Chapter 5 : Top 5
Carleigh's POV
Umalis na kami sa secret place namin.
Pumunta kami sa hide out/bahay/tambayan ng beast.
Bored kami eh.
"Hey Dee. I heard what happened" lumapit samin si Dujun at hinawakan sa balikat si Sky.
"Yea." yan lang ang nasabi ni Sky. Kahit galit yan, di niya magagawang magalit kina DJ.
Si DJ lang ang nakakapagpakalma kay Sky. Mahirap man paniwalaan pero ganun talaga.
Para di kayo maguluhan I'll tell you everything about us. Wala naman masama because as I can see, you can be trusted.
Ang Gang Fight ay ginagawa yearly. Kahit anong month. Top 10 of the most powerful gangs lang ang kasali.
Nasa history na yan. Sinong gumawa? Kami.
Well. Kami ang nag-improve. May mga nakakataas pa saamin. Mas brutal nga dati eh. Papatayin nalang kung sino ang gustong patayin.
Ang boring kasi ng buhay namin. Tss. Kaya ayan, inimprove namin. Para naman may challenge diba?
Sa GF (Gang Fight) na yun, walang bawal. p*****n kung p*****n.
Their prize? Well ang makalaban kami. Gaya ng nabasa niyo kanina, privilege na ang mapatay o ang makalaban si Sky dito.
Kahit na sino saming lima. Basta nakalaban mo, privilege na para sa isang gang group.
Halos lahat kasi sakanila, gustong makuha ang rank namin.
It's because we're unbeatable. Simula pa lang nung una, wala nang nakatalo samin. Well talagang ganyan.
"Hoy Leigh! Yung inorder mong mcdo, andito na!" sabi ni Yoseob.
"Aba't hino-hoy mo na ako? Baka gusto mong makatikim sakin?" tinignan ko lang siya. Nanlaki naman ang mata niya. Siya kasi ang pinabilhan ko ng mcdo eh. GUTOM NA AKO! -.-
"Ikaw na nga tong nanguutos, ikaw pa tong galit! T3T"
"Yoseob, may reklamo ka ba?" nilapitan ko siya at tinignan mata sa mata.
"WALA! Eto na orders mo. Jusko ka Leigh. Ilang anaconda ka ba meron sa tiyan ha?" di ko siya pinansin at kinuha ko na ang foods na pinabili ko.
Sa wakas! Makakakain na ako! ^o^
Bumalik ako sa upuan ko. Bubuksan ko pa lang sana yung burger nang pigilan ako ni Yoseob. -.-
"Woy! Di yan libre! Ang mahal kaya niyan! Ang dami niyan Leigh! Limang burgers, apat na coke float, limang large fries, dalawang fillet. dalawang McFlurry. Isang pie. =3="
"Libre na to Yoseob. Please? TT3TT" parang kanina lang ang cold ko sakanya eh. Ngayon papout na ako -.- Eh grabe yan maningil. Nagsisisi na nga ako at sakanya pa ako nagpabili. Tss.
"Hindi pwede. Baka gusto mong doblehin ko ang presyo niyan?" Tuso talaga to. Ewan ko ba kung bakit namin to naging kaibigan.
"Baka gusto mong magpatayan tayo dito? -.-" sana gumana -o- GUSTO KO NANG KUMAIN! ToT
"Sabi ko nga. Pero Leigh ha! Doble na ang bayad para jan!" -.- Jusko.
So itutuloy ko na. Ang haba ng commercial eh. Tss.
So I was saying, we're unbeatable.
Ang Rank 3 which is ang Beast.
They almost got our rank last year. Pero dahil sa maling move, they were'nt able to make it.
Pero they are thankful dahil di namin sila napatay. Swerte na nila ah. Nababaldado lang sila at di namamatay.
Sila ang laging kalaban namin tuwing GF. Bored na nga kami eh. Wala nang bago. Tss.
Kilala nila kami personally. We're friends. Paano? Bakit?
Sila na ang lumapit samin I guess 5 years ago.
Muntik na nga sila patulan ni Sky at Daria noon eh.
Akala kasi namin noon, may hidden agenda sila samin. Yun pala..
Gusto nilang makipagkaibigan -.-
Dito sa mundo namin, talagang di uso yan. Friendship between gangs? Rare lang yan.
