Kanina pa palipat-lipat ang mata ko sa mga naka-display sa bahay na ito. Sa sobrang lawak nito ay sumakit na ang leeg at mata ko kakatingin sa mga mamahaling gamit na nandito. Ganito ang bahay na madalas kong nakikita kapag nanonood ako ng teleserye! Mataas na ceiling, chandeliers, magagandang hagdanan, mamahaling paintings and displays, maging ang upuan ay pang-sosyal, parang walang alikabok sa paligid, nilalamig na nga ako dahil malakas ang aircon, maaliwalas tingnan ang paligid… pero bakit wala pa ring nagpapakita sa’min? Mas malaki at mas maganda pa ito sa mansiyon nila Dan! Nasaan ba kami? Nagpasama lang si Mama Fe sa’kin na may pupuntahan kami. Hindi naman ito ang bahay ng Papa ko. “Mama Fe, ano’ng ginagawa natin dito? Bakit walang tao?” pagtatanong ko ulit. Kanina pa ak

