AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Hindi pa ako nakakarating sa sala, hinawakan naman ako sa kamay ni Sally para pigilan ako sa binabalak ko. "Anaih, huwag kana pumunta. Baka mas lalong magkagulo. Pag pumunta ka pa, baka magalit sa'yo si Sir Damon, kasi dinagdagan mo pa ng panggatong 'yong apoy na dapat patigil na." Tumigil naman ako at hinarap ito."Kung mananatili akong magtatago, parang pinatunayan ko nga sa kanila na totoong nilalandi ko si Sir. Hindi ko naman hahayaan na manaig ang kasinungalingang iyon!" Wika ko at tangkang tatalikod ulit ako nang hawakan ulit niya ang kamay ko para pigilan. "Inggit lang sila sa'yo kaya pinag-iinitan ka nila," Magsasalita pa sana ulit ako nang marinig ang boses ni Ma'am Avannah na nagmumula sa sala. "Muntikan mag-suicide?" Pagkasabi, narinig kong tumawa

