07

2589 Words
Akala ko naman magiging maayos na ulit ako dahil nasabi ko na kay Dan ang gusto kong sabihin sa kanya. Bakit hindi pa rin ako matahimik? Why am I waiting for his messages?! Naka-upo lang ako sa isang coffee shop because I'm waiting for Oscar. Hindi ako makapaniwala na mag-uusap kami ngayon dahil sinunod ko ang payo ni Renren. Kaya raw hindi matahimik si Oscar ay dahil hindi ko siya nabigyan ng maayos na closure. Hindi rin ako makapaniwala na pagkatapos ng pangungulit at pagpapaliwanag ni Oscar sa’kin ay napapayag niya akong makipagkita sa kanya. Masyadong masakit ang ala-ala na iyon para sa’kin kaya pinag-isipan kong mabuti ang pakikipagkita sa kanya. Sabi nga ni Renren, “Do it on your own pace.” Sadyang inagahan ko dahil baka umatras pa ako kapag nakita ko kaagad si Oscar. I heard he has a new girlfriend but I just want to make sure na he won't blackmail me with his videos and pictures. How can I start new life kung iniisip ko iyon? But since I can't control him, sasabihin ko nalang sa kanya na hindi na talaga ang mga gusto kong sabihin. If he posts our video online, wala na akong magagawa roon. Kahit hindi nakikita ang mukha namin doon, alam ko pa rin sa sarili ko na nagkamali ako ng desisyon noong gabi na iyon. Hindi lang dapat siya ang sisihin ko. Hindi ko rin naman sila guguluhin ng girlfriend niya. In fact, sabi ko naman sa kanya ay huwag na kaming magkita kung ayaw ng girlfriend niya na makipag-kita siya sa'kin. Gusto raw niya akong makita at pumayag naman daw ito kaya pumayag ako. Umupo kaagad siya sa harapan ko. Matagal na niyang gustong makipagkita kahit noong boyfriend ko pa si Joe at kahit noong naging kami rin ni Dan. Hindi lang talaga ako pumayag dahil bukod sa wala na kami ay nirerespeto ko ang mga karelasyon ko. Bago ko naging boyfriend si Dan, may Joe at Oscar muna. Kagaya nga ng sinabi ko, marami akong past relationship na hindi seryoso at hindi ako proud sa mga iyon. Alam kong marami akong nasaktan at may pagkakamali rin naman ako sa kanila. Si Oscar ang pinaka-pasaway na naging boyfriend ko. While Joe is the most gentleman. At si Dan naman ang lalaking pinaka-minahal ko. "Thank you, Kelly. Finally, pumayag kana na makipag-usap." Umayos ako ng pagkaka-upo. Nakakakaba rin palang makipagkita sa ex-boyfriend lalo na kung hindi good ang naging ending 'no? "Oscar..." Kinakabahan lang ako. Hindi man ako naging matinong babae, I don't deserve to have that video para makita ng buong mundo 'di ba? Oo, ito talaga ang kinakatakot ko. Kahit pa hindi ako makikilala sa video na iyon. What happened that night should be between the two of us. "Kelly, it's all my fault. I'm stupid selfish jerk. Alam ko... alam ko na ang laki ng kasalanan ko sa'yo. I heard what happened to your baby. I'm really sorry." Hindi ko naman inaasahan na ganito kaagad ang sasabihin niya. Maraming beses na niya itong sinabi sa messages at sinubukan din niyang magpunta sa bahay. "Oscar," pagtawag ko ulit sa kanya. "Alam kong minahal mo ako and I'm sorry na hindi ko natumbasan ang ibinigay mong pagmamahal sa'kin noon. Masyado na nating nasaktan ang isa't-isa. Sana... tama na?" pagpapatuloy ko. Hindi pa naman huli ang lahat para mabigyan ng closure ang isang bagay. Kahit pa marami na ang nagbago dahil iyon ang nararapat na gawain. Tiningnan ko siya sa mga mata. "Sana mahalin mo ang girlfriend mo nang higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo sa'kin. Naiintindihan mo naman 'di ba? We tried. I tried to love you back but it's just not meant to be, we are not meant to be. Mas lalo lang natin sinaktan ang isa't-isa at nandamay pa ng ibang tao. But, thank you for everything." Kahit naman madaming masasakit na nangyari, hindi ko naman makakalimutan na siya ang unang nagparamdam kung paano mahalin nang totoo. Nagkataon lang na hindi ko iyon kayang tumbasan. "About