Pero sila talaga mismo ang lumapit. At first ayaw tanggapin ni Sky. Knowing her? Di talaga yan basta basta nagtitiwala. Lalo na ako at si Daria.
Kaya lang sadyang mga loko sila at halos pagsilbihan nila kami ng limang taon. Literal na pagsilbihan. Wag kayo, kusang loob sila nanilbihan. Tss.
Pagkatapos ng lahat ng laban namin wherein sila ang kalaban, imbes magpagamot, kami ang pinupuntahan nila. Kahit halos mamatay na sila, kami pa rin ang inuuna nila. Kahit wala kaming galos. :))
Dahil na rin sa may konti kaming kalokohan. Sinakyan namin ang trip nila na pagsilbihan kami. Lahat ng i-utos namin, ginagawa nila. Naranasan na nga ng mga yan sumayaw sa harap ng madaming tao nang dahil samin.
Kahit naman ganito kami kasuplada at kacold, may kalokohan rin kami sa mga cells namin noh. *wink*
Well five years rin sila nagtiis samin. Oh diba?
Nakita na rin naman namin na talagang desidido sila at wala naman silang masamang balak..
Pero may hidden desire sila. -.-
Gusto nilang mapalapit saamin dahil crush nila kami. Oh diba? Mga tarantado.
Pero friends kami. :)
At hanggang dun lang yun.
But behind those kalokohan traits nila. Matindi rin kalaban ang mga yan.
May similarities sila samin. May puso rin naman sila unlike samin na siguro once or twice a month lang magkaroon.
They are like our big bros. Masyado silang over protective samin. Oh diba? Kung sino pa ang mas malakas, sila pa ang pinoprotektahan. Tss.
Yang si Dujun, close na close kay Sky. Talagang may tinatago yang feelings for Sky eh. Kaya lang talagang manhid si Sky kaya yun, mas pinili ni Du Jun na maging big bro nalang para kay Sky. Oh diba? Love nga naman *o* Kahit gaano ka-powerful, di matablan tablan si Sky. -.-
Pero seryoso. We're atleast lucky na meron kaming mga kaibigan gaya nila. Sadly, sa labas, tuwing magbabar lang kami magkakasama. Bilang mga normal na tao syempre.
Rank 4 which is ang 2pm.
Sila ang rival ng Rank 2 which is ang EXO. They don't care and don't aim to beat us.
Ang gusto lang nila matalo ang EXO. May issue lang talaga sila sa mga yun. Kung ano? Abah malay ko.
They value friendship sa grupo nila kaya takot silang kalabanin kami.
Para sakanila mas mahalaga ang mga buhay ng members nila kaya ayun. Ayaw nilang mamatay. Pero gustong gusto nilang pumatay.
Mauutak sila. They play a little bit dirty, but not often. May puso minsan pero gaya nga ng sinabi ko, pag may inagrabyado ka isa sa mga members nila, kahit babae ka pa o kahit na ano. Di ka nila sasantuhin.
Dahil na rin sa may kalokohan nga kami, napagtripan nina Celine ang isa sa mga member nila. Ginawang pang warm up. Pero dahil sa takot sila samin at masyado nilang mahal ang isa't isa. Di nila kami ginantihan. Oh diba? ^o^
Well moody sila. Minsan gusto nilang pumatay. Pero minsan naman pag nabore sila, mas gugustuhin nila ang mambali ng buto. Weird diba?
Pero sinisigurado nila na more than 2 years paralisado ang kalaban nila.
Sadly, di pa namin sila nakalaban sa GF. Tss.
Rank 5. Ang B.A.P
Pinakamaangas at pinakamayabang sa lahat. Pero talagang may maipagmamayabang naman sila.
They were once Rank 3. Pero nabawi naman agad ng beast.
They play the cleanest pero they don't kill.
Pero pag napuruhan ka nila. Expected na ang pagiging gulay mo. Buhay pero di naman makagalaw. FOR LIFE.
Nakaharap na namin sila once. Pero napatay ni Celine ang isa sa mga members nila.
No hard feelings but they are still eager to beat us. Tss.
But after fights, mababait sila. They say na mababait sila inside and outside.
Isa sa mga technique nila is to get close to someone na target nila. Simple lang. Para malaman ang kahinaan mo at matalo ka.
Pano namin nalaman? Talagang magagaling kami kaya ganun *wink*
Walang nakakakilala sakanila dahil they wear thick black eye liners.
Well last but not the least. Ang Rank 2. EXO.
Last sila dahil talagang walang interesting sa grupo nila.
Rank 7 sila before at 2 years palang sila nasa Rank 2.
Well, determinado sila na talunin kame kaya ayan, ang mahihina ay nagawang magpalakas. Kaya lang, di talaga pinagpala. Tss.
Mayayabang rin naman at may maibubuga kahit papano. Pero wala silang sinasanto kahit na malalambot ang mga puso nila.
Halos lahat ng 8 gangs pati na rin kami ay nagtataka kung paano sila napunta sa Rank 2. Isang napakalaking milagro. Parang magic eh. Hindi mo alam kung pa'no at bakit nangyari. Tss.
Sa tingin namin dahil sa pagmamaliit naming lahat sakanila kaya sila ganyan. Tss. Unbelievably, they were able to beat BEAST ONCE. Pati nga yung pagkapanalo nila against BEAST, sinasabi naming lahat na chamba lang. :))
Ang rankings ay based sa dami ng napatay, nakalaban at natalo ng isang gang at sa lakas nila.
So yan na muna. Nakakapagod na eh. Paubos ko na rin yung kinakain ko. McFlurry nalang ^o^
"Hoy Leigh, baka gusto mong magshare?" sabi ni Junhyung.
Tinignan ko lang siya. Eeer. Ang ayoko sa lahat, yung kinakausap ako pag kumakain ako. Storbo. =o=
*glare*
"Sabi ko nga. Happy eating T___T" buti naman at nadaan sa tingin. Tss.
-
Skyla's POV
"Tara Sky, labas muna tayo" inaya ako ni Dujun. Di ko nga alam kung bakit ako sumama. Wala kasing magawa. Boring.
Si Carleigh, nagpapakababoy.
Si Daria nagssoundtrip.
Sina Celine at Rica naman, ayun inaasekaso ang mga kuko nila.
Si Yoseob naman, nakikipaglaro kina DongWoon at HyunSeung.
Si Junhyung, naglalaway sa kinakain ni Carleigh.
Si Kikwang naman, natutulog.
Oh diba? Kung titignan mo parang di lang mga gangsters tong mga 'to eh.
Sumama ako kay Dujun at pumunta kami sa roof top nila dito. Gabi na kaya madaming stars. Malamang diba? -.-
Nang makaupo kaming dalawa, pareho lang kaming tahimik. Tinatamad naman kasi akong magsalita.
Boring na -________-
"Sky.." sabi ni DuJun. Abah sa wakas! Di na boring.
"Oh?" sabi ko.
"I know nasasaktan ka." tinignan ko lang siya. Talagang kilala niya ako. Bukod sa mga kaibigan ko, siya ang talagang nakakakilala sakin.
"Bakit naman ako masasaktan? Pag ba nasaktan ako, maibabalik ba nun si Juniel?" hinawakan ko ang necklace ko na may abo ni Juniel.. I miss her..
"Wala tayo sa Secret Place. Wala rin tayo sa public. Tayo lang ang andito kaya pwede mong ilabas ang nararamdaman mo. Pwede kang maging mahina pansamantala.." nagkatinginan kami. Ako yung unang umiwas.
"..........."
"Sky..You can cry. I'm here to lend you a shoulder to cry on. I'm here to listen. I'm here for you" sabi niya.
Di ko pa rin siya pinansin.
Kinuha niya ang ulo ko at pinatong yun sa balikat niya. Inakbayan niya rin ako.
Di ko alam pero sa ginawa niyang yun. Di ko na napigilan.. Umiyak na ako..
Di naman kasi ako umiiyak. Ayoko magpakita ng weakness. Kahit kina Carleigh, wala. Di ako umiiyak sa harap nila. Bilang leader nila, dapat di ako magpakita ng kahinaan.
"Jun...Ang sakit..Ang sakit.." yan nalang ang nasabi ko.
"Bakit sa lahat ng pwedeng kunin si Juniel pa?" sabi ko.
"Di naman namin sila pinigilan paghigantihan kami. Kahit p*****n pa. Walang problema. Pero bakit yung kapatid ko pa ang dinamay nila?" Hindi pa rin siya nagsalita.
Revenge. Yan ang gustong makuha ng Hiatus mula samin.
