ARIANA BELLE
Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Walang nagsasalita sa amin. Kahit ako ay wala rin akong balak na kausapin siya. At ano naman ang pag-uusapan naming dalawa? Mas okay na ang ganito kasi hindi naman talaga kami tunay na mag-asawa. Substitute husband ko lang siya at hanggang doon na lang ‘yon. Palabas lang ang lahat ng ito.
Pumasok ang sasakyan niya sa isang malaking bahay. Maganda ang bahay at hindi ko alam, parang nakita ko na ito dati. Hindi ko lang talaga maalala o baka akala ko lang pero hindi naman. Bumaba siya sa sasakyan at nauna na siyang pumasok sa loob.
Naiwan ako dito. Hindi man lang siya gentleman. O baka wala naman talaga siyang pakialam sa akin. Ano ba ang aasahan ko sa fake marriage na ito? Wala naman talaga. Nagkukunwari lang naman siya kanina dahil nasa harap kami ng pamilya ko. At hanggang doon na lang ‘yon.
“Paano ba ako lalabas dito? Bakit ba kasi ganito?” tanong ko sa sarili ko.
“Babalikan kaya niya ako dito? Paano naman ako papasok sa loob ng bahay niya? Tapos ganito ang itsura ko? Nakasuot pa ako ng wedding gown, dapat talaga ay nagbihis na muna ako kanina eh,” saad ko sa sarili ko.
Pumikit na lang muna ako dahil naiinis ako. Gusto ko rin ikalma ang sarili ko para makapag-isip ako ng maayos. Hanggang sa nagulat ako dahil bigla na lang may humawak sa kamay ko.
“Wala ka bang balak na lumabas dito?” suplado na tanong niya sa akin.
“Iniwan mo ako kaya paano ako lalabas?” masungit rin na sabi ko sa kanya.
Akala niya yata ay mabait ako sa kanya. Asa siya, ang sabi sa amin ni daddy ay walang ni isa ang puwedeng magmaliit o umapi sa amin dahil anak niya kami. Kaya growing up ay talagang naging palaban kami pero laging nasa lugar naman. Hindi naman kami spoiled brat, saktong ugali lang.
“Lumabas ka na, gusto ko ng magpahinga,” sabi niya sa akin at hinila na niya ako.
“Pagod rin naman ako, akala mo ikaw lan–”
“Shut up!”
“Tsk!” asik ko sa kanya.
“Maldita,” sabi niya sa akin.
“Narinig kita,” sabi ko sa kanya.
“Alam ko, sinadya ko,” sabi niya sa akin at pumasok na kami sa loob ng bahay niya.
Ang ganda ng bahay niya. Halatang mayaman talaga ang pamilya niya.
“She’s living with us now,” sabi ni Damian sa tao na sumalubong sa amin.
“Why?” tanong ng isang babae.
“She’s my wife now,” sagot niya.
“Are you out of your mind? Nagpakasal ka na hindi namin alam?” galit na tanong ng ginang.
“Magpapahinga na kami,” sabi niya at hinila na naman ako.
“Sino ba ‘yon? Bakit hindi mo man lang ako pinakilala?” tanong ko sa kanya.
“Huwag ka ng magtanong at manahimik ka na lang,” sabi niya sa akin.
Pumasok kami sa isang room. Ang laki nito at ang ganda. Panlalaki talaga ang vibe niya dahil black and white ang interior niya. Kakasara pa lang ng pintuan ay naghuhubad na agad siya.
“What do you think you’re doing?” tanong ko sa kanya.
“Magbihis ka na,” sabi niya sa akin.
“Wala akong damit.”
“Isuot mo muna ang damit ko. Buksan ay kunin mo ang mga gamit mo sa bahay niyo,” sabi niya sa akin.
“Bakit mo pa kasi ako inuwi dito? Alam mo na wala ako ni isang gamit, nakakainis ka rin talaga eh!”
“So, ganyan ka pala. Ganyan pala ang ugali mo, nagpapanggap ka lang na mahinhin pero hindi talaga,” sabi niya sa akin.
“So ano naman kung nagpapanggap? Ikaw nga ganun rin naman, Uncle Damian.”
“Uncle?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
“Uncle ka ng fiance ko kaya uncle kita. Nakalimutan mo yata na substitute husband ka lang naman at hindi kita tunay na asawa,” sabi ko sa kanya at hinanap ko kung saan ba nakalagay ang damit niya para makapagbihis na ako.
Pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya.
“Wala ka ng magagawa dahil kasal ka sa akin,” sabi niya sa akin.
“Kapag naging okay na si Dave ay makikipaghiwalay na ako agad sa ‘yo. Kaya naman dalhin mo ako sa kanya bukas. Gusto ko siyang makita,” sabi ko sa kanya.
“Nasa US na siya,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“What?”
“Nasa US na siya ngayon kaya hindi mo siya basta-basta mapupuntahan. Kaya kung ayaw mo napahiya ang pamilya mo ay ‘wag na ‘wag mong babanggitin sa kahit na kanino ang tungkol dito dahil hindi alam ng iba naming pamilya ang nangyari sa kanya,” sabi niya sa akin.
“Bakit?”
“Sa tingin mo ba matutuwa sila sa ginawa ko? Sa ginawa namin para lang tulungan ka? Kaya isipin mo na ikaw ang may utang na loob sa amin at hindi kami ang may utang sa ‘yo. May utang ka sa akin,” sabi niya sa akin kaya doon pa lang ako parang natauhan sa sinabi niya.
He’s right, ako ang may utang sa kanya dahil sa ginawa niya para sa pamilya ko. Pero gusto ko pa rin makita ang fiance ko.
“Pupuntahan ko siya sa US, aalagaan ko siya” sabi ko sa kanya.
“Hindi siya puwedeng bisitahin ngayon,” sabi niya sa akin.
“Why?”
“Bawal, ayaw ng daddy niya. At higit sa lahat ay hindi ka nila puwedeng makita.”
“Pero fiance niya ako, kaya bakit bawal?” tanong ko sa kanya dahil nagtataka talaga ako..
“May kailangan kang malaman, Belle.”
“Anong kailangan kong malaman?”
“Si Dave ay–”
“Ay ano?” tanong ko sa kanya.
“Si Dave ay kasal na sa iba, may asawa na siyang iba. Hindi na siya single,” sabi niya sa akin kaya para itong bomba sa pandinig ko.
“A–Anong sabi mo?” nauutal na tanong ko sa kanya.
“Dave is already married. Kaya ang sinabi niya sa ‘yo na papakasalan ka niya ay isang kasinungalingan lang,” sabi niya sa akin kaya parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko.
Ayaw kong umiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ba ito nangyari. Masaya naman kami eh, pero lahat ba ng ‘yon ay hindi totoo? Lahat ba ‘yon ay pinaasa lang niya ako? Bakit? Bakit niya ginawa sa akin ito? Bakit?
“Paano na ako ngayon? Paano na ako?” tanong ko sa sarili ko.