the video... about what happened that night... I'm sorry, Kelly. I was drunk, my friends—well I’m not sure if they are really my friends—put drugs on my drinks and I was not able to control it. Hindi ko naman alam na gumawa sila ng paraan para kausapin si Dan, para ipakita ang video, at para sabihin sa kanya na inaangkin ko ang anak ninyo. It’s my fault. I'm sorry... Napakagago ko. Sorry talaga." Alam ko rin naman ang explanation niya na ganito dahil ilang beses na rin naman niyang sinubukan na kausapin ako. Talking about my baby is just too painful that time so I decided to avoid them. Past is past. Nangyari na ang lahat ng nangyari at hindi na namin iyon kayang ibalik. Ang tanging magagawa lang namin ngayon ay maging maayos at learned from that mistake. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad lalo na sa paninira niya sa'min ni Dan. Sa tingin ko naman ay hindi niya kami nasira. Hindi lang ganoon kalalim ang pagmamahal at tiwala ni Dan sa'kin kaya mas pinili niyang maniwala sa iba. Sira na ang relasyon namin bago pa bumalik si Oscar sa eksena. Basta ang alam ko lang ay desisyon iyon ni Dan kaya kami nasira. "Don't worry, Kelly. Wala na iyong video. I made sure na wala na iyon. I'm really sorry. Gago ako pero hindi kita gustong saktan. I respect you at kung hindi dahil sa drugs na inilagay nila sa inumin ko, hindi ko iyon magagawa sa’yo. Sorry, Kelly. Asking for your forgiveness is too much but I hope that nightmare I created will someday replace with a happy memory. I'm... really... sorry..." He was sincere. I can feel it. After all, hindi rin naman pala nasayang ang oras namin noon sa isa't-isa 'no? I am still thankful na nakilala ko siya. Totoo naman na nirerespeto niya ako kaya nagulat ako sa ikinilos niya noong gabi na iyon. "Ahm... so this is it?" Tumayo ako para magpaalam sa kanya. "Thanks for your time, Oscar. Good bye." "Good bye, Kelly." And I hugged him for the last time. Hindi naman pala masama. Mukhang tama nga si Renren na gagaan ang pakiramdam ko sa pakikipag-usap kay Oscar. Nagpaalam na ako sa kanya at umalis na. Wala pa naman akong trabaho dahil hindi ko pa alam kung nakapasa ako sa interview kaya gumala muna ako. Grabe, namiss ko rin palang lumabas-labas.   NAKAKITA AKO NG ICE CREAM shop kaya pumasok ako. Namiss ko rin ito! Bukod naman sa alak ay kinababaliwan ko rin ang ice cream. Ang layo ‘di ba? Ganito lang ako pero favorite ko ang chocolate flavor. Weakness ko ang pagkain na may chocolate. Pinagbawalan lang ako noon sa sobrang matatamis na pagkain dahil binabatayan ang sugar level ko. Mas tumataas daw kasi iyon kapag buntis. Umupo ako sa favorite spot ko sa ice cream shop na ito pagkatapos umorder. Hihintayin ko nalang na dumating ang order ko. Tumatawag si Renren pero hindi ko sinasagot. Maingay din kasi siya kapag alam niyang malungkot ako kaya dumadaldal kahit hindi naman natural sa kanya. Mamaya naman ay tatawag ulit siya. "Pwede ba kitang abalahin sa pagtulala?" Nabigla ako sa lalaking nasa harapan ko. Hindi naman ako nakatulala, ah? "Sure," sabi ko nalang tsaka mukhang paupo na rin naman siya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi naman sa nang-mamaliit siya, in fact he is smiling while looking at me.   “Excuse me? You are obviously checking me out. Will you stop?” I joked.   “I like what you’re wearing. That’s pretty much the Kelly I knew. I also like your new hair style.”   That’s a compliment! Madalas kasi ay sexy na damit ang suot ko at palagi akong naka-high heels or any sandals na magpapasakit sa paa ko. Tiis-ganda raw iyon sabi ng iba. Palagi pa nga niya akong ipinagdadala ng band-aid dahil sa mga paltos ko. But now I am wearing just a comfortable shirt and pants, not showy and sexy at all, paired with rubber shoes. I also cut my hair short for a change. Noon kasi ay pinapahaba ko iyon para mas sexy tingnan at mas maka-attract ng lalaki. Hmm, iyon ako bago nagpakaseryoso sa buhay. “Come on! Stop it!” I shouted at him. He just laughed at me. "Kumusta ka?" pagtatanong niya. "Ayos lang. Ano'ng ginagawa mo rito?" balik na tanong ko naman. "Nakita kita kaya pumasok ako para kumain. Mukhang bored ka ha?" I smile. Baliw 'di ba? "Joe, tigilan mo ako. Hindi ka kumakain ng ice cream." And yes, si Joe ang kausap ko. Si Joe na ex-boyfriend ko. Huwag naman sanang makasalubong ang iba pang ex-boyfriend! "Iba pa rin talaga ang memory mo. Naaalala mo pa iyon?" Hay, compliment ba ito? "Oo naman. Ikaw lang ang mabilis makalimot 'di ba?" pang-aasar ko sa kanya. "Woah." Joe was the most gentleman I've ever met. Yes, we broke up. Not because he cheated, or kung ano pa mang dahilan na masasaktan ako. Naghiwalay kami dahil noong time na naging kami, parehas kaming nawawalan ng oras sa isa't-isa. Palagi naming nadi-disappoint ang bawat isa. Nasasaktan unconsciously. Okay naman kaming dalawa kapag magkasama, mahal namin ang isa't-isa pero... may kulang. Hindi na kami masaya. So, we talked like a mature couple, if kailangan pa namin ipagpatuloy ang relasyon namin because we are not growing together and, in some ways, we are just hurting each other. Hindi na kami nakakatulong sa isa't-isa so we decided to end our relationship. Kahit sino naman na kilala namin ay nagtaka kung ano'ng nangyari. Hindi siguro nila maiintindihan pero at least, nagkaintindihan kami ni Joe. And then, dumating si Dan sa buhay ko... Wala naman nagbago sa itsura ni Joe. Siya pa rin iyong tipo ng lalaki na mapapalingon ka talaga kapag nakasalubong mo. Super neat and good boy look kasi ang isang ito. Maputi, matangkad (He was a basketball player! A chick magnet!), makinis ang mukha. Typical look ng isang mayaman at good boy na lalaki. Ang pinagkaiba lang niya sa mga lalaking nakilala ko ay sobrang bait talaga. Wala akong maisip na ikinasama ng loob ko sa kanya. In fact, naiinis pa nga ako sa sobrang bait niya dahil kapag nag-aaway kami ay siya pa rin ang hihingi ng tawad kaya naman nagi-guilty pa ako. “Sorry, Kelly, I’m taken. Hindi na tayo pwede,” bulong pa niya noong napansin na nakatingin lang ako sa kanya. “Gago ka talaga!” Oh ‘di ba? Namura ko pa siya. “Ang sweet mo talaga,” sarkastikong pagpapasalamat pa niya. Bilga siyang naging seryoso. "Kelly, you okay? Nandito na ang order mo." Caring and gentleman as always. What if we find time for each other when we’re together? Magiging masaya na kaya kami? Okay, Kelly, get back on your senses! "Thanks. Ano nga ang ginagawa mo rito?" "Nakita nga kita. Hindi mo ba ako namiss?" pagpapacute pa. Loko talaga. Hindi niya alam na nagustuhan ko siya dahil sa mga simpleng banat na ganito! Masyado lang kaming komportable dahil wala naman kaming dapat ikasama ng loob sa isa’t-isa. Nagsimula na akong kumain habang siya naman ay dumadaldal pa rin. "Grabe. Hindi mo ako namiss?" pag-ulit pa niya sa tanong. "Ewan ko sa'yo." "You're not okay, right?" "Paano mo naman iyan nasabi?" Itinigil ko ang pagkain ng ice cream at sumandal para makinig sa sasabihin niya. "Kasi hindi ka excited sa pagkain ng ice cream? Nagpupunta ka lang naman dito kasi either you're happy or sad. Kapag happy ka, excited ka sa pagkain. Kapag sad, halatang gusto mo lang mapag-isa at mabagal kang kumain. Mali ba?" Bumalik ako sa pagkain ng ice cream. Pati ba naman iyon ay nahalata niya? "So, what's the matter?" pagtatanong pa niya. "Hindi ko rin alam. Okay naman ako pero hindi ko maintindihan ang sarili ko." "Alam mo naman ang sagot, hindi mo lang matanggap." "Na ano?" pagtatanong ko sa kanya. Hindi ko naman kasi siya naiintindihan. Alin ang hindi ko matanggap? "One word. Dan." Bumilis kaagad ang t***k ng puso ko noong binanggit niya ang pangalan ni Dan. Sanay akong iniisip siya pero hindi ako sanay na pinag-uusapan o may bumabanggit sa pangalan niya. Madalas siyang nagpupunta sa bahay pero hindi ko naman siya nilalabas o kinakausap. Naiintindihan kong nasaktan din siya pero hindi pa ako handa na harapin ulit siya. Ano pa ang gusto niyang sabihin o pag-usapan? May nakalimutan pa ba siyang sabihin o isumbat sa'kin? "He is still bothering you because you still love the guy. Remember, Kelly, hindi lang ikaw ang nawalan. Nawalan din siya ng anak at nawala ka rin sa kanya. Hindi man niya lubusang tinanggap na maging ama ng anak niyo, sigurado ako na na-realized niya ngayon ang pagkakamali niya." See what I’m talking about? He is so nice! Alam kong pinagselosan din niya si Dan pero dahil nakikita niyang mahal ko si Dan ay nakuha pa niyang magpayo sa’kin. And, he knew about my past but he never judged me. Pero nagtaka naman ako sa mga sinasabi niya. Alam ko naman na nalaman na ng mga kakilala ko na nawalan ako ng anak at naghiwalay kami ni Dan. Pero... bakit niya ito sinasabi sa'kin? Mayroon siyang inilapag na sobre sa table. "Basahin mo, sabi ni Renren sulat iyan ni Dan para sa inyo ng anak mo pero hindi naman daw ito ibibigay sa’yo ni Dan kaya gumawa siya ng paraan para makuha ang sulat na iyan. Nagkita kami ni Renren kahapon kasi ayaw mo raw makipagkita sa kanya kaya nakisuyo siya sa'kin na puntahan ka. Sigurado kasi siyang hindi mo ako maiiwasan dahil bukod sa gwapo ako, malakas pa rin ako sa'yo." Kumindat ito sabay tawa pa. Baliw pa rin talaga. "Gago! Baliw ka!" Tumawa pa siya bago magpaalam sa'kin. Nakukulitan na kasi ako kay Renren kaya hindi rin ako nagpapakita sa kanya. Pasaway kasi palaging binabanggit si Dan na kausapin ko na raw ulit samantalang dati ay ayaw niyang  nakikita iyong lalaki na iyon. Ano naman kaya itong kalokohan ni Renren? Wala naman mawawala kung babasahin ko ito ‘di ba?   Hi Little one, Hindi ba masyado pang maaga para saktan mo kami ng Mommy mo? Alam ko naman na inalagaan ka niya at kumapit ka para sa'ming dalawa pero sorry dahil ako ang naging Daddy mo. Sorry kung naging gago ako... sa'yo... sa inyo... Kung naging matapang lang ako, sana kasama ka pa namin ngayon. Sorry for hurting both of you. Nagsisisi ako ngayon at alam kong wala nang magagawa ang paghingi ko ng tawad at pagsisisi ngayon dahil nawala na kayo. Noong nawala ka, I realized everything. Na-realized ko kung paano ko ginago ang Mommy mo, kung paano ko siya binalewala, kung paano ko siya inabuso, kung gaano ulit kalungkot na nawala siya sa'kin, kung gaano ako katanga at kagago para sayangin ang pagkakataon kong mapasaya siya. Naririnig kong umiiyak siya sa tuwing pinagsasalitaan ko siya ng kung anu-ano pero ni minsan ay hindi niya sinabi sa'kin na tama na kasi nasasaktan na siya. Sorry kung nagduda ako na ako ang Daddy mo. Sorry kung nagpadala ako sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa Mommy mo. Sorry na naging tanga ako para mas piliin na maniwala sa ibang tao. Sorry na kailangan mo pang mawala para lang malaman ko ang lahat ng ito. May hiling lang ako sa'yo. Be your mom's guardian angel... Gustuhin ko man na nasa tabi niya ako habang nasasaktan siya, hindi ko magagawa lalo na kung ako ang dahilan ng pag-iyak niya. Sorry ha? Sana noon palang nakita ko na ang halaga niyo. Hindi ako nagkaroon ng chance na mahaplos o makausap ka manlang habang nasa tummy ka pa ng Mommy. Babantayan ko pa rin naman ang Mommy mo. Tulungan mo ako ha? Sana mapatawad niya ako. Maghihintay naman ako. Hindi ko na sasayangin lahat ng pagkakataon na ibibigay niya sa'kin. Pinaka-importanteng na-realized ko, mahal na mahal ko kayong dalawa... You will always be our little one... Our guardian angel... I love you... From, Daddy I felt tears from my eyes. How many times I said that I am not a crying kind? So… what happened? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD