Nagising ako ng tumama sa akin ang sinag ng araw sa mukha ko. Unti-unti kung minumulat ang mata ko habang ang isang kamay ko ay pinaharang ko sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. " Anong oras na ba? " tanong ko sa aking isipan. Kinuha ko yung orasan sa table na nakalagay sa side na kama ko. " 8:30 na pala. " sabi ko nalang Humiga muna ako sa sandali. Wala naman kaming pasok ngayon dahil sabado. Bumangon na ako sa kama ko saka dumeritso sa may banyo at naligo. Pagkatapos kung maligo na umabot ng kalahating oras, lumabas na ako sa may banyo saka nagbihis. Saka ako lumabas ng kwarto at dumeritso sa may kusina. Nagulat pa ako ng maabutan ko sina Ate Nikki at ang dalawa kung kuya na masayang nagkwekwentuhan. Napatigil lang sila ng mapansin nila ako. " Good morning Mayumi. " b

