DAMON REID KINGSTON POV:) Rinig sa sala ang malakas na tawa ni Carleen. "Natatawa pa rin ako. Nag plano-plano pa kayo, palpak naman pala. Naging chickboy tuloy si Conan." Natatawang saad nito, nakaupo sa mahabang couch katabi si Conan. Habang ako naman ako sa pang-isahang couch naman naka-pwesto. "Ngayon lang kami na-palpak ng ganito," sagot ko naman at ngumiti lamang ng natural. "Si Conan kasi, pwede naman sabihin kay Tita na ako na kunyare ang officially gf niya at 'yong isa, sabihin nalang na break na sila," pagkasabi, binalingan nito si Conan at pinalo ito ng mahina sa braso."Iyon nalang sabihin mo para makauwi kana sa inyo." Tila pinipilit na wika niya dito. "H-hindi pwe-de...." Di na lamang tinuloy ni Conan ang sasabihin nang mapatingin siya sa taong kakalapit lamang sa kinaror

