CHAPTER 1
RACHELLE'S POV
"Hoy Dark Angel, may customer ka sa table 6 naghihintay sayo." Kinalabit ako ni ate Faye mula sa pagsusulat ng mga orders.Nakatuka ako ngayon sa pagseserve ng mga drinks kaya nagtaka ako kung bakit open for table ako ngayon.Hindi kasi ako pwede ngayon dahil may isa pa akong trabahong kailangan kong gawin.
Isa akong dancer dito sa bar at dalawang buwan na akong namamasukan dito.May bayad bawat giling ko dito.Hindi ako katulad ng ibang mga dancer na gumigiling lang dahil sa iyon talaga ang trabaho nila.
Isa akong secret agent na nagkukunwaring mananayaw sa naturang club.Para hindi ako mabuko ay nagpapanggap ako bilang dancer na Dark Angel ang pangalan.Naka maskara lang ako ng kulay itim na parang si cat woman kaya hindi kita ang aking mukha.
Bawat pagsayaw ko at giling ay malaki ang bayad dahil ako ang ace ng bar na ito.Marunong akong makipagnegotiate sa may-ari kaya bawat table sa akin ay nagkakahalaga ng kalahating milyon. Sa gayon ay para makaiwas din ako sa mga lalaking gusto akong manyakin.Pero minsan ay natatapat talaga ako sa mga mayayaman kaya afford nila akong itable.Wala naman akong magagawa dahil kailangan ko talagang habaan ang pasensya ko kahit gusto ko na silang pagbabarilin lahat.
Nakatanggap kasi ang agency namin ng tip na nandito daw naghahasik ng lagim ang drug lord na si Mr.Kabayoshi,isang Japanese mafia at druglord.Kaya pinauwi pa talaga ako galing America para pabagsakin ang kanilang organisasyon.
Hindi ako nagpapatake out kahit pa bilyonaryo o gwapo ang kliyente.May bayad din ang paghawak sa akin depende sa parte ng katawan at kung hahalikan man ako ay ako ang magbibigay ng presyo at hanggang smack lang.Ano sila sinuswerte?
Pumunta ako sa table na sinasabi ni ate Faye para tingnan kung sino ang gustong magtable sa akin.Medyo madilim ang lugar kung saan ito nakapwesto.Ito ang lugar na gugustuhin kong tumambay kapag naka switch to agent ako or agent mode.Yung ako lang ang magmamasid at hindi nila ako mapapansin dahil madilim,hindi mahahalatang pinagmamasdan ko sila.
Mahiyain yata itong customer na ito.Nakaupo na ako sa tapat nito kaya tiningnan ko ang kabuuan nito mula ulo hanggang paa.
Naka clean cut na buhok na parang sundalo,naka polo shirt na kulay blue,hindi ko talaga makita ang kulay ng mata nito dahil sa madilim.Pero alam kong gwapo ang isang ito dahil ang kanyang over all facial structure ay naiiba sa mga sa lalaking nakasalamuha ko na.Nacurious ako sa kanyang boses kaya tinanong ko ito.
"Bakit mo ako itinable."
Sumagot ito sa baritonong boses kaya nagtaasan ang balahibo ko sa katawan.
Wala akong sinayang na sandali kaya kinuha ko ang kanyang kamay at hinila iyon pataas.Nakaramdam ako ng boltahe ng kuryente sa paghawak ko sa kanyang palad.Napakainit ng palad nya.Sumunod ito sa akin sa pagtahak ko palabas ng bar pero hindi ko parin binibitawan ang kanyang kamay.
Nakalabas na kami mula sa bar kaya kitang-kita ko na ang mukha ng lalaking nagparamdam sa akin ng kuryente nang hawakan ko ang kamay nito.
Isa itong Greek God na bumaba sa lupa base sa hitsura nito..Ngayon ko masasabing matangkad talaga ito dahil nakatayo na.Para itong isang sundalo sa sobrang tikas ng tindig nito,ang kanyang magkasalubong na kilay ay nakadagdag lalo sa awra nito at ang kanyang kulay brown na mata na parang nanghihigop sa aking kaluluwa.Idagdag pa ang makakapal nitong mga kilay at tumutubong balbas sa kanyang mukha ay nakakadagdag sa kanyang s*x appeal.
Nag-iinit yata ang katawan ko dahil sa gwapong lalaking ito na ngayon ay aking katabi at hawak-hawak ko parin ang kanyang kamay.
"May pambayad ka ba sa akin kung sabihin kong hindi lang ako magpapatable saiyo kundi magpapaangkin din?".tinanong ko ito ng may halong landi sa boses kaya nakita ko itong napalunok ng laway.Tumango lang ito at tumaas baba ang kanyang adams apple kaya lalo kong pinalandi ang aking boses.
"May alam akong lugar kung saan tayo pwedeng pumunta at patayin ang init ng ating mga katawan."
Nakita ko ang paglarawan ng pagnanasa sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko dito.Hinila ko ito papunta sa nakaparada kong sasakyan,pumasok kami sa loob saka ko pinaandar ito.
Nakarating kami sa tinutuluyan kong apartment.Sinusian ko ito saka kami pumasok sa loob.Malapit lang kasi ang apartment kung saan ako nagtratrabaho kaya mabilis lang kami nakarating.
Wala akong sinayang na sandali.Agad kong tinanggal ang butones ng polo shirt nito at itinapon yun sa sahig.Tumambad sa sa paningin ko ang 8 packs nito kaya napakagat labi ako.
"Ang sarap naman ng katawan mo."walang prenong sabi ko sa kanya kaya napatawa ito.
"Magkano ba ang presyo mo?".wika nito sa baritonong boses.Sheeeet.Ang sarap din ng boses nito.Boses pa lang nakakababa na ng panty.
"Kung sabihin kong libre nalang para sayo dahil gwapo ka naman maniniwala kaba?"
Humalakhak ito ng malakas.Pati pagtawa nito napaka sexy din juice ko day.Mawawasak na ang aking puday.
Itinulak ko ito sa sofa kaya napaupo ito saka ko isa-isang tinanggal ang aking suot magmula sa black spaghetti strap top lace croptop,sa black mini skirt,boots na black,hanggang sa tanging bra at panty na lamang ang natitira kong suot.