AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Matagal kaming nagkatitigan ni Sir pero sa huli, siya na sumuko sa amin. Hindi ako nito pinansin bagkus naka-pamulsang dinaanan lamang ako nito. Sinundan ko pa ito ng tingin habang papalayo na ito sa kinaroroonan ko. Hindi ko pa rin maintindihan ngayon kung bakit may nagbago. Nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Kung noon, cold siya. Mas lumamig pa siya ngayon. Feeling ko, mas malamig pa siya sa Antarctica. Siguro, pinaghahawakan ko din ang sinabi niya sa akin noon kaya nasasabi ko ito. Sinabi niya na pinagkakatiwalaan niya ako pero hindi ata bilang kaibigan. Dapat alalahanin ko pa rin na magkaiba kami ng estado. Siya, nasa taas. Ako naman, nasa ibaba. In short, boss ko siya at katulong naman ako. Tama nga naman. Sino naman ako para pansin-pansinin ni Sir?

