AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Napatingin na lamang ako sa unahan nang makarinig ng kotseng tumigil sa harapan ko. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makilala ang kotseng iyon. Nakaramdam naman ako ng taranta ngayon. Bumaba na nga ang misteryosong taong sakay niyon. Nang tumama ang aming mga mata, kumalabog na lamang sa kaba ang puso ko. Matagal kami nagkatitigan ni Sir Damon na dahilan makaramdam ako ng kakaiba sa puso ko. Habang nakatingin ako sa mga mata niya, nakikita ko ang lungkot sa mga iyon. Ngayon, naiintindihan ko na rin siya bakit ganoon na lamang ka-pangit ang ugali niya. Di nagtagal, si Sir Damon na ang umiwas sa tinginan naming dalawa. Walang imik na naglakad na ito papasok sa mansyon. Dinaanan lamang niya ako at hindi pinansin. Para tuloy akong hangin na hindi niya nakita sa

