AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Pagkalapag ko ng basket sa sahig, lumuhod ako sabay binuksan ang washing machine. Natapos na din ma-dryer ang mga damit ni sir at isa-isa ko na nilalagay ang mga iyon sa dala kong lagayan. Bahagyang napatigil ako nang may maalala. Naalala ko na naman ang bumalik na alaala sa akin kanina. Wala pa rin akong clue kung ano nangyari noon at paano ko nakita si sir noon na puno ng dugo ang mukha habang may kakaibang awrang bumabalot sa kanya. Pag naalala ko ang nakakatakot na mukha niyang iyon, kinakalibutan ako. Umiling-iling na lamang ako para tigilan na ang pag-iisip niyon. Tahimik pa ring pinagpatuloy ko ulit ang ginagawa ko. Maya-maya pa, may naramdaman akong presensya na palapit sa kinaroroonan ko. Pagtingin ko sa gilid, nagulat ako nang makita si Sir Damon na

