Chapter 16: Day 3 Sky's POV "Goal!" sabi nung announcer. Nanunuod kami ngayon ng soccer game. 1st game palang to. Di naman kasi pwedeng ipagsabay ang dalawang game ng soccer diba? -____- Kasama ko ngayon sina Carleigh at Celine. Sina Daria, naghahanda para sa swimming competition mamaya. So far so good naman ng mga activities. Madami akong natatanggap na papuri at wala pa akong natanggap na reklamo. Ang ganda nga eh. Nakikita ko kina Carleigh, Rica at Celine na gusto nilang manalo. Eh nung nakaraang mga battle eh sitting pretty ang mga yan eh. Kampante kasi. Mukhang nakahanap na sila ng katapat ngayon. At ang saraaaap lang silang makita na naglalaro at pasimple na nagbabangayan ∩(︶▽︶)∩ "Carleigh, goodluck mamaya sa contest mo!" sabi ni Rica. Mamaya na kasi ang contest ng baboy

