ARIANA BELLE
Hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginagawa. Hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag na magpakasal sa nagpakilalang tito ng fiance ko. Pero wala na akong choice, ayaw ko na magkaroon ng kahihiyan ang pamilya na ito. Ayaw ko na masayang ang pagpunta nila dito.
Kitang-kita ko kasi na excited ang lahat. Excited sila na makitang ikasal ako. Mas gusto ko na matuloy na ito at tanggapin ang alok ng lalaking ito.. Ang sabi naman ni daddy ay nakausap na niya ng maayos ang lalaking ito kaya walang magiging problema.
So, dahil wala namang magiging problema kaya go na. Ituloy na ang kasal na ito. Sayang ang magandang wedding gown na suot ko at ang makeup ko na bagay na bagay sa akin. Gusto kong tumingin sa lalaking ito pero hindi ko kaya ang matagal na eye contact sa kanya. Kaya naman panay ang iwas ko sa kanya kanina. At ngayon ay naglalakad ako palapit sa kanya.
Church wedding ito kaya talaga magiging makatotohanan talaga ito. Maganda ang buong paligid at talagang pinaghandaan ng pamilya ko. They supported me kahit pa alam nila na busy ang fiancee ko kaya ako na lang ang nag-asikaso ng lahat. Ganun ko kamahal si Dave. kaya lagi nilang sinasabi na ang swerte niya sa akin dahil hindi ko siya pinapahirapan.
Nakangiti akong sinalubong ng parents ko. Masaya ako pero bigla kong naalala na hindi pala ang lalaking ito ang tunay kong groom at substitute lang pala siya.
“Magiging okay rin ang lahat, anak.” sabi sa akin ni mommy.
“Sana po, mommy.” sabi ko sa kanya para hindi na siya nag-alala pa sa akin.
“Kapag hindi mo kaya ay bukas ang bahay, umuwi ka sa atin,” sabi ni daddy sa akin kaya parang iiyak ako.
“Opo, daddy.”
“Mahal na mahal ka namin,” sabi sa akin ni mommy.
“Mahal na mahal ko rin po kayo,” sabi ko sa kanya.
Hinalikan ako ni daddy sa noo at ihinatid na nila ako sa lalaking kanina pa nakatingin at naghihintay sa akin. Nang tuluyan akong nakarating sa harap niya ay seryoso lang ang mukha niya.
Ni hindi nga yata marunong ngumiti ang isang ito. Gwapo siya pero ang seryoso naman niya. Paano kaya kaming dalawa kapag magkasama kami? Panay ang iwas ko sa kanya dahil hindi ko talaga gusto ang mga mata niya. Parang may sinasabi ito na hindi ko naman maintindihan. Kaya mas pinili ko na lang na magpanggap na okay ako kahit ang totoo ay hindi.
“Okay lang ba sa ‘yo na magpakasal sa akin?” mahina na tanong niya sa akin.
“May choice pa ba ako?” medyo mataray na sabi ko sa kanya kaya nakita ko na kumunot ang noo niya.
Akala siguro ng lalaking ito ay hahayaan ko siya na ganito ang attitude niya sa akin. Araw ng kasal namin pero gusto kong magpakatotoo sa kanya. Hindi naman ako pinalaki ng parents ko para maging mahina. At hindi ako makokontrol ng kahit na sino.
Nagsimula na ang kasal naming dalawa kami lang ang ikakasal na hindi sweet halata na napilitan lang kaming dalawa. Hinayaan ko na lang siya at hinayaan rin niya ako. Nagbigay kami ng wedding vows pero short lang dahil hindi naman para sa kanya ang gusto kong sabihin kundi sa fiance ko. Para sana ‘yon kay Dave.
“I now pronounce you husband and wife. You may kiss your bride,” sabi ng pari kaya naman mas lumapit siya sa akin at itinaas niya ang veil ko.
Kumunot ang noo ko sa kanya para bigyan siya ng babala na ‘wag niyang gawin pero nagulat na lang ako nang halikan niya ako sa labi. Gusto ko siyang itulak pero naalala ko na nasa paligid lang pala ang pamilya ko.
“Kung ayaw mong mapahiya ang pamilya mo ay makisama ka na lang sa lahat at gawin ang parte mo. Tandaan mo na ginagawa ko lang ito para sa pamangkin ko,” sabi niya sa akin.
“Alam ko at hindi ko kakalimutan,” sabi ko sa kanya at ngumiti pa ako sa kanya para lang hindi magtaka sa amin ang mga tao.
“Mabuti naman at nagkakaintindihan tayong dalawa,” sabi niya sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan ko na lang siya. Tumuloy na kami sa reception. Masaya ang lahat pero kami lang yata na dalawa ang hindi. Tahimik lang kami at nagkukunwari na masaya sa harap nilang lahat.
“Sa bahay ka na uuwi,” sabi niya sa akin.
“Bakit?”
“Dahil asawa na kita,” sagot niya sa akin.
“Alam ko, pero kailangan ba talaga ‘yon? Kailangan ba na doon ako umuwi kung hindi naman totoo ang kasal na ito?” tanong ko sa kanya.
“Ikaw, kung ayaw mo ay bahala ka. Bahala ka rin na magpaliwanag sa kanila kung bakit hindi ka sasama sa akin,” sabi niya sa akin.
“Oo na, sasama na ako sa ‘yo.” sabi ko para matapos na at hindi na kami magtalo na dalawa.
“Umalis na tayo,” sabi niya sa akin.
“Hindi pa tapos,” sabi ko sa kanya.
“Kailangan pa bang tapusin?”
“Magpaalam muna tayo sa parents ko,” sabi ko sa kanya.
“Okay,” sabi niya at tumayo na siya.
Sumunod naman ako sa kanya. Naalala niya yata na asawa niya ako kaya naman hinawakan niya ang kamay ko para alalayan ako. Hinayaan ko na lang siya at lumapit na kami sa magulang ko. Nagpaalam na kami sa kanila na aalis na kami.
“Tawag ka kapag may problema o kapag gusto mo ng kausap,” sabi sa akin ni mommy.
“Opo, mom.”
“Ingat kayo, ikaw na ang bahala sa anak ko,” sabi ni daddy kay Damian.
“Yes, Sir.”
“Call me dad, mas mabuti ‘yon kaysa sa Sir. Baka magtaka naman sila kapag may nakarinig sa ‘yo,” sabi sa kanya ni daddy.
“Okay, dad.”
Ang bilis naman niyang kausap dahil dad na agad ang tawag niya sa daddy ko. After nilang mag-usap ay hinila na niya ako. Pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat kaya tumili ang mga kamag-anak ko sa kilig. Bigla namna uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Hindi lang nila alam na fake lang itong lahat.
“I love you, mahal ko,” sabi ng mapagpanggap na lalaki at hinalikan niya ako sa labi. Kanina pa siya halik ng halik at naiinis na ako.