We used to be friends with Jim. Magkababata kami. Sabay kaming pumasok sa gang. Kami ang laging magkalaban dati. Pero dahil na rin sa tinuruan kami na wag gamitin ang puso tuwing lumalaban, napatay ko ang kapatid ni Jim. Napatay ni Carleigh ang gangmate niyang si Marc at napatay nina Celine ang dalawang nakababatang kapatid ni Jim na si Britney at Courtney.
Simula noon, galit na ang nanaig sa puso ni Jim.
Gustong gusto niya kaming paghigantihan. Pero di nila magawa. Dahil na rin siguro sa malalakas na gang na mas angat kaysa sakanila.
Hanggang sa lumaki kami. Wala silang ginawa kundi magsanay at pumatay para umangat ang rank nila at makaharap kami. Pero wala silang mapala. Bigo sila.
"You know Sky, siguro ganun talaga. Mata sa mata ang labanan. Pinatay mo ang kapatid niya, kaya ayan. Nang malaman niyang may kapatid ka. Pinatay niya rin." sabi ni Jun.
"Ako ang pumatay. Di ang kapatid ko." sabi ko.
"Ganyan ang buhay Sky. It's always unfair."
"Pero Jun. Ang sakit. Mahal na mahal ko ang kapatid ko.. Mahal na mahal ko si Juniel.."
"That's life. They come and go. Wala namang permanente sa mundo eh. You better accept the fact na wala na si Juniel.."
"I know. Pero.."
"Sa susunod, wag mo nalang ipakita ang weakness mo. Promise me that this will be the last time na makikita ko na mahina ka. Ikaw ang leader ng Fx. The most powerful gang in our country. Dapat malakas ka dahil ikaw lang ang ang tanging nagpapalakas kina Carleigh"
Tinignan ko lang siya at pinunasan ang mga luha ko.
Tama siya. Dapat di ako maging mahina. Dapat di ako magpakita ng kahinaan.
Habang pinupunasan ko ang mga luha ko, pinigilan niya ako..
"Pero di ko sinabi na wag kang umiyak. Ang pagiyak, di lang yan senyales ng kahinaan. Di lahat ng luha ay nagpapakita ng kahinaan. Pero iba ang situasyon mo ngayon. Umiiyak ka dahil nasasaktan ka at yan ang kahinaan mo :p" pinisil niya yung ilong ko =3=
"Walang masamang umiyak. Ang masama ay ang maging mahina. Kaya maging malakas ka." mejo napaisip ako sa sinabi niya.
Nagets ko naman.
Di niyo nagets? Di ko na problema yan -________-
"Oh Sige, iyak pa! Dali na! Kung gusto mo, sumigaw ka pa. Dali na!" tumayo siya. Napatayo na rin naman ako.
"Kapag sumigaw ka, mawawala lahat ng takot, galit o kahit na anong emosyon na nararamdaman mo ngayon. Trust me. Magiging magaan ang pakiramdam mo. Alam kong madaming bumabagabag sa isip mo. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo. Dali!" tinignan ko lang siya. Nakangiti lang siya sakin.
"ANG UNFAIR NG BUHAY!" sigaw niya. Napangiti naman ako.
Thank you, Dujun..
"ANG UNFAIR NG BUHAY!" sigaw ko.
"MISS NA MISS NA KITA JUNIEL! SORRY KASI DI KITA NAIPAGTANGGOL! I'M SORRY!" naiiyak man ako pero ok lang. Nailalabas ko naman lahat.
"JUNIEL, MAHAL KA NI ATE!"
"JUNIEL, SANA MAPATAWAD MO AKO."
"SIMULA NGAYON DI NA AKO MAGPAPAKITA NG KAHINAAN! SIMULA NGAYON MAS MAGIGING MALAKAS NA AKO!"
Tinignan ko si Jun. Nakangiti lang sya sakin. At tama siya. Mejo gumaan ang pakiramdam ko.
"ANG PANGIT NI DU JUUUUUUUUUUN!" sigaw ko. Nilingunan ko siya at binelatan >P
"ANG GANDA NI SKYLAAAAAAAA" >__________> Tss.
Kahit papano napangiti ako.
Kahit ganito ako. Ang swerte ko pa rin at meron akong mga kaibigan at nakilala ko tong Dujun na to.
Kung saan ka man ngayon Juniel.. Alam ko nasa maayos na kalagayan ka na..
Mamimiss ka ni Ate..