
Prologue 1 : Hot Gangsters VS. Cold Princesses Part 1
Sa Adameon University, kahit sino pwedeng pumasok.
Nerd.
Maarte.
Simple.
Siga.
Kahit Gangster ka pa.
Kahit sino. Pwedeng magenroll.
Ang skwelahan na to ay pinamumunuan ng limang prinsesa.
Sa school na to, SILA ang BATAS.
Wala silang sinasanto. Wala silang pinapalampas.
With their looks? Sigurado pati mga hayop, mabibighani.
Pero paano kung isang araw, may makabangga sila?
Mga bagong salta na wala ring sinasanto.
Mga lalake na nakikisabay sa init ng panahon.
Mga lalake na walang alam kundi puro away at gulo.
Magpapatinag ba sila?
-
Hot Gangsters VS. Cold Princesses
Hot Gangsters na binubuo ng limang HOT na lalake. Makulit, kalog, isip bata kung minsan.
Pero.. Wala silang pinapalampas. Malalakas at walang kinatatakutan. Isa sa pinakamalalakas na gangster group sa buong Pinas.
Cold Princesses na binubuo ng limang COLD na babae. They don't smile at anyone. Swerte ka pag nginitian ka nila. That means na special ka. They don't show their emotions in public. Makulit pag sila-sila lang ang magkakasama.
Pero.. Sa likod ng kagandahan nila, sila ang pinaka--kinakatakutan. Sabi nga nila, don't judge a book by its cover. Kaya kahit babae sila, wag mo silang basta basta maliitin.
-
Pano kung magtagpo ang landas nila?
May mangyayari bang kaguluhan?
O
May mabubuong pagmamahalan?
Bilang gangster, may karapatan pa rin silang magmahal.
Ang sabi nga nila, kung sino ang unang mahulog, siya ang talo.
Pero paano pag naglaro ang tadhana at ang napili ng puso mo ay ang taong hindi pwedeng mahalin?
Susugal ka pa rin ba?
Magmamahal ka pa rin ba kahit alam mong di na pwede at di tama?

