Nagpasama ako kay Renren sa lugar na madalas naming tambayan ni Dan kapag gusto namin sa tahimik sa lugar.
Nagtataka siya dahil ayaw kong makipag-usap at makipagkita kay Dan pero bukambibig ko naman.
Wala naman kaming dapat pag-usapan. He made it clear before that accident happened. Marami pa akong naiwan na gamit sa bahay niya at kukuhanin ko nalang iyon kapag handa na akong harapin siya.
"I thought you don't like thinking about him? Hindi ba mas maaalala mo siya sa lugar na ito? You guys used to date here," she said while we are walking.
"You're right. I don't like thinking about him but I want to remember him. Iyong Dan na mahal pa ako. Paano nga ba kami nagkaganito?"
Hindi na siya sumagot kasi alam kong itinanong din niya ito sa kanyang sarili noong nagkaproblema sila ni Kiel.
Our second chance was wasted. Sayang ang chance na ibinigay sa'min. Sinayang lang namin. Pwede rin kaya kami sa marami pang chance?
Umupo kami sa tabi ng isang puno. Tahimik pa rin talaga rito. Kahit anong ingay ng mundo, mayroon talagang lugar na mahahanap mo ang peace of mind.
Tahimik lang kami ni Renren habang nakatingin sa malayo.
"Renren, mali ba ang ginagawa ko?" pagtatanong ko sa kanya.
"Alin?"
"Mali bang sinisisi ko si Dan? Alam mo naman na nasaktan ako sa pagkawala ng anak ko, mali ba ito?" Then all of a sudden, I started to cry again!
"No, Kelly. Kahit nasasaktan siya sa nangyayari, alam ko naman na at some point ay naiintindihan ka niya. Pero sana hindi ito umabot sa point na tuluyan kayong magkakasakitan dahil sa sisihan. Sana hindi kayo matulad sa'min ni Daddy kasi maraming oras ang nasayang. Pero hindi masasayang ang oras mo kung healing naman ang pinaglalaanan mo. Kaya mo iyan."
"Thank you, Renren."
"I'm always here for you. Always, all ways," pang-aasar pa niya. Alam niyang linya ito ni Dan. "Ops! Wrong choice of words. Peace!"
Ipinagpatuloy namin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Parehas naman kami ng reason ni Renren kung bakit nagugustuhan namin ang ingay sa bar.
Gusto namin sa lugar na iyon hindi lang dahil gusto naming uminom. Simple lang naman, gusto namin ang ingay sa ganoong lugar kasi we feel so alive. The music is so loud that we can feel so alive on that place. We found comfort on that loud place. Sino’ng mag-aakala na may ganoon kaming mararamdaman sa magulong lugar?
Sumandal ako sa kanya.
"You don't have to rush everything, Kelly. Do it on your own pace."
"I know, Renren. I am just thankful that you're here... with me."
"Ano ka ba? Of course! Anytime!"
SINCE I AM JOBLESS, wala akong ginawa kung hindi tumambay sa mga lugar na hindi ko napuntahan noong buntis ako. Well, except for the place where I used to find a comfort. At the bar.
Pero ngayon, I don't feel like going to other places. I just want to stay here with Mama Fe. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Kanina pa ako gising pero hindi pa ako bumabangon. I want to stay here in bed all day.
I received a message from Dan saying his usual good morning, how are you, don't forget to eat, I'm sorry messages.
Umayos lang ako sa pagkakahiga ko. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong nangyari ang aksidente na iyon. Kailangan ko na rin magsimula ulit sa buhay ko. Ayoko naman na maging pabigat ako kay Mama Fe. Maghahanap na ulit ako ng trabaho sa susunod na araw. But not now.
"Kelly?" pagtawag ni Mama Fe. "Open the door." Hindi naman niya sinubukang buksan ang pinto. Sadyang alam lang niya na naka-lock ito.
Narinig niyang binuksan ko ang pinto. Bumalik ako sa pagkakahiga ko at pumasok naman si Mama Fe.
"Ano'ng balak mo sa buhay mo?" pagsisimila nito.
"Mama... not now..." paki-usap ko. Palaging ganito ang sagot ko sa kanya kaya naririndi na siguro siya.
"Mag-ayos at bumangon kana. May bisita ka!"
Si Renren na naman siguro. Hindi siya pumapalya na pumunta sa bahay. Minsan isinasama niya si Kianna o ang iba pa naming kaibigan para guluhin ako.
"Sige po. Maya maya po ay babangon na ako."
Hinawakan na niya ang kamay ko. "Anong maya maya? Ngayon na! Bumangon kana!"
Dahil hindi naman niya ako titigilan hangga't hindi ako bumabangon ay minabuti ko nang bumangon kaysa mag-away pa kaming dalawa.
"See? Sige na, Mama Fe. Lalabas na ako!"
"Tatayo ka naman pala. Mag-ayos ka ng sarili mo at kumain ka na rin!"
"Yes po."
Kagaya ng sinabi ko sa kanya ay lumabas na rin ako. Hindi ko na alam kung paano pa ulit ako babangon at magsisimula. Ano pa'ng purpose ng buhay ko kung nawala na iyong lakas ng loob ko?
It is just too heavy to carry this pain.
Napahinto ako noong nakita ko ang mga bisita ko.
"Mommy... Daddy..."
Lumapit ako sa kanila para magmano at yumakap. Nagtataka pa rin ako sa pagdalaw nila sa'kin kahit alam naman nilang wala na kami ni Dan. Pagkatapos kong ma-discharged sa ospital ay dumiretso ako sa bahay na ito. Hindi na ako bumalik sa bahay ni Dan. Never kong sinagot ang calls and messages niya. Hindi ko na rin kinausap sina Mommy at Daddy tungkol sa paghihiwalay namin ni Dan. Lahat ng gamit ko ay nandoon pa rin sa bahay ni Dan. Alam ko rin na nagstay pa rin siya roon dahil hinihintay niya akong bumalik. I have no idea kung paano niya sinabi sa parents niya na wala na kami. Akala lang yata nila ay nag-away kami.
Sinusubukan kong hindi na bumalik sa lugar na nagpapaalala sa'kin kay Dan dahil habang tumatagal ay mas nararamdaman ko ang sakit. It was so deep to be healed in a short period.
"Kanina pa po ba kayo? Pasensya na po kung natagalan ako sa paglabas. Kumusta po kayo?" sunud-sunod na pagtatanong ko sa kanila.
"Kumusta kana?" pagsagot ni Mommy sa mga tanong ko.
"Ayos lang naman po," I answered. Of course, I am lying.
Biglang lumapit si Mommy at niyakap ako. She is crying...
"'My? Bakit po?" nag-aalalang tanong ko sa kanila.
"Why didn't you tell us?"
"Alin po?" nagtatakang tanong ko naman.
"About you and my son. Bakit hindi mo sa'min sinabi ang mga nangyayari sa inyo? About how he treats you? About everything. Iyong hindi niya pagsama sa pagpapacheck-up mo. Nalaman lang namin sa doktor mo na never kang sinamahan ni Dan. I'm sorry. I'm so sorry for that, Kelly."
"Mommy, ayos lang po ako."
"You're always saying that even if everything is not all right."
Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan naming tatlo.
"Pasensya na po kayo. I tried my best to save our relationship lalo na po't napamahal ako sa inyo. Tinanggap niyo ako from the very beginning even if every parent I’ve met were judging me. I appreciate na kayo pong parents ni Dan ang hindi humusga sa pagkatao ko. You know I have too many flaws but I never saw anything in your eyes like why, why did my son end up liking this girl? I heard too many judgements from other people that's why I want our relationship to work kasi sa pamilya niyo lang po ako nakatanggap ng warm welcome."
I don't even know who my father is. Even my grandparents, aunts, cousins, or any members of our family. It is just Mama Fe and I. We tried to talk about it pero nasasaktan ako every time na nakikita ko siyang nahihirapan sa pagkukwento about her family at kung ano'ng nangyari. Right at that moment, I decided not to ask her anymore. Tinanggap ko nang kaming dalawa lang talaga. But here I am, the truth is... I badly want to have a complete family. Maybe that is too much to ask, kahit siguro makilala ko lang sila o kaya ay makita... baka maging maayos na rin ang pakiramdam ko. Kasalanan ko rin siguro dahil masyado kong ipinilit na maging kumpleto ang pamilya na binubuo namin ni Dan kaya nagulo lang lahat.
I didn't know I want to meet them until now.
Mommy and Daddy kept on saying sorry for everything. Pinipigilan ko lang sila kasi hindi naman nila ito kasalanan.
Inihatid ko sila sa labas. Bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko ang paligid. I'm so relief that I didn't saw Dan's car in front of our house. Ibig sabihin ay wala siya rito ngayon.
Nagpaalam na ako kina Mommy at Daddy. Hinintay kong makaalis sila bago naghandang bumalik sa loob ng bahay.
I received a message again.
Dan: It's good to see you again smiling, Kelly. I miss you.
I look around and I saw him standing, holding his phone.
Nakita kong papalapit na siya sa'kin pero I can’t move. Hindi ako makagalaw! Bakit? Parang bumalik lahat. Ayokong lumapit siya sa'kin. Ayokong magkausap kami.
Huli na ang lahat dahil nasa harapan ko na siya ngayon.
"I miss you," iyan ang una niyang sinabi noong nasa harapan ko na siya.
Napahawak ako sa tummy ko. Nasanay akong hinahawakan iyon kapag nandyan si Dan to protect my baby.
My baby...
Wala na nga pala siya...
Napansin niyang hinawakan ko ang tiyan ko kaya inialis ko kaagad.
"Kelly, I'm sorry. Can we talk? Please."
I heard too many sorry from him. Sadyang nawawalan na nga yata talaga ng halaga ang isang salita kapag paulit-ulit na sinasabi nang walang pagpapahalaga.
"No," simpleng sagot ko.
"Please talk to me."
"I said no. Remember the last time I asked you to talk and listen to me? I lost someone so important. And now, you're asking the same thing... I don't want to talk to you, Dan. I might lose someone so important to me again. I might lose myself if we talk. Just... just leave me alone."