Akala ko hindi na sasakit ang katawan ko. Pero ito ako ngayon nakakaramdam ng sakit sa buong katawan. Parang ayaw ko na ngang pumasok ngayon. Nakakatamad kapag ganito ang pakiramdam mo. " Hindi ba sumasakit ang katawan niyo mga Kuya? " tanong ko sa kanila. " Hindi naman. Bakit masakit ba ang katawan mo? " nag-alaang tanong sa akin ni Kuya Michael. Tumango lang ako sa kanya bilang pagsagot. " Huwag ka na lang kayang pumasok, Nicole. " sabi ni Ate Nikki. " Ayaw ko pong umabsent Ate! Baka may miss akong lesson namin. " sabi ko sa kanya. " Ang sabihin mo baka mamiss mo ang boyfriend mo. " sabi naman ni Kuya Mike. Binalatan ko lang siya. Totoo naman kasi ang sinabi niya e. Talagang namimiss ko na si Kevin, kahit isang araw lang kami hindi nagkita no. As is naman hindi niya namiss si

