* Nicole POV * Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Inilagay ko ang kaliwa kung kamay sa mata ko para gawing proteksyon. Nakakasilaw kasi ang sinag ng araw, isa pa masakit sa mata. Unti-unti kung binuksan ang mata ko. Pero nagtaka ako dahil hindi pamilyar sa akin ang kwarto. Kulay pink ang kwarto, pero ito color blue. P-parang kwarto ng-. " Waaaaaaaaaaaaaahhhh! " Pinagtatapun ko lahat ng mahahawakan ko ng bumukas ang pinto ng kwarto. " Sino ka? Bakit dinala mo ako dito! " sigaw ko habang patuloy parin sa pagtatapon ng mga gamit. " F*ck! " " Anong ginawa mo sa akin? Papatayin kita, pag meron kang ginawang masama sa akin. " galit kung sigaw ng patuloy parin sa pagtatapon ng mga gamit. " Ouch! " " Sabihin mo sa akiiiiiiiiinnn! " sigaw ko sabay tapon ng lampshade

