Naramdaman ko ang pagyakap ni Dan sa’kin. Hindi siya nagsasalita at nagtatanong. Natatakot ako sa tuwing nakikita ko ang mukhang iyon. Even if I’m crying, I managed to ask Dan if we can leave that place. Wala siyang itinanong sa’kin pero ramdam ko ang pag-aalala niya habang inaalalayan ako papunta sa sasakyan. Hindi na ako umiiyak ngayon pero ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang mukha niya. Nakita ko lang ito sa malayo habang nakikipagtawanan sa mga kasama niya. Ganoon din ang tawa na nakita ko habang ginagawa ang kahayupan sa’kin! Inilagay ko ang dalawang kamay sa ulo ko habang nakapikit. Iniisip ko na hindi siya ang nakita ko habang pilit na kinakalimutan ang mga ala-alang kusang bumabalik sa isipan ko. Please, memories from my past, s

