkataranta ng ibang player ay nagdulot sila ng kaguluhan sa bayan gamit ang mga kanilang mga kapangyarihan. Nais sana nilang puksain ang mga kalaban at magtungo agad sa second stage para makakuha ng buff at battle points ngunit agad naman silang sinalubong ng mga tumatakbo na hayop pagbukas nila ng mana circle. "Hindi namin alam bakit sila namamadali at nagtatakbuhan sa direksyon namin na parang may humahabol sa kanila," sagot ng isang player na nakakita ng pagbukas ng second stage ng game. "Mukhang may tinatakbuhan din sila pero kasi syempre sa takot at hindi naman namin alam kung anong nilalang 'yung mga hayop na 'yun ay nataranta rin

