Kabanata 11

1385 Words
NIXEL “Bakit kasama ni Mixz ang anak ni Mrs. Villamor?” nagulat ako nang biglang sumulpot yung kakambal ko mula sa aking likuran. “Anak ni Mrs. Villamor? Sino naman yan?” pabalik kong tanong sabay inom ng wine sa hawak kong wine glass. It's Mrs. Villamor's birthday party and my mom forced me to attend this party for some unknown reasons. Kaya dinala ko na din dito si Azalea dahil alam kong pang-matanda ang party na 'to. Duh! Hindi ako bagay sa mga ganitong okasyon. “The one we met at condo last month. Yung lalaking nagsabing girlfriend niya daw si Mixz but—” “You mean yung ka-secret affair ni bestie? Why? Where are they? Baka nagtanan na ang mga yun. Tsk tsk.” biro ko at muling tinungga ang wine habang nakatingin sa mga bisitang kadarating lang. “Stop that.” bigla niyang inagaw sakin ang glass wine tsaka ibinigay sa waiter na dumaan na kaagad naman nitong kinuha. “I'm serious so can you please stop making fuss?” napaiwas siya ng tingin sabay buntong ng hininga “I saw the both of them earlier and he was dragging Mixz out of nowhere.” Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kung hindi ko lang talaga kakambal 'to baka akalain kong may gusto siya sa kaibigan ko kaya ganun na lang ang pagiging concern niya at hindi mapakali. “So what's your point? Sabihin mo na para makainom na ako ng—” “Sundan mo kung saan sila pupunta. Masama yung kutob ko sa lalaking yun.” Inuutusan niya ba ako? Napilitin na nga lang akong sumama dito tapos gagawin niya pa akong buntot ng kaibigan ko? Heck! I need justice. “Ikaw ang nakakita, edi ikaw na ang—” napahinto ako nang bigla niya akong hinila at dinala sa labas “What the heck is your problem? Hayaan mo ang kaibigan ko sa ginagawa niya, malaki na yun.” I still managed to speak kahit na medyo natatapilok ako dahil sa pagkaladkad niya. “Kuya, please have some mercy on my new stiletto.” “I'll buy you one kapag nagawa mo na ang sinabi ko.” sagot niya dahilan para mapairap ako sa hangin. Hindi man lang gumana ang pagtawag ko sa kanya ng kuya. Great tsss. “Saan ba nagpunta ang mga yun?” iritado ang boses kong tanong. “Nakita ko silang pumasok sa bandang area ng garden.” mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman sigurong halatang sinusundan niya ang kaibigan ko diba? Tsss. Nagsimula na akong humakbang papunta sa garden ng mansion. Napalingon ako sa pinanggalingan ko at nakitang naghihintay lang doon si Nizel. Napaka-supportive naman ng kambal ko. Psh. Habang abala ang nga mata ko sa kakagala para hanapin yung kaibigan ko, bigla na lang may humarang sakin dahilan para mapahinto ako at mapatingin sa lalaking humarang. “M-Mister?” bulalas ko. Hindi ko naman kasi kilala 'to dahil hindi naman siya pinakilala sakin ni Azalea. Maliban na lang dun sa girlfriend niya daw ang kaibigan ko tapos tumanggi din naman kalaunan. “Azalea's friend? Right?” tanong niya na para bang naninigurado. Nag-aalinlangan akong napatango sabay ngiwi. Kung ganun, natatandaan niya pa pala ako. “I-I was looking for my friend,” utal kong sambit “Have you seen her?” dagdag ko pa at mas lalo akong napangiwi nang makita kong ngumiti siya. May boplaks yata 'to sa utak eh. “Yeah. Nasa bandang pool area, diretsuhin mo lang ang lakad mo.” Kaagad akong nagpasalamat sa kanya at mabilis siyang tinalikuran para humakbang papunta sa pool area na sinasabi niya. Hindi ko gusto ang awra niya. Mukha siyang playboy sa hitsura niya at kung tantiyahin ko base sa mukha niya ang bilang ng mga babaeng niloko niya, sa tingin ko mahigit kumulang ilang libo na din siguro. Haha kidding. Sadyang hindi ko lang feel ang dating niya. Malapit na ako sa pool area at tanaw ko na din dito si Azalea. Pero ang ikinapagtataka ko ay may kasama siya—hindi, mukhang kausap niya yung babae. Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makita kong medyo intense yata ang pinag-uusapan nila. Nakita ko kasing paatras ng paatras ang kaibigan ko sa bandang pool habang pa-abante naman ang babaeng kausap niya. I smell something malansa. Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa kanila nang makita kong biglang tinulak ng babae si Azalea dahilan para mahulog ito sa pool. “TU—LONG...” mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang unti-unting paglubog ng kaibigan ko kaya mabilis akong sumigaw para sumaklolo din ng tulong. Napalingon ako sa likuran ko at saktong parating na din si Nizel sa kinaroroonan namin. “Nizel! Tulungan mo si Azalea... She has an aquaphobia at hindi siya marunong lumangoy” sigaw ko din sa kambal ko Takot siya sa ganitong kalawak na pool. “Bakit mo ba tinulak?” inis kong sigaw sa babaeng medyo nagulat pa yata dahil sa pagsulpot ko. “I'll make you pay for this, b*tch” binitawan ko ang hawak kong purse at mabilis na sinugod ang walanghiyang babaeng nagtulak sa kaibigan ko. “Nixel! Stop it.” Hindi ako nagpadala sa kakambal ko. Itinuloy ko pa din ang pagsugod, kaagad kong hinawakan ang braso niya at maarteng napadaing pa ang bruhang 'to kaya hindi na ako nagpatumpik pa at kaagad na itinulak din siya sa pool. “Serves you right, b*tch.” usal ko at bumaling ng tingin sa kaibigan ko na ngayon ay buhat buhat na ni Nizel. Phew. Thanks God “What happened?” Gulat akong napatingin nang makita si Mom na sumulpot, kasama niya si Dad at ang birthday celebrant. Yung anak din nito na nakasalubong ko kanina ay nandirito din. “HEEEEL—P!” Napabaling naman ako sa babaeng umakto na parang nalulunod sa pool kaya muli na namang nagsiakyatan ang dugo ko sa katawan. “Stop playing fool, b*tch—” “NIXEL!” umalingawngaw ang boses ni Dad na siyang ikinatigil ko. “Where's your mannerism?” “That b*tch was trying to—” “She's unconscious.” dinig kong sabi ng kakambal ko habang pilit siyang nakaalalay sa walang malay kong kaibigan. Halos ikuyom ko na ang kamao ko dahil sa narinig. This was because of that b*tch. Hindi ko alintana ang suot kong gown nang tumalon ako sa pool para ipamukha sa babaeng yun ang ginawa niya sa kaibigan ko. Hinawakan ko ang buhok niya dahilan para matigil siya sa kaka-acting na parang nalulunod. She was about to do the same thing as what I've did nang kaagad ko siyang iningudngud sa tubig. Narinig ko ang sigaw ng mga magulang ko and they're telling me to stop for what I am doing pero buo pa din ang paninindigan ko. “Nixel!" “Samantha!” Pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak ko ang babaeng 'to at alam kong kapos na kapos na din siya sa paghinga. “You want to play like you're drowning?” ngisi ko kasabay ng biglang paghila sakin ng kung sino mang panira. “Let go of me. I want to drown that b*tch like hell!” sigaw ko at pilit na kumakawala sa taong nakahawak sa beywang ko at ngayo'y pinipilit akong iahon sa tubig. “Hindi niyo nakita ang ginawa niya sa kaibigan ko. Kulang pa nga yung ginawa kong sabunot—” I paused and silence envelop me nang makatanggap ako ng sampal galing kay Mom. “I didn't raised you to become this wild,” batid ko ang pagkaseryoso sa boses ni Mom. “Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ugaling ganyan.” Napayoko ako dahil sa nakitang pagkadismaya sa hitsura ni Mom. Tinablan na din ako ng hiya dahil lahat sila ay nakatingin sakin. I only did those shits for my bestfriend's sake. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi ako inunahan ng bruhang yun. “Ganyan ba ang epekto ng kaibigan mo sayo?” sabat naman ni Dad. “No Dad. Hindi po sa ganun.” tanggi ko at ilang beses na umiling. “From now on. Ayokong makita na magkasama pa kayong dalawa. Understood?” Halos mabingi ako nang marinig ang sinabi ni Dad. Noooooooooooo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD