AYLA ANAIH SARMENTO POV:) "Anaih! Kanina pa kita hinahanap." Tumigil naman kami sa paglalakad ng makita ito. Nang tumama ang mata namin nito, mabilis naman ako umiwas ng tingin sabay tikhim. Ganoon rin ang ginawa ni nanay at Sally kaya di maiwasang magtaka ito. "Is there any problem?" nagtatakang tanong ni Sir Conan sa amin nang may napansin. Nagtinginan naman kami ni Sally. Nag-uusap pa kami sa mga mata kung sasabihin ba namin o sino magsasabi. Sa huli, si Sally na din pumayag na magsalita dito nang makumbinsi ko ito sa pamamagitan ng senyas ng mata ko. Napaikot na lamang nito ang mata saka bumaling kay Sir Conan na naghihintay ng sagot sa amin. "S-sir, k-kasi---" di nalang natuloy ni Sally ang sasabihin nang makarinig ng malakas na sigaw mula sa sala. "Nasaan ang maid na iyon?!

