AYLA ANAIH SARMENTO POV:) **FLASHBACKS** "Sir, hideout nyo pala ito. Tama bang sinama n'yo ko dito?" Tanong ko dito habang sumusunod lamang ako dito. "Akala ko ba gusto mo sumama sa mga raket namin?" Seryosong tanong nito habang nakapamulsang nakatingin lamang sa dinadaanan namin. "Oo pero...grabe naman. Di ka ba natatakot sa akin?" nag-aalinlangang tanong ko sabay napapailing pa."Aruy!" Tumigil ito sa paglalakad na dahilan bumangga naman ako sa matigas na likuran nito. Muntikan pang mapasubsob ang dibdib ko sa pwetan niya. Kawawa talaga ang mga pandak. Hayts! Umayos kaagad ako ng tayo sabay napahawak sa ulo kong medyo nahilo dahil sa pagkaka-untog sa kanya. "Sir naman! Kung papara ka, maglagay ka naman ng sign. Baka susunod nyan, hindi na likuran mabunggo ko sa'yo ah?!" maktol ko.

