AYLA ANAIH SARMENTO POV:) "Sir, p-pasensya na k-kung naging madaldal ako---" di ko naman napatuloy ang sasabihin ko nang magsalita si sir. "Dito ka lang, magtago ka lang dito." Sabi nito sabay tingin-tingin sa paligid namin. "Bakit, sir?" "Papatumbahin ko na sila hangga't hindi pa sila nakakalapit sa kinatataguan natin. Pag hinayaan lang natin sila, baka ito na ang katapusan natin," paliwanag nito. Tumayo na ito sa pagkakaluhod at sumandig kaagad ito sa poste na pinagtataguan namin. Mabilis na nilabas nito ang baril na nakatago sa loob ng damit niya at kinasa ito. Rinig pa rin ang malakas na putok na bumabalot sa lugar na ito. Kinakabahan ako kung mabubuhay pa ba kami o patuloy ako mabubuhay sa mundong ito. Ayaw ko talaga mamatay na di nakakakita ng katawan ng lalaki. Makita ko lang

