"Kamusta?" napatingin ako sa katabi kong si Olivia "Hindi ka ba nya sinasaktan don? Hindi ka ba nila sinaktan?" naga-alalang dugtong nya pa.
Napangiti ako ng mapait.
Akala ko makakaalis kami dito ng wala akong isa-sacrifice. Pero mali ako, maling mali.
Kagabi ay paulit ulit nya kong inangkin. Hindi sya napapagod. Kung hindi pa ko nawalan ng malay ay hindi pa sya hihinto. And hell! Literal na nawalan talaga ako ng malay.
I had no f*cking idea na napaka sakit pala non sa una.
At kaninang umaga kung hindi ko pa nasuntok yung isang armadong lalake nila ay hindi nya pa ko papayagang lumabas. Buti nga at need nyang bumalik sa maynila dahil sa naiwan nyang works don ih kaya no choice sya at pinayagan nya na akong makalabas.
Wala namang bantay na nakapalibot sakin pero may mga mata pa rin syempre na nakamasid sa kilos ko kung sakaling gumawa daw ako ng kalokohan.
As if naman makakaalis kami dito ng walang dalang mapa di ba? Hindi ako tanga para sumugod sa gitna ng gubat kung san maraming mababangis na hayop. Dagdagan mo pa ng mga patibong ng paradise. Tsk.
Makaka alis lang kami dito, pag nakuha na namin yung mapa ng lugar na to.
"Hey Nava, go back to your senses. Masyado kang tulala jan" naiinis na sambit ni Oli.
"I am sorry" nakangiti kong sambit "I'm fine. Don't worry okay?" ngumiti pa ko lalo para mas maniwala sya.
Napakunot noo sya sabay napabuntong hininga.
"Are you sure?" paninigurado nya.
Ngumiti naman ako sabay tango tango ko.
"By the way, where's Cora, Rhea, Willa and the boys?" napabuntong hininga naman si Oli.
"Alam na nila" bulong nya para walang makarinig samin. Dahil sa bulong na yon ay nagets ko na agad ang point nya.
Napangiti ako ng malapad.
"Really? Anong sabi nila?"
"Ayon, nagtampo sila pero concern pa rin sila. Nag volunteer si Willa at Cora na gawin yung mga naka assigned na task sakin"
Napangiti ako pero agad din akong napakunot noo.
"That's good. Anyways, nasan na nga pala si Rhea? Last na nakita ko sya ay nung sabay sabay tayong nakuha non at nag volunteer ako"
Agad ding napakunot noo si Oli.
"I don't know, hindi ko na rin sya nakikita. Sila Phil nakita ko kanina pero si Nef di ko rin nakita. Your boyfriend--- I mean si Galen hindi pa daw lumalabas sa kwarto nila ni Phil simula ng maganap yung kasal" mahabang paliwanag ni Oli.
Agad akong napayuko at napa isip.
Asan na kaya si Willa at ano nang nangyare sa kanya? As well as Nef? Alam kaya ni Willa kung san nagpupupunta yung jowa nya? And about Galen. Kaylangan ko syang makausap. Pero pinangungunahan ako ng konsensya ko.
May nangyare samin ni Cassius habang kami pa rin ni Galen. Hindi ko kakayanin pag nakipaghiwalay sakin si Galen ngunit mas lalong di ko kakayanin pag nakita ko syang nasasaktan ng dahil sakin.
Huminga ako ng malalim bago muling humarap sa matamlay na si Oli.
"Don't worry, I will do my best para mahanap sila Nef at Rhea. Wag kang masyadong mag isip at baka makasama sa bata" pag papagaan ko ng loob nya.
Hindi pa lumalabas yung baby sa tummy ni Oli pero awang awa na ko sa bata. Napaka gulo ng magigisnan nyang lugar pag inantay pa naming dito sya maipanganak. Kaylangan makaalis kami agad dito bago pa tuluyang lumobo ang tyan ni Oli.
Rinig ko ang paulit ulit na pag buntong hininga ni Oli.
"Do you really think na makakaalis pa tayo dito? Tingin mo hahayaan nila tayong makatakas? Lalo kana. Tingin mo ba hahayaan nilang makatakas ka?" napapikit ako bago napabuntong hininga.
Agad akong umusog papalapit kay Oli staka ko hinawakan ang dalawa nyang kamay.
Inayos ko ang buhok nya staka ko sya nginitian ng matamis.
"Makaka alis tayo dito. Trust me. As long as hindi kayo sumusuko, hinding hindi ako mawawalan ng pag asa na makaalis dito. Konting hintay pa at gagawa ako ng paraan para makatakas tayo dito" serysosong sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Agad na may lumapit saming isang armadong lalake.
Yumuko sya para magbigay galang na tinarayan ko lang. Nakokornihan ako ih.
"Shienna, pinapatawag na po kayo sa Royal House" tinarayan ko muna yung lalake bago ako bumalik ng tingin kay Oli.
"Nava..." ramdam ko ang kaba mula sa kanyang mga mata. Ang sakit syang tignan. Nasasaktan ako sa panghihina nya.
"Shhh... Everything will be fine, kumain ka ng marami at magpalakas kayo. Ikamusta mo na lang ako kila Cora and Willa. And ako ng bahala kay Nef and Rhea" nakangiting sambit ko sa kanya.
Dali dali nya kong niyakap na agad ko namang ginantihan.
"Thank you. We're so lucky to have you. Please take care den Nava"
"Yah. I will" sambit ko bago kami humiwalay sa isat isa.
Agad na akong naglakad kasabay ng armadong lalake.
Nang makalayo na kay Oli ay agad kong hinarap yung kasama kong armadong lalake.
"Paki tawag yung mga bago nyong kasamahan bilang guard or kung ano mang tawag sa inyo. Yung mga kaibigan kong lalake na ginawang katulad nyo. Pakihanap sila and lalo na si Acel tsaka mo sila utusan na dalhan ng maraming makakain sila Oli" sinubukan ko lang utusan tong armadong lalake.
Baka tumalab. Kasi diba Shienna nila ako? Meaning to say ako ang Queen kaya baka may rights naman akong mang utos, simpleng bagay lang naman yon.
Atsaka usto kong magkita ng madalas sila nila Acel at nila Oli.
Yumuko muna yung 'kawal' fine. Kawal na lang ang itatawag ko sa kanila, tutal mukha naman silang kawal ih.
Yumuko yung kawal na kasama ko "Copy, Shienna pero sasamahan ko po muna kayo sa Royal House"
"I can handle myself and don't worry di ako tatakas. Di ako suicidal na tao ih. Papakamatay ako sa gitna ng gubat?" sarcastic na sambit ko.
Muntanga ng mga nag iisip na makakatakas kami dito. Putspa. Wala naman kaming balak ialay ang fresh naming katawan sa mga hayop sa gubat na to no!
"Shienna..." nag aalalang tugon nya.
Napairap ako sabay talikod ko.
Ngunit agad ko ulit syang hinarap ng may maalala ako.
"Sya nga pala. Pwede ko bang makausap ang Lord nyo?"
"Nasa maynila po ang Lord, Shienna"
"Then tell him that I want to talk to him asap. Marami akong tanong sa kanya. Just tell him na gusto ko syang makausap" sambit ko sa kanya sabay talikod ko atsaka ako nagsimulang mag lakad.