♞♟♜♚ Maagang nagising si RU at nagtungo sa first floor ng mansion para pumunta sa kusina at kumuha ng maiinum na tubig nang bigla niyang makasalubong si Reo na pupungas-pungas at halatang walang tulog. "Yow! Okay ka lang? Saan ka galing?" tanong niya sa kaibigan nang makitang bangag ito, panay ang scroll sa screen at hikab. "Ah, d'yan lang sa labas, hindi lang ako nakatulog," sagot naman ni Reo na pinagtaka ni RU dahil kung kailan napaka ganda na ng tinitirahan nila at halos lahat sa kanilang mga kasama ay humihilik pa ay siya naman ito hindi makatulog? Hindi talaga mapalagay si RU sa kinikilos ni Reo, alam niyang may tinatago ito sa kaniya at alam niya ring kasabwat si Kyo at Kenneth sa bagay na ito. Pero hindi niya naman pwedeng pilitin ang binata para magsabi sa kaniya ng sirekto da

