Matapos naming kumain nina Kuya sa Jobee. Nilagay muna namin yung mga pinabili namin sa sasakyan saka gumala ulit at nanuod ng sine. Nakakatawa nga e, parang baliw si Kuya Mike akala mo kung sinong matapang, yun pala takot sa multo? Horror kasi yung pinanuod namin. Sabihin na natin na nakakatakot nga, pero hindi naman ako takot sa multo. Si kuya Mike lang talaga ang takot sa amin. Naiiyak na nga kami sa kakatawa dahil sa sigaw siya ng sigaw at parang babae pa kung sumigaw. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga fans niya lalo na si Mela, kung ang isang Mike Morales ay takot sa multo? Siguro maoofend sila kay Kuya Mike. " Kung nakita mo lang yung mukha mo, Bro. Siguradong matatawa ka din. " natatawang pang-aasar sa kanya ni Kuya Michael. Ako naman tawa lang din ng tawa pagkalabas namin s

