
"Hirap o sarap!"
Napapitlag ako sa malakas na boses ng lalaking nagtatanong sa amin.
Basta lang ako hinila ng kaibigan ko dito.Ni hindi ko nga alam kung ano ito.Nakapiring ang mga mata namin at nakaluhod sa semento.
Kinulbit ko ang aking kasama.
"Anong sa iyo? Baka tinatanong niya about sa food? Kapag hirap baka sili ipakain sa atin, at kapag sarap baka sweet," Saad ko.
"H-hindi ko alam." Kinakabahang sagot niya.
Napanguso na lang ako.
Sarap na lang piliin ko.
"Sir, sir..sarap po ako," Aniya ko.Narinig ko na tumawa sila.
Bakit may mga lalaki nasa paligid namin?
"Sige, dalhin niyo yan sa kabilang kuwarto."
Bigla na lang may humawak sa akin.Itinayo ako at inaalalayan lumakad.
Maya-maya lang narinig ko ang pagsarado ng pinto.
"Take off your clothes!"
Ano daw?
"Akala ko po ba kakain po ako."
"No.I'm the one to eat you!"
Nanlalaki ang mga mata ko kahit nakapiring ako.
"Hala! Magmamadre po ako, magagalit ang mommy ko!" Aniya ni Hera.
Sabi ni Mommy hindi ako tatanggapin sa pagiging madre kapag hindi na virgin.
"Itatanan na lang kaya kita," Aniya ng lalaki sa akin.
Parang pamilyar sa akin ang boses niya.Maya-maya lang tinanggal ang takip sa mga mata ko.
"Alas!" Gulat na saad ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan.
Ang asul niyang mga mata ang nakasalubong agad sa akin.
"Hirap o sarap?" Nakangising tanong niya sa akin.
