Kelly Angela Madrigal: Hi, Dan. It's Kelly, kailan ko pwedeng kuhanin ang gamit ko? Thanks.
Daniel Martin Ramirez: Anytime, Kelly. Sabihin mo lang kapag pupunta ka na.
Kelly Angela Madrigal: Kailan ka wala sa bahay?
Daniel Martin Ramirez: Tomorrow morning.
Kelly Angela Madrigal: Okay. I'll get my things tomorrow morning.
Daniel Martin Ramirez: Sure. Drive safely.
PAULIT-ULIT KO PANG BINASA ang conversation namin ni Dan. Damn! How can I forget this? Ang sabi ko sa kanya umaga ko kukuhanin ang gamit ko! Anong oras na!? Four o'clock na!
But still, I need to get my things. May kailangan ako roon. Hindi ko na pwedeng ipagpabukas pa! Kailangan ko nang magsimula ulit! Sobrang occupied ba ng utak ko para makalimutan ang gamit ko? Naiinis ako sa sarili ko!
Paano kung nandoon siya? Ayaw ko siyang makita! Nakakainis talaga!
Kaagad kong inayos ang pagkakaparada ng sasakyan pagkatapos ay pumasok na sa bahay. Good thing, tahimik ang lugar at wala ang sasakyan ni Dan. So, wala pa siya sa bahay? Nasaan kaya siya?
Okay, why would I care?
Dumiretso ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko. Walang nagbago sa itsura ng mga gamit ko dahil ganito ko rin ito iniwan.
Isa-isa kong inilagay ang mga gamit ko sa sasakyan.
But honestly, his house is a total mess. Sobrang kalat at gulo ng gamit niya.
Nagmadali na akong ayusin lahat ng gamit ko kasi baka maabutan pa niya ako. Speaking of maabutan, narinig ko ang sasakyan niya kaya bumaba na ako at nakasalubong ko siya. Namumula nga siya. Naka-inom kaya?
Erase! Erase! Ano naman ang pakialam ko?
Hindi naman siya nagulat na nandito ako dahil nakita na niya ang kotse ko.
"Ahm... sorry. Nakalimutan kong kuhanin kanina," pagpapaliwanag ko kaagad sa kanya. "Don't worry, kakatapos ko lang. Paalis na rin ako," dagdag ko pa.
Tiningnan niya lang ako. "Sige... mag-iingat ka, Kelly."
Aalis na sana ako pero napansin ko kasi na humahawak siya sa mga gamit na malapit sa kanya. Lasing ba siya? Nilapitan ko siya at inalalayan.
"Hoy, Dan! Sobrang init mo naman. Nilalagnat ka!"
Sobrang init talaga niya kaya inalalayan ko siyang humiga. Buti nalang nakauwi pa siya!
"Kelly, I’m... okay..." sabi pa niya kahit halatang hindi siya okay.
Hindi ko naman siya pwedeng iwanan dito. Inayos ko ang gamit sa pampababa ng lagnat. Kumuha ako ng gamot niya at nagluto ako ng kahit anong pwede niyang kainin para may laman ang tiyan niya kapag uminom ng gamot.
Nakatulog nga kaagad siya sa sobrang taas ng lagnat niya. Pambihira. Napakagulo na nga ng bahay niya ay hindi pa inaalagaan ang sarili. Sa itsura niya ay mukha pa siyang galing sa trabaho. May balak ba siyang magpakamatay?!
Ginising ko siya para kumain ng kaunti dahil kailangan pa niyang uminom ng gamot.
"Dan, kumain kana."
"Hindi ako nagugutom," pagmamatigas pa niya habang nakapikit pa.
"Pero kailangan mong kumain para maka-inom ng gamot."
Inalalayan ko pa siyang sumandal sa sofa na hinihigaan niya. Hindi ko na kasi siya kayang i-akyat sa taas so dito ko nalang siya pinahiga.
Kaya naman niyang igalaw ang mga kamay niya kaya hindi ko na siya kailangang subuan at bantayan. Hindi naman siya pasaway kapag nagkakasakit siya dahil gusto rin naman niyang gumaling.
"Pagkatapos kong uminom ng gamot, pwede mo na akong iwanan." Nagulat ako sa sinabi niya. Pinapalayas na naman ba niya ako?
"Oo, sige. Pagka-inom mo ng gamot, aalis na ulit ako. Atat na atat ka naman na mapaalis ako rito."
"Kelly, I didn't mean it that way. Alam kong hindi ka komportable when I'm around and I don't like you to feel it again. Hindi naman kita pinapaalis dito. Alam mo naman na hinihintay lang kitang bumalik."
"What makes you think na babalik pa ako rito?"
"Hindi ko alam. Mas mabuti nang umasa ako kaysa sukuan ka kaagad," sabi pa niya. Hindi na kami magkaharap ngayon.
I smirked. "Sukuan? Hindi ba matagal ka nang sumuko? Hindi mo ba naaalala?"
"Kelly, I'm sorry."
Alam ko na kung saan pupunta ang usapan naming dalawa kaya hindi na ako sumagot. Mas mabuti pang tapusin na niya ang pagkain para makainom na siya ng gamot at para makaalis na ako kagaya ng gusto niyang mangyari.
Sinunod naman niya ang pag-inom ng gamot at nakatulog na rin naman kaagad siya.
Naghanda na akong umalis. I checked his temperature at nabigla ako na hindi manlang bumaba ang lagnat niya. Paano ako makakaalis?!
Inayos ko ulit ang gamit sa pampababa ng lagnat niya. Kinuha ko na rin ang mas makapal na blanket niya dahil mukhang giniginaw na rin siya.
Uuwi ako kapag bumaba na ang lagnat niya.
Naka-idlip ako sa pagbabantay sa kanya pero nagising ako dahil nakarinig ako ng ingay. Giniginaw pa rin yata siya kaya inulit ko lang ang mga ginagawa ko kanina. Pagising-gising ako para mapalitan ang pampababa ng lagnat niya.
Paano kung hindi pala ako nagpunta rito? Hindi naman siya hihingi ng tulong sa iba lalo na't feeling niya ay kaya niya.
Let's say na kaya nga niya ang sarili niya. Pero kahit na!
Ah, basta!
Hindi ako nag-iisip ng excuse para magstay sa tabi niya ha!
NAGISING AKO NOONG MAY narinig akong gamit na nahulog. Napatayo kaagad ako at hinanap ko si Dan. Mukhang magaling na siya dahil nagluluto na siya ng breakfast niya.
"Sorry, did I wake you up?" pagtatanong niya sa'kin.
"Magaling ka na ba?" balik na pagtatanong ko sa kanya.
"I think so," simpleng sagot naman niya na nagpa-init ng ulo ko.
"You think so? Paano kung mabinat ka?" masungit na pagtatanong ko. Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang sandok at ako na ang nagpatuloy sa pagluluto niya. "Kapag nabinat ka, sa tingin mo maiiwan kita rito?" iritableng pagpapatuloy ko.
"Ayos pala kung magkasakit ulit ako? Hindi ka aalis?"
"Siraulo!"
Pinaghain ko na siya ng breakfast at naghanda na akong umalis. Napansin naman niya na isang plato lang ang nakalagay sa table.
"Kumain kana rin, Kelly."
"Ayaw kitang kasabay sa pagkain," diretsong sagot ko naman.
"Thank you for taking care of me even if you're still mad at me," he sincerely said.
"Well, you are not welcome, Dan. Aalis na ako," pagpapaalam ko sa kanya kaya kaagad siyang tumayo at pinigilan ako.
"Can we talk. Please, Kelly?"
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Ano ba'ng dapat nating pag-usapan? Wala naman na 'di ba? If you're sorry, sige tinatanggap ko naman ang sorry mo pero hindi mo ako masisisi kung ganito pa rin akong makitungo sa'yo. Matagal naman nang tapos kung ano man ang mayroon sa'tin. Ano pa'ng pag-uusapan natin?"
Ang haba naman ang intro ko sa kanya. I made it clear. Wala naman kaming dapat pag-usapan.
"Ano ang gusto mong sabihin bago mangyari ang... accident?" Nag-hesitate pa siyang ituloy ang huling salita as if he was hurt too. Bakit siya masasaktan? Hindi naman niya kinilala ang anak ko bilang anak niya 'di ba?
"Willing ka na makinig?"
Tumango siya bilang sagot.
"Makikinig ka naman pala sa'kin. Hinintay mo pang mawala ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko ngayon. Ang selfish mo, alam mo ba iyon? Natuwa ako sa'yo na pinanindigan mo ang pagiging ama sa kanya pero nagbago ka. At kaya ka naman pala nagbago ay dahil iniisip mong sa ibang lalaki ko siya anak. How dare you?"
Hinawakan niya ulit ang kamay ko. "I'm sorry, Kelly."
Kaagad ko namang tinanggal ang pagkakahawak niya.
"Yes. I had s*x with Oscar noong naghiwalay tayo. Hindi dahil mahal ko siya. It's because I was so hurt to see you cheating on me! I agree at first but then I saw that he was filming it so I wanted him to stop but he didn't! Alam ko! Alam ko ang tanga-tanga ko dahil pumayag ako! Alam ko rin na balak niyang ipakita iyon sa'yo para hindi mo na ako balikan dahil gusto niyang makipagbalikan sa'kin."
Damn it. Do I really need to cry in front of him?!
"Hindi ko naman siya napigilan na ipakita sa'yo ang proof na sinasabi mo. Why I always wanted to have s*x noong nagkabalikan tayo? It's because I wanted to erase that kind of nightmare! Dahil sa ginawa ni Oscar naalala ko ang nakaraan ko! Oo, pumayag ako sa gusto niya noong una at may karapatan akong sabihin sa kanya na tama na pero hindi siya tumigil! Ano, dahil ba roon ay maduming babae na ang tingin mo sa'kin?! Because I'm doing it with the other guys?"
How can I stop talking now?!
"If yes, then you really don't deserve me. Why? Matatanggap mo ba ako kahit ganoon ako? Paano kung sabihin ko sa'yo na ang dahilan ng lagi kong pagla-lock ng pinto sa kwarto ay may kinalaman sa nakaraan ko? Because... I was r***d at my own house when I was a kid! You heard me? I was r***d! At tanging s*x lang mula sa mga taong minamahal ako ang nakakapagpawala ng ala-ala na iyon!" I paused, naghahabol na ako ng hininga.
"Masaya kana? Nasabi ko na sa'yo. Ngayon, wala na talagang rason ang babaeng tulad ko na magstay sa buhay mo."
Pagtatapos ko sa usapan namin tsaka ako umalis sa bahay niya.