DAMON REID KINGSTON POV:) **FLASHBACKS** Iniwan ko muna si Anaih kila Conan, na hanggang ngayon nandito pa rin sila sa Meeting room, nagtatawanan at nagkukulitan silang apat. Kakatapos lamang ng meeting namin at balak kong lumabas muna para kausapin ang isa sa pinagkakatiwalaan kong mga tauhan para ihanta ang mga gagamitin kong armas para mamaya. Binuksan ko na ang pinto at iniwan ang mga ito na nagtatawanan pa rin. Pero nanaig pa rin ang malakas na tawa ni Anaih, halos may pa-simpleng palo pa siya sa balikat ni Conan. Pagkalabas ko, sakto naman kanina pa pala ako inaabangan dito sa labas ni Kian. Naka-sandig ito sa gilid ng pinto habang naka-crossarms. "Alam kong hindi si Mr. Zorro ang balak mong i-hunting." Turan na lamang nito habang sa unahan lamang ang tingin nito."At alam ko rin

