"Ahhh!" Sigaw ni May ng makarating kami sa pinagmulan ng sigaw at ganon na lang ang gulat ko sa nakita ko.
M-May lalake... T-tatlo sila and... And may mga hawak silang patalim at kahoy.
T-Tapos may lalake... Aa gitna... Na nakasalampak. Napalunok ako ng makita ko ang suot ng lalakeng nakasalampak sa gitna.
Sa pagkaka alam ko yung kasuotang yan ay yung mga suot ng mga kawal or bantay don sa paradise.
S-sigurado akong kawal or bantay sya sa paradise...
D-Duguan sya... P-Patay na ba sya?
"M-Miss... Hi-hindi namin ginusto yung... Yung nangyare... Aksidente lang---" Agad akong napatingin sa isang lalake sa gilid.
Agad syang pinahinto sa pagsasalita ng kasama nilang nasa gitnang lalake.
"What the hell man? Babae lang yan kung matakot ka naman." Nang aasar na sambit ng nasa gitnang lalake. Tahimik syang naglakad papunta sa direksyon namin nila Jessa. "Ano pare? Pili na kayo." Sambit nya sa dalawa nyang kasama. Inikot nya ang paningin nya sabay tingin sakin. Pinasadahan nya ko ng tingin sabay ngiti nya ng nang aasar. "Akin tong isa." Sambit nya habang nakatingin sakin.
Napaismid ako ng lumapit sya sakin sabay haplos nya sa pisngi ko na nagdulot ng kilabot sakin.
The hell!
Kadiri amp.
"Don't touch me." Seryosong sambit ko sabay tabing ng kamay nya na nakahawak sa mukha ko tsaka ako dire diretsong naglakad papunta sa pwesto ng nakahigang kawal ng paradise.
Umupo ako tsaka ko sya hinawakan sa balikat.
"Naririnig mo ko?" Tanong ko sa kanya.
Puno ng dugo ang kanyang mukha. Ganon din ang mga pasa nya sa braso. Grabe ang sinapit nya sa kamay ng tatlong lalakeng to.
Nanginginig ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. Aaminin kong walang ibang ginawa saming masama ang paradise bukod sa pagkulong nila samin.
Galit ako sa kanila pero hindi magagawa ng konsenya ko na gawin ang bagay na ganito.
Pero etong mga lalakeng to, mga wala silang konsensya na lalong ikinagagalit ko.
"S-Shienna---" Pagpupumilit na sambit ng kawal na agad ko namang pinahinto.
"Shhh... don't talk. Hihingi ako ng tulong." Sambit ko sa kanya.
"Ow, boyfriend mo? s**t! Sorry miss kung sya yung napagtripan namin. Eh sa sya naman yung nauna ih. Bigla ba naman kaming nilapitan at pinapasama kami sa kanya. Eh sa ayaw namin kaya yan napuruhan sya---"
"Shut up." Madiing sambit ko kasabay ng pagkuyom ng kamao ko.
Galit na galit ako.
"Fine. Nakakaselos naman. Yung babaeng pinili ko may boyfriend na pala. Okay lang, asawa nga naaagaw, jowa pa kaya? By the way, anong tinawag nya sayo? Shie... Shienna? Shienna ang pangalan mo?---"
Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at agad akong tumayo at buong pwersa syang sinampal.
Iritang irita ako sa boses nya ih.
"I said shut up! Ano bang mahirap intindihin don?!" Naiiritang sigaw ko sa kanya.
"You!" Dinambaan nya ko na hahampasin ng kahoy kaya agad akong napangisi.
"O ano?! Mananakit ka ng babae?! Go! Tell me your true gender asshole! Bakla ka di ba?! Go---s**t!" Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla nyang ibato yung kahoy nya sa kung saan at agad akong sinampal.
Oh my God! Literal na tumabingi yung panga ko don ha.
Dahil sa pinaghalong galit, irita at takot ko ay agad akong bumwelo tsaka ko sya solidong sinuntok na ikinasinghap ng mga nasa paligid.
Agad na napa salampak sa sahig yung lalake, ilang segundo syang natulala na agad ding nahinto kasabay ng pagtayo nya at pagpunta sa mga kasamahan nya.
Napalunok ako ng makitang kong kinuha nya yung isang kutsilyo sa kasamahan nya.
"Pre, babae lang yan. Wag mo ng patulan." Sambit ng isa sa kasamahan nya.
"Manahimik ka!" Sigaw nya sabay agad na lumapit sakin. "Tignan lang natin kung makangiti ka pa pag isinaksak ko sayo to." Pagbabanta nya.
Kahit ramdam ko ang takot ng buong kalamnan ko ay nginisian ko pa rin sya. Bat ba? Ma pride akong tao ih.
"Then try me." Nakangising sambit ko. Agad naman akong nagseryoso. "Pero babalaan na kita. Once na saktan mo ang reyna ng paradise, the queen of Lord Cassius Fuller. Once na saktan mo ang isang Nava Ellis-Fuller, ikamamatay mo yon. Malaki maningil ang isang Lord Cassius Fuller."
"Wala akong pakeelam sa sinasabi mo---"
Agad ko syang sinigawan. Kairita amp.
"Wala rin akong pakeelam sa nararamdaman mo!" Sigaw ko sa kanya.
Ang haba ng sinabi ko tas wala lang syang pake don? Abay buset sya 100 percent.
Huminga ako ng malalim bago gawin ang plano ko. Sana effective cause for sure, patay ako agad agad pag hindi ito mag work.
Pumikit ako bago sumigaw ng pagkalakas lakas.
"CASSIUS FULLER!" Malakas na sigaw ko na nag echo sa gubat.
"Anong ginawa mo?! Sinong tinawag mo?!" Natatawa akong napatingin sa lalake sa harap ko.
"Just wait and see." Nananakot kong sambit.
"Hoy wala akong panahon para makipagbiruan sayo---" Agad ko syang pinutol sa pagsasalita.
"Ay weh?" Nakataas kilay na sambit ko. "Parang kanina lang nilalandi mo pa ko tas ngayon wala ka ng time?"
"What the hell are you saying, Woman?" Agad akong napalunok ng marinig ko ang boses na yon.
Agad akong napatingin sa kaliwang bahagi.
Kakaibang pakiramdam ang namutawi sa kalooban ko ng makita ko sya.
Lord Cassius Fuller with his men. Nakapalibot ang mga alagad nya sa amin.
Hindi ko na namalayan ang ginagawa ko pero agad akong napatakbo sa pwesto ni Cassius at agad ko syang yinakap. Piling ko sobra ko syang namiss na ikinainis ko. What's wrong with me?
Nang mayakap ko sya ay ramdam ko ang suporta ng kamay nya sa likod ko.
"What the hell?! Why are you f*****g crying, Nava?!" Agad akong napahiwalay sa kanya sabay haplos ko sa pisngi ko.
Agad akong napakunot noo ng maramdaman kong basa yon. Oh God! Bat ako umiiyak?!
"Nava!" Sigaw ulit ni Cassius na lalong nagbigay ng kakaibang emosyonal na pakiramdam sakin.
What the f**k?!
Agad akong napasinghot singhot sabay yakap ko ulit kay Cassius na hinayaan nya lang tsaka nya ko binuhat paharap.
"Hey baby, come on. Tell me, why the f**k are you crying? Tell me baby please." Sambit nya.
Ipinulupot ko ang binti ko sa bewang nya at lalo kong isiniksik ang mukha ko sa mabango nyang leeg. God! I'm addict.
"They... They tortured your man." Paunang salita ko habang sumisinghot singhot pa.
"Hmm... Then?" Sambit ni Cassius habang ramdam ko ang pag amoy nya sa buhok ko.
"Nilandi nya ko..." Sumbong ko ulit.
Doon ay napaharap na sya sa mukha ko.
"What?" Seryosong tanong nya.
Napalunok ako pero lalong nagsipatakan ang mga luha ko.
"Napikon ako sa kanya kaya sinuntok ko sya kaso sinampal nya ko tas dinambaan nya ko ng kutsilyo." Umiiyak na sambit ko.
Nanatiling tahimik si Cassius pero ramdam ko ang paglalim ng paghinga nya.
Huminga sya ng malalim bago inayos ang pagkakabuhat sakin at ginawa nyang pa bridal style.
Hinarap nya si Grim. Ow! Andito pala si Grim?
"I wanna see them in our torture room." Walang emosyong sambit nya kay Grim.
Agad namang yumuko si Grim "Copy, My Lord." Sambit nya.
Tumango lang si Cassius tsaka sya nagsimulang maglakad.
"Hala saglit lang Cassius!" Sambit ko ng may maalala ako ngunit dire diretso lang sya sa paglalakad habang buhat ako. "Hala wait nga lang, yung mga kasama kong babae."
"Shup up, Wife. Grim will take care of them."