DAMON REID KINGSTON POV:) Puwersahan kong tinulak ang lalaking miyembro ng Dark Soul Gang. Nang malapit na kami sa bintana, tinulak ko ito sabay sinipa ng malakas. Tagumpay naman na nakalusot ito sa bintana at nahulog ito. Paglingon ko sa likuran ko, nagulat akong may lalaking tumakbo patungo sa akin at tinulak ako ng malakas. Muntikan pa ako mahulog sa bintana sa ginawa nito at mabuti na lamang na-kontrol ko kaagad ang sarili ko. Pagkatapos ng ginawa nito, sinakal naman kaagad ako nito nang wala pa ko sa ayos sa sarili ko. "Mamatay kana, Damon! Ako papatay sa'yo para tumaas ang ranggo ko!" Galit na galit na sabi nito habang sinasakal ako. Hinawakan ko ang kamay niyang nakasakal sa akin. Masyadong mahigpit at hindi ko maalis. Kita ko sa mukha nito na parang sinapian na ito ng demonyo.

