CONAN HARVIS POV:) Pumasok na ako sa van habang suot pa rin ang damit pang bantay. Naabutan ko naman si Kian na naka-monitor sa screen, suot ang headphone. Binabantayan niya lahat ng kilos ng mga tao sa loob ng Auction hall. Tagumpay namang na-hack niya ang CCTV dahil sa tulong ng kambal. "Okay na!" Sabi ko pagkaupo sa tabi nito sabay alis ng sumbrero sa ulo at nilagay na props sa mukha ko para hindi makilala."Siguraduhin n'yo safe si Anaih sa misyong ito." Paninigurado ko at kinuha ang isang itim na box at binuksan iyon. Naglalaman iyon ng airpods kung saan doon ang komunikasyon naming magkakaibigan. "Oo," sagot naman nito habang sa sa screen lamang ang tingin nito."Clyde, Clay? Nasaan na kayo?" Nilagay na niya ang airpods sa tainga niya. "Dito ako!" Boses ni Clyde sa kabilang lin

