CONAN HARVIS POV:) Tinigil ko ang sasakyan nang may mga estudyanteng tumawid sa pedestrian lane. Napatingin na lamang ako kay Carleen nang marinig ulit ang tawa nito. Kanina ko pa napapansin mula pagkaalis namin sa bahay ni Damon, tawa pa rin nang tawa siya dahil sa pinapanood sa kanyang cellphone. "Kanina ka pang tawa nang tawa diyan? Ano ba pinapanood mo?" Tanong ko dito nang ipa-andar ko ulit ang sasakyan nang makatawid na ang mga estudyante. Bumaling naman ito sa akin."Mga pusang pinagkakaisahan ang kawawang daga," naka-smirk na sagot nito at binalik ulit ang tingin sa cellphone. "Kailan pa nagbago ang hobby mo? Pagkakakilala ko sa'yo, takot ka sa daga. Tapos ngayon, nanonood ka niyan?" pabaling-baling sa kanya na saad ko. Tinago na niya ang cellphone sa kanyang purse. "Sa hotel

