Chapter 9

1113 Words
"Shienna, where are you going?" Rinig kong tanong ng isang bantay na kanina pa ko sinusundan. Ultimo pagkain ko dito sa kusina pinapakeelaman nya. Bakit ba? Eh sa dito ko gustong kumain ih. Psh. Masama kong ibinalik ang mga tingin ko sa kanya. Kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan ko tas yun agad yung una nyang itatanong? Well, kung nagtataka kayo kung bat ako ang naghuhugas ay hindi dahil sa nagpapakamasipag ako or what. I just want to do something or anything para lang hindi agad ako paakyatin sa kwarto ko don. Napaka boring kaya don tas... Tas nung gabing yon... s**t! May nangyare kasi don kaya hindi ako... H-hindi ako komportable. Halos mag iisang buwan na ng may mangyare samin ng lalakeng yon at mag iisang buwan na ng huli syang nagpakita. Sabi ng kaylangan ko syang makausap pero ang loko ni hindi manlang ako pinuntahan dito. Isang buwan na rin halos ng huli kong makita sila Oli, hindi na ulit kasi ako pinalabas ng royal house simula ng huli naming pagkikita. Nakakairita na yung Cassius na yon! Matapos nyang makuha sakin yung p********e ko ni hindi manlang ako dinalaw dito! I have so many questions sa kanya! Jusko! Mapapatay ako neto ni Galen pag nalaman nya tong pinag gagagawa ko. Atsaka need ko na ring mahanap sila Nef. Kaylangan sabay sabay kaming makakaalis dito. "Shienna---" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita yung bantay at agad ko syang sinagot. "Tatae! Sama ka?!" Naiiritang sambit ko sa kanya. Kanina pa sya ih! Kapikon. "You know, you don't have to follow me wherever I go. Hindi kita buntot para laging nasa likod ko so please! Leave me alone!" Napipikon kong sambit sa kanya. "Pero pinababantay ka po sakin ni Lord---" "Wala ka bang sariling utak para magdesisyon?! He don't own you--- I mean yeah, maybe binabayaran nya kayo or what but the hell I care?! Yayaman ba ko pag binantayan mo ko?! Di ba hindi naman?! So fuckin leave me! Naiirita ako everytime na naiisip kong may matang nakasubaybay sa bawat kilos ko." Mahabang lintaya ko. Tsaka ako padabog na umalis. Tsk. Tignan na lang natin kung sumunod ka pa. Seryoso akong naglakad papuntang living area atsaka ako dire-diretsong naglakad sa malaking pinto tsaka ko yon binuksan at halos atakihin ako sa gulat ng may sumulpot na dalawang bantay sa gilid. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Jusko! "Shienna, ano pong sadya nyo at lalabas kayo?" Tanong ng isa. Napakamot ako sa batok ko. Ano bang pwedeng idahilan sa mga to? "A-Ano... Pinapatawag kayo... Ahmm pinapatawag kayo ni Grim sa taas, may papagawa ata." Nagtinginan yung dalawa at para silang nag uusap sa mga tingin nila. My ghad! Dito pa ba nila balak mag landian sa harap ko? Psh! Napataray ako dahil sa irita. "Mukha ba kong nag sisinungaling at parang ayaw nyong maniwala sakin?" Naiinis na sambit ko. "H-Hindi naman po sa ganon Shienna pero---" "Then go! Bahala kayo, pag sya na mismo ang nagtawag sa inyo. Tsk, kayo den." Pananakot ko sa kanila. Nagkatinginan muna ulit sila bago sila yumuko at dali daling pumasok sa loob. Tsk. Magkakaroon na siguro ako. Nagsisimula na kong mairita at magtaray ih. Napa iling iling na lang ako bago lumabas. Maraming bantay sa harap ng gate. Hmmm, well I think kaylangan kong sa likod dumaan. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng royal house. Nang makita ko ang bakod sa likod ay napangiti ako. Well in fact wala naman kasing malalaking harang ang nakaabang sakin. Kundi mga naglalakihang mga puno na ang bungad ngayon. I think etong likod ng royal house ay papunta sa gitna ng gubat. And technically wala naman akong balak pumasok sa gubat na yan. Nang aasar lang talaga ako sa mga bantay kasi gaya nga ng sabi ko, di kami papasok ng mga kaibigan ko sa gubat na yan hanggat wala kaming mga mapang dala. Pero ang pagtalikod ko pabalik sa royal house ay nahinto ng makarinig ako ng sigaw. Sigaw na nagmumula sa loob ng gubat. Napakahina pero dahil sa sobrang tahimik ay narinig ko agad yon. Walang pagdadalawang isip at agad akong naglakad papasok ng gubat. ***•••*** Umabot na ko ng humigit twenty minutes sa kakalakad at kakasigaw para marinig ako ng sumigaw kanina pero hindi ko talaga sila makita. Mga naglalakihang puno ang nakapaligid sakin ngayon at ramdam ko ang init na nagmumula sa tirik na tirik na araw. Ang sakit na ng paa ko pero hindi ko magawang magpahinga kasi mamaya baka abutin ako ng dilim. Na trauma na ko sa nangyare saming magkakaibigan. "Hello?! Is anyone there?!" Muling sigaw ko sabay hawi ng d**o sa paa ko. Agad akong napahinto ng makarinig ako ng kaluskos. "Hello?" Pag uulit ko. Halos atakihin ako sa puso ng biglang may sumulpot na isang babae mula sa kung saan. "H-Help, please tulungan mo kami." Sambit nya. Tingin ko ay magkasing edad lamang kami. Napakunot noo ako pero kalaunan ay sinundan ko na lang din sya sa paglalakad. Huminto sya sa paglalakad matapos ang ilang minuto kaya napahinto rin ako. Dun ko lang namalayan na nasa harap kami ng bangin. "Jessa! Help!" Sigaw ng kung sino. Agad namang humarap sakin yung babaeng sinundan ko na tinatawag na Jessa. "Please help us." Sambit nya sabay takbo papunta don sa babaeng sumigaw. Napakunot noo ako pero agad ko rin syang sinundan. Non ko lang nalaman na nakakapit pala ang kaibigan nilang babae sa isang bato. At oras na bumitaw to ay malalaglag to sa bangin na to. And sure na ikamamatay nya yon, sa taas ba naman ng bangin. Agad akong tumulong sa kanila sa paghatak paakyat sa kaibigan nila. ***•••*** "So naligaw ka rin dito?" "Yap." Sagot ko kay Mary. "You said na kasama mo ang mga kaibigan mo? So where are they?" Agad akong napatingin kay May sa tanong nya. Si May yung malalaglag na kanina sa bangin na nailigtas naman namin. Si Mary naman yung sumisigaw kanina at si Jessa yung nakakita sakin. Naglalakad kami papunta sa direksyong hindi rin namin alam kung san ang tungo. Magkakaibigan sila at heto't nagbakasyon ngunit ayon, gaya ng nangyare samin ay naliligaw na din sila. Tungkol naman sa tanong ni May, I'm not sure kung dapat ko bang sagutin yon. Hindi ako sigurado kung maililigtas ko ba sila pag dinala ko sila sa pinaka loob ng paradise kung san may mga naninirahan at nakakulong ngayon ang mga kaibigan ko o baka mas ikapahamak pa nila yon at matulad sila samin na makulong don. Nahinto ang pag iisip namin ng makarinig kami ng sigaw ng isang lalake. What the heck?! Uso ba camping